Chapter 7

2 0 0
                                    


Naglalakad ang isang lalaki sa eskinita. May dinukot siya sa bulsa niya, pero nahulog niya ito. Yumuko siya para pulutin ito.

Sa likod niya ay nandoon si Norman. May dala itong tubo at hahampasin na yung lalaki.

Pero napansin ng lalaki yung anino niya at tumingin sa likod niya, kaya naiwasan niya yung palo ni Norman.

"Putcha, sira-ulo ka ba?" inis na sabi nung lalaki.

Tinignan lang siya ni Norman.

"Bingi ka ba?" inis na sabi uli ng lalaki.

Hinigpitan ni Norman yung hawak niya na tubo at ihahampas uli yun sa lalaki. Naka-ilag uli yung lalaki at sinipa siya sa sikmura. Napatama siya sa pader.

"Inang to. Papatayin mo ko." sabi nung lalaki at sinipa pang muli si Norman. Tatayo sana si Norman pero sinipa uli siya ng lalaki.

Tadyak, suntok at sipa pa ang mga natanggap ni Norman bago siya iniwanan ng lalaki.

•••

Kumakain sa karinderya si Henry. Susubo na siya ng kakainin niya nang marinig niya ang isang lalaki sa likod niya.

"Sira ulo ba naman pre. Hahampasin ako sa ulo." rinig niyang sabi ng lalaki.

"Ano raw pakay niya?" sabi nung kasama niya.

"Ewan. Binugbog ko eh." sabi nung lalaki.

Agad binitawan ni Henry yung kutsara niya at agad na lumapit sa lalaki.

"Boss, namukhaan mo ba siya?" agad na tanong ni Henry.

Nagulat ang dalawa sa inasal niya.

"Ah...wait." sabi ni Henry at bumunot ng calling card niya sa wallet niya.

"Ahh... journalist ka." sabi nung kasama nung lalaki. Tumango lang si Henry.

"Oo naalala ko yung mukha nung sira na yun." sabi nung lalaki at dinescribe niya kay Henry yung itsura ng lalaki.

Drinowing ni Henry yung description na binanggit ng lalaki at pinakita ito sa kanya.

"Oo yan nga yung itsura nung sira na yun." sabi nung lalaki.

"Ah okay. Salamat po." agad na dumukot ng pera si Henry at ibinigay sa dalawa.

Mabilis pa sa alas-quatro nang makarating si Henry sa bahay niya at agad na idinikit sa board niya yung mukha na drinowing niya.

"Ngayon kailangan ko na lang alamin kung nasaan ka."

•••

Nadismaya si Denise nang hindi pumasok si Norman sa school. Nagtaka rin ang lahat nang hindi nila nakita si Norman sa school ngayon.

Pagkauwi niya ay naisipan niyang puntahan ito sa bahay nila.

Nang makarating na siya sa bahay nila ay nagdalawang isip muna siya bago kumatok, pero nagulat siya nang bumukas yung pinto at iniluwa nun si Norman na puno ng pasa sa mukha.

Isasara na sana ni Norman yung pinto, pero agad itong pigilan ni Denise.

"Norman anong nangyari sa'yo?" puno ng kaba na tanong ni Denise.

"Okay lang ako." sabi ni Norman at sinubukan uling isara yung pinto, pero ayaw magpatalo ni Denise at hinila niya rin ito hanggang sa bumukas yung pinto.

"Anong okay lang? Kita mo ba yang mukha mo?" puno ng pag-aalalang sabi ni Denise.

Hinarap siya ni Norman.

"Ayos nga lang ako! Kung ano mang mangyari sa akin wala ka na dun!" puno ng inis na sabi ni Norman.

Nabigla si Denise sa sinabi ni Norman.

"Meron akong pakialam Norman! Kase mahal kita!" pasigaw na sabi ni Denise.

Nabigla rin si Norman sa biglaang pag-amin ni Denise sa kanya.

Huminga nang malalim si Denise bago nag-patuloy sa sasabihin niya.

"Mahal kita Norman. Kaya please hayaan mo akong gamutin yang mukha mo, dahil masakit para sa akin na makita kang nasasaktan.

Tinitignan nang maigi ni Norman si Denise bago ito pinapasok sa bahay nila.

FacadeWhere stories live. Discover now