CHAPTER 8 - HE KNOWS

64 28 1
                                    

Virgil's p.o.v

"Huy Kiana!" pagtawag ko rito ng mapansing titig na titig siya kay Yumeko.

"Bakit?"

"Bakit ka naman nakatingin kay Mavis? Matunaw 'yan tamo!" biro ko.

"Ang lamig niya talaga 'no?"

"Ano siya yelo?" sinamaan naman ako ng tingin ni Kiana.

"Joke lang! ito naman." bawi ko.

Pero totoo 'yun, malamig talaga siyang tignan kahit nung unang beses ko siyang makita alam ko na malamig na tao siya.

"Hi, that seat isn't taken yet." she ignored me and went to the first row of chairs.

And that's the last time na kinausap ko siya.

"Pero Oo, malamig talaga siya tingnan..."

"Pero alam mo? feeling ko kaya siya ganyan kasi may dahilan." pagpapatuloy ko.

Alam kong may rason kung bakit siya ganiyan at wala ako sa posisyon para humusga.

"Hambog!" napalingon kami ni Kiana sa malakas na boses na iyon.

Siya na naman hays.

"Aray! putcha."

"Sabi ko tignan mo sila Virgin nakatingin dito!" malakas na sabi ni din.

Gago? Anong Virgin?!

Dinuro pa nito ang pwesto namin kaya tumingin naman dito si Hendrich

"Virgin! Virgin! Virgin!" malakas na naman na sabi nito kaya pinagtinginan siya ng mga estudyante.

Tanginang Gallero 'to!

Bigla na lang itong nag bad finger kaya gumanti ako at gumanti rin itong kasama ko.

"Bakit ba siya ganyan? Baliw ba 'yan si Aladdin?" nagtatakang tanong ni Kiana.

"Yana alis na tayo."

"Bakit?"

"Nakatingin sa atin si Mavis." tumingin ito kay mavis at pumayag na umalis na lang kami.

May hindi tama akong nakikita sa tingin ni yumeko kanina at aaminin kong kinakabahan ako.

"Virgil?" pagtawag pansin ni Kiana.

"Hmm?"

"Kanina nasa library ako tapos nandoon din pala si Yumeko."

"Hindi ka pinansin?"

"Hindi."

"Alam ko." sinamaan na naman ako ng tingin nito.

Shattered PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon