Nagising si Tabo sa isang text mula sa kapitan niya. Agad siyang pinapapunta nito sa kalye Dimarano. May isang katawan na naman raw na natagpuan.
Pagkarating ni Tabo sa crime scene ay kita niya ang isang inang humahagulgol.
"Yung anak ko!!!" hiyaw ng ina.
Nakaramdam ng lungkot si Tabo. Pumunta na siya sa crime scene.
"Anong bago Mickey?" tanong niya sa isang pulis.
Umiling lang ito at kita ang pagkadismaya sa mukha nito.
Napatingin si Tabo sa inang nag-iiiyak. Gusto na rin niyang maiyak. Ilang tao na ang namamatay dahil sa hindi nila mahuli ang pumapatay.
Napalingon siya at nakita niya si Henry. Nilapitan niya ito at kinausap.
"Anong balita?" tanong nito sa kanya.
"Wala pa ring kahit anong lead." dismayadong sabi ni Tabo.
"Ikaw ba?" tanong ni Tabo.
Naglabas ng sigarilyo si Henry at sinindihan ito. "Wala rin. Hirap hanapan ng mali tong putaragis na to." sabi niya at ibinuga yung usok.
Napatingin silang pareho sa inang umiiyak pa rin hanggang ngayon.
"Sa tingin mo ba magbibigyan pa natin ng hustisya yung mga pamilyang sinira niya?" wala sa isip na natanong ni Tabo.
Napatingin sa kanya si Henry. Humithit muna ito bago sumagot. "Oo, pero matatagalan."
•••
Tinuturuan ni Norman si Denise. Seryoso si Norman sa pagtuturo kay Denise, habang si Denise ay patingin-tingin lang kay Norman.
"Ano naintindihan mo na ba?" tanong ni Norman.
Nabigla dito si Denise. "Ah...oo...oo. Salamat sa tulong mo." nakangiting pasasalamat niya dito.
"Okay sige. Alis na ako." sabi ni Norman at nagsimula nang mag ligpit ng gamit niya.
Ayaw pang paalisin ni Denise si Norman kaya wala sa isip na hinawakan ni Denise si Norman.
Napatingin si Norman sa kamay ni Denise na nakahawak sa kanya at kay Denise.
"Um...pwede ka pa bang mag-stay?" sabi ni Denise.
"Pasensya na Denise, pero hindi pwede eh. May mga kailangan pa kasi akong gawin sa bahay eh." sabi ni Norman.
Pagkasabi nito ni Norman ay agad bumitiw si Denise sa pagkakahawak niya kay Norman.
Nagpatuloy sa pagliligpit si Norman at saka umalis.
Naiwan malungkot si Denise sa kwarto niya.
YOU ARE READING
Facade
Mystery / Thriller"What if the perfect student, is also one of the worst person ever?" Norman Gachalian is the most perfect person in school. He is smart, good looking and generally a great person, but every Jekyll has a Hyde. Everyone has skeletons in their closet. ...