Nakatulala lang si Tabo sa bar. Iniisip niya lahat nang nangyari. Yung pagpunta niya sa crime scene, yung pagkilala niya sa bangkay ni Henry at yung pag-iyak ng tatay nito.
Pinuntahan niya ito sa bahay nila at doon niya nakita ang lahat ng ebidensyang nakolekta ni Henry. Nakita niya ang lahat ang mga dyaryo tungkol sa kaso at pati na rin ang cartographic sketch ng mukha ng suspect na pinaghinalaan nito.
"Boss mukhang malalim yang iniisip natin ah." sabi nung bartender.
Napatingin siya dito at isang malungkot na ngiti ang binitiwan niya.
"Kung ano man yan boss, malalampasan niyo rin yan. Sabi nga nila walang problemang di natin kayang lampasan." proud na sabi ng bartender.
"May diyos ba?" biglang natanong ni Tabo.
"Meron boss." sabi ng bartender.
"Kung ganun bakit hinahayaan niya tayong lahat na magkaganito." sabi ni Tabo bago lumagok ng alak.
"Alam mo boss pagsubok lang yan ibinigay sa atin ng diyos. Pero diba sabi sa biblia walang pagsubok na walang karampatang solusyon." sabi ng bartender.
Tinitignan siya ni Tabo. "Grabe namang pagsubok yan. Buhay talaga ang kapalit." natatawang sabi ni Tabo.
"Eh ganun talaga ang buhay boss eh. Di naman natin alam kung kailan tayo kukunin ng diyos na may kapal. Kaya ang dapat nating gawin ay maging isang mabuting tao para naman magkaroon ng kahit maliit na kaayusan sa mundo."
Napangiti si Tabo sa sinabi ng bartender.
"Napaka-philosophical mo no."
"Major ko yun eh." nakangiting sagot ng bartender.
Dumukot ng pera si Tabo at inilagay sa mesa.
"Balik ka boss ah." masiglang sabi ng bartender.
Nakangiti. Sumagot si Tabo. "Sige, pagnaresolba ko na tong problema ko." At lumabas na siya ng bar.
Sa labas ay umupo muna siya sa sulok. Tinignan niya lahat ng taong dumadaan. Nakita niya ang masasayang mukha ng mga mag jowa na magkayakap, mga anak na nakangiti hawak ang kamay ng nanay niya. Napangiti rin siya. Naalala niya uli kung bakit naisipan niyang maging pulis. Yun ay para protektahan ang mga ngiti na yun.
Ilang segundo lang ay nakita niya ang isang lalaking naglalakad at parang may nakasunod sa kanya. Naaninag niya yung mukha nung sumusunod sa lalaki nang tamaan ito ng ilaw ng isang dumadaan na sasakyan.
Nanlaki yung mga mata niya nang makita niyang kamukha ito nung lalaking naka-drawing sa bahay ni Henry.
Agad na tumayo siya at sinundan ito.
•••
Papatulog na si Greg nang makatanggap siya ng text galing kay Tabo.
[ Tabo to. May sinusundan ako ngayon sa Henison. May hinala akong siya yung hinahanap natin. Kung gising ka pa sumunod ka.]
Agad na kinuha ni Greg yung gamit niya at lumabas ng bahay niya.
•••
Ilang oras na ring sinusundan ni Tabo yung hinihinala niyang killer. Nagulat siya nang biglang tumunog yung phone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot.
"Nasaan ka ngayon bata?" may diing sabi ni Greg.
"Nasa may kalye Nibio ako ngayon. Sinusundan ko pa siya." sagot ni Tabo.
"Sige papunta na ako diyan. Mag-ingat ka." may pag-aalala sa boses ni Greg.
"Oo." maiksing sagot ni Tabo.
Paglinga niya ay hindi na niya makita yung sinusundan niya. Inikot niya ang buong kalye pero di pa rin niya mahanap ito.
•••
Mula sa pinagtataguan niya ay kita ni Norman si Tabo. Nangingitngit yung ngipin niya. Kumuha siya ng kahoy mula sa kinatatayuan niya at agad niyang sinugod si Tabo.
Naka-ilag si Tabo. Nahulog yung phone niya at hinarap si Norman. Harap harapan sila ngayon. Sumugod uli si Norman na nailagan uli ni Tabo. Humampas pa uli si Norman pero nasalo ng kamay ni Tabo yung kahoy na panghampas ni Norman. Ibinato niya ito sa malayo at hinarap uli si Norman.
"Bakit mo ba ginagawa to ah? Alam mo ba kung ilang pamilya ang nagluluksa ngayon ng dahil sa ginawa mo?" pasigaw na sabi ni Tabo kay Norman.
Tinawanan lang siya ni Norman at umamba ng suntok na agad namang nailagan ni Tabo at sinikmuraan si Norman. Napahiga si Norman sa sakit ng suntok ni Tabo.
Pinuntahan ni Tabo yung phone niya. Tiniwagan niya si Greg at sinabing nahuli na niya ang killer.
Nilapitan ni Tabo si Norman at tinanong uli ito. "Bakit mo sila pinatay ah?"
Ngumisi lang si Norman.
"Di bale. Makukulong ka na rin naman eh." sabi ni Tabo.
Kinuha niya yung posas sa bulsa niya at poposasan na sana si Norman nang bigla itong kumawala at tinandyakan siya sa sikmura. Napahiga si Tabo. Pumatong si Norman sa kanya at pa-ulit ulit na sinuntok si Tabo sa mukha. Sinalag naman ni Tabo yung mga suntok pero may ilan pa rin na tumama sa kanya. Nakalmot ni Tabo si Norman dahilan para masalo na iyon ni Tabo.
Nakatayo si Tabo at agad na bumawi ng suntok sa mukha. Natumba si Norman sa lakas ng suntok ni Tabo. Kukunin na ni Tabo yung posas nang hilain ni Norman yung paa niya at natumba siya. Agad na tumakbo si Norman at kinuha yung kahoy.
Tatayo na sana si Tabo pero napahiga uli siya nang hampasin siya ni Norman sa ulo. Inulit pa yun ni Norman. Hahampasin pa sana niya nang pangatlong beses nang may makita siyang liwanag sa likod niya.
"Bata!? Andiyan ka ba!?" rinig ni Norman. Agad niyang nabitiwan yung hawak niyang kahoy at umalis nang mabilis.
Naabutan ni Greg si Tabo na duguan. Agad niya itong pinuntahan at inalo.
"Bata! Bata! Hoy! Bata!" inalog alog niya si Tabo pero hindi ito sumagot.
"Hoy! Bata! Hoy! Tabo!" sigaw ni Greg.
Gumalaw yung bibig ni Tabo. Parang may sinasabi ito. Agad nilapit ni Greg yung tainga niya sa bibig ni Tabo.
"Na... ka...l... mot...ko...si...ya" naghihingalong sinabi ni Tabo.
"Hoy!Tabo! Hoy!' inalog alog pa niya si Tabo pero di na ito sumagot pang muli.
YOU ARE READING
Facade
Mystery / Thriller"What if the perfect student, is also one of the worst person ever?" Norman Gachalian is the most perfect person in school. He is smart, good looking and generally a great person, but every Jekyll has a Hyde. Everyone has skeletons in their closet. ...