CHAPTER 21 - SOLVING THE HIDDEN MESSAGE 2

38 28 18
                                    

Virgil's p.o.v

Nang mabuksan niya ang pangalawang hati ng box ay bumungad sa amin ang mga papel, at ang isang papel na kinuha niya ay may mga lamang letrang

QTRPJHT - DU - WTG - KXKPAST - LPH - PQAT - ID - RGTPIT - UDJG - HTPHDCH

NDJG - JCRAT - XH - GTPAAN - QPS - BN - SPJVWITG

Nagmistula kaming baliw dahil sa wala kaming naintindihan.

"Whoever that person, the cipher we're going to use was already given. It was already given to us by he or she." nakakunot noong sabi nito.

"Anong Cipher naman ang sinasabi mo?" tanong ko.

"The Rot15 kung hindi gumana ay mag t-try ako ng ibang ciphers." sabi nito at bumalik sa pagkakaupo. Pinalibutan naman namin siya upang makita ang ginagawa niya.

ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ
PQRSTUVWXYZABCDEFGHIJKLMNO

Isinulat niya ito ng magkakatapat at nagsimulang magsulat.

B E C A U S E - O F - H E R - V I V A L D I - W A S - A B L E - T O - C R E A T E - F O U R - S E A S O N S

Y O U R - U N C L E - I S - R E A L L Y - B A D - M Y - D A U G H T E R

Wait? Parang pinalit niya yung mga letters na katapat nung bawat letters na naunang ibigay, yung wala pang sense.

"I replaced it using what is its counterpart underneath." pagpapaliwanag niya. At tama na naman ang naisip ko.

"Pero ano yang ibig sabihin ng "because of her Vivaldi was able to create four seasons. Your uncle is really bad My daughter?" hindi ko magets." pagpapakatotoo ko at blangko pa rin ang tingin ni Dolce sa akin.

"Kahit ako pre, hindi ko magets o wala talaga akong ma g-gets!" ani Din.

"Siraulo! Bakit may sulat ng ballpen 'tong blouse ko?" reklamo ni Mira.

"Karma mo 'yan tange." ani Din.

"Ikaw ata nag-" naputol ang sasabihin ni Mira ng magsalita si Dolce.

"You guys didn't know Antonio Vivaldi?
He is an Italian Composer. Virtuoso, violinist, and Impresario of Baroque Music." pagpapaliwanag nito.

Oo nga pala! Na-topic namin 'to nung grade 9 at 10 dati! Renaissance, Baroque.

"Ano naman ang connect ni Vivaldi rito sa box?" pagsingit ni Rich.

"His best-known work is a series of violin concertos known as The Four Seasons. Winter, Summer, Autumn, Spring." pagpapaliwanag nito at tila nalinawagan naman ang lahat.

"So ang sabi rito sa clue, because of her Vivaldi was able to create four seasons. So? Name ba ng babae ang sagot?" naguguluhan pang tanong ko.

"Obviously, yes." pagsagot ni Dolce.

"Related na naman sa greek mythology?" tanong ko ulit.

"Yes." sagot na naman ni Dolce.

"You know the answer?"

"Yes." pagsagot na namang muli ni Dolce.

"The answer is Demeter, the Goddess of harvest, mother of Persephone, the goddess of Spring." ani Dolce at kinuha ang isa pang papel na may nakasulat din.

Use a code that rhyme with Sanity.

"Teka anong code?" pagsingit ni Mira

"Code sa verification?" tarantadong sagot ni Din.

"Siguro code 'yan, para mapatay kitang gago ka." ani Rich.

"I think i know the answer." naguguluhan man ay nagsalita ako.

"It's vanity code?" pagpapatuloy ko.

"That's right, it's vanity code that we're going to use." tumango ito.

"I think you know how vanity code works?" pagtatanong nito sa akin.

"Yes, ginagamit kasi namin 'yan dati nung pinsan ko."

"Use the vanity code to "Demeter" can you?" utos nito, tumango na lamang ako at kinuha ang iniaabot niyang papel at ballpen.

D E M E T E R

2 - ABC
3 - DEF
4 - GHI
5 - JKL
6 - MNO
7 - PQRS
8 - TUV
9 - WXYZ

3-33-6-33-8-33-777

Sinulat ko ito sa papel at ipinakita sa kanila.

"Tangina? Ano pang ginagawa natin dito? Kaya naman na ata nilang dalawa i-solve 'yan!" bulong ni Mira, pero ang bulong talaga ng babaeng 'yan ay tila may mic pa rin sa bunganga.

"Ewan, wala naman tayo natutulong." ani Mayumi.

"Unlock the third lock." utos ni Dolce na sinunod ko.

At nabuksan ang pangatlong lock.

An author that a woman idolized.
He makes her day Ameliorate.
She forgets, but not him.
She likes everything about the Author.
The one who created, Hawk and Tom.

Sa pagkakataong ito ay letters na ang nasa passcode.

Kumuyom ang mga kamao ni Dolce at halatang nagpipigil ng galit.

Pero bakit?

"Are you mad?" kinakabahan man ay nagtatanong ako.

"The answer is Mark Twain." malamig na sagot nito.

"Paano mo nalaman agad?" naguguluhang tanong ko.

Hindi ito sumagot kaya nilagay ko na lamang ang Mark Twain sa passcode.

At nabuksan na naman ito.

Ang nasa pang apat na hati ay may isang papel lamang.

What's the name of that author? Not using his pen name.

"Samuel Langhorne Clemens." Nagsalita na naman si Dolce habang malayo ang tingin.

Dahil kinakabahan na baka magalit ito lalo ay walang sumusubok na magtanong, tinype ko ang sagot nito at muli na namang nabuksan ang panglimang hati.

Hindi kami nagkamali ng tinakbuhan, Salamat Dolce.

Ang panglimang box ay may nilalaman na kulay pulang papel.

Yes or No lamang ang nakalagay rito, hindi katulad ng mga nauna na letters at number ang choices.

I won't make this hard, i had fun. Thanks for playing with us :)

- T & S

Sa likod ng papel na kulay pula ay may nakasulat muli.

You know someone who jumped, At your school roof top?

Tila may naalala ako bigla.

Biglang pinindot ni Mayumi ang Yes at biglang bumukas ang pang-anim na hati.

Congrats! Here's the one i killed! She's lucky!

Nakasulat ito sa takip ng pang-anim na hati, may isang kulay itim na sticky notes at nakapaikot ito habang nakasiksik sa loob ng box.

Putangina? 'wag mo sabihing totoo talaga 'tong may pinatay itong nagbato sa amin ng box?

Kinuha ni Dolce ang itim na sticky notes at binuklat ito.

Binasa nito ang isang pangalan at sunod-sunod kaming napamura sa nalaman namin.

"Hera Shin O. Olegario."

***********************************

This chapter is dedicated to AIELA_CEE

Shattered PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon