CHAPTER 27 - DATE OR DATE? 2

36 28 19
                                    

Kiana's p.o.v

"Kiana may sasabihin ako sa'yo." natigilan ako sa sinabi ni Virgil.

Hindi naman sa nag a-assume ako pero paano kung?

Paano kung? Wala erase erase, hindi pwede!

"Ano 'yun?" pinilit kong umakto ng normal.

"Curious din kasi ako sa dalawang 'yun."

"Sino?"

"Kina Rich at Dolce." wooh akala ko naman kung ano.

"What about them?"

"Obvious namang gusto ni Rich si Dolce pero sa tingin mo? Gusto rin kaya siya ni Dolce?" tanong niya.

"Feeling ko hindi?" hindi siguradong tanong ko.

"Bakit naman?"

"Kasi wala siyang pinapansin ni isa sa atin."

"Hmm, pwede pero paano kung nagpapanggap lang pala siyang walang pakialam sa atin?" Grabe talaga ang isip ng isang 'to! Masyadong malayo!

"Bakit? Ano namang reason niya para magpanggap?" tumaas ang dalawang kilay ko.

"Hindi ko alam, hindi naman ako sigurado."
He shrugged his shoulders.

"Ayaw mo pa rin ba kay Dolce?" biglang tanong nito na ikinaubo ko.

Bakit si Yumeko ang topic namin?

"Hindi naman sa ayaw ko talaga sa kanya, masisisi mo ba ako kung ayoko na ulit na ipilit ang sarili ko sa kanya kasi... Ayoko na maitulak pabalik." Napatingin ako sa malayo.

"I-isa pa, naiing-" he cutted me off.

"Huwag mo na ituloy." sumeryoso ang mukha nito at parang galit siya.

"Hay, oo na." i sighed.

"Bakit hindi mo ata suot yung bracelet mo ngayon?" biglang pansin nito sa pulsuhan ko.

Oo nga, hindi ko nga suot.

At sinuot ko 'yun bago ako pumasok ng school.

Baka nahulog ko sa School or nasa bag ko?

Bigla kong kinuha ang bag ko at akmang bubuksan na ito ng tumayo si Virgil at niluhod ang isa niyang tuhod sa tiles saka kinuha ang kamay ko at pinunasan.

Napatitig ako ng diretso sa mata niya at tuluyan ko ng naamin sa sarili ko ang nararamdaman ko, hindi pwede.

"Madudumihan pa bag mo niyan, okay lang bibili na lang tayo ng bago kung nawala mo." pumunta ulit ito sa upuan niya at naglabas ng alcohol saka siya nag spray sa kamay ko.

Hindi ko na napansin na may mga cheese powder at kung ano ano pa ang kamay ko dahil sa junkfoods.

"Baka nandito lang, check ko para sure." hinayaan na ako nito dahil malinis na naman na ang kamay ko.

Ilang minuto ang itinagal ko sa paghahanap pero wala.

Nawawala nga ang bracelet ko.

"Bibili na lang tayo ng bago." sabi nito ulit.

Hindi pwede!

"Hindi pwede! 'yun pa naman first friendship bracelet natin, yung sa'yo andyan pa yung akin wala na!" kinalkal ko ulit nang kinalkal ang bag ko umaasa na baka hindi ko lang nakita kanina.

"Sige na, okay lang nga kung hindi mo makita uubusin mo pa ba yang mga pagkain mo? Mag a-alas siete na rin." tumingin ito sa relo niya at tumango na lang ako.

"Lagay mo na lang sa plastic yang mga junkfood, tapos yung magnum kainin natin while walking." sabi ko at iniayos ang mga laman ng bag ko, doon ko na rin nilagay ang mga junkfoods na binuksan ko na kanina na inilagay naman ni Virgil sa isang plastic.

"Kiana." pagtawag nito sakin ng makalabas na kami sa mini stop.

"May tanong ulit ako." ngumiti ito.

"Ano 'yun?" tumingin ako sa kanya at umiwas siya ng tingin.

"M-may.."

"May?" tumaas ang dalawang kilay ko at bahagya kaming tumigil sa paglalakad.

"May nagugustuhan ka na ba?"

Shattered PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon