Epilogue

2 0 0
                                    


Tahimik na ang lahat. Nabigyan na ng hustisya ang mga namatay, pero usap-usapan pa rin ang krimeng gumimbal sa lahat.

Nakatingin si Denise sa salamin. Tinitignan niya yung peklat na nakuha niya nung araw na yun. Hindi niya matiim na ang lalaking minahal niya ang gumawa nun sa kanya. Lahat din sa paaralan nila ay nabigla nang malamang si Norman ang killer. Maraming hindi makapaniwala at marami rin ang nagsasabi na baka mali sila ng hinuli. Pero isa lang ang nararamdaman ngayon ni Denise--yun ay ang pagkainis sa sarili niya.

Naiinis siya na nagpa-uto siya sa kathang taong pinakita sa kanya ni Norman. Kung sana lang ay hindi siya naging naive ay hindi sana dumami ang nabiktima nito.

•••

Sa presinto naman ay tumatahimik na rin kahit papaano. Natanggal sa trabaho si Greg dahil sa mga ginawa niya. Bumisita siya sa puntod ni Tabo at nagsindi ng kandila.

"Tagal na rin pala no?" sabi niya habang hinihimas ang lapida ni Tabo.

"Alam mo, namimiss na kita. Wala na kasing kumokontra sa mga sinasabi ko. Wala na ring magpapaalala sa akin tumawag sa nanay ko. Wala nan--" hindi natapos ni Greg yung sasabihin niya dahil sa naluha na siya. Ang matikas na si Greg ay para ng isang batang nangungulila sa isang kaibigan.

•••

"Linisin mo yan ah." sabi ng isang preso kay Norman. Pinapalabhan kasi nito kay Norman ang mga damit niya. Puno ng pasa at sugat ang buong katawan ni Norman. Kapag hindi kasi siya sumusunod sa kanila ay binubugbog siya ng mga ito.

Pagkatapos niya maglaba ay pumunta siya sa likod ng presinto at doon ay nakipagkita siya sa isang lalaki.

"Handa ka na ba?" tanong nito sa kanya. Tumango lang si Norman.


The End...?

FacadeWhere stories live. Discover now