Virgil's p.o.v
"Pre pahiram ako gitara." ani Din habang aamba na hawakan ang gitara ni Kai.
"Subukan mong hawakan 'yan, ihahampas ko 'yan sa'yo." masamang tingin nito kay Din.
"Bakit na naman pre?"
"Gago baka ikaw yung nakasira ng isang pick ko na umiilaw." nakasimangot na sagot ni Kai.
"Kaya ako na lang pahiramin mo, haharanahin ko si Dolce." pagsingit ni Rich at kumindat pa.
"Aladdin, pahiram ako ballpen sabi ni barbie meron ka pa." nakangising singit ni Ashe na halatang nang-aasar.
"Tado umalis ka rito mapapatay kita." ani Din at tumatawang umalis naman si Ashe.
"full force ka mag strum tol, baka maputol mo pa isa sa mga strings ko." iiling iling na sabi ni Kai.
"Ulol! Pakyu! Madamot!" kunwaring galit na ani Rich.
"At saka haharanahin ko kasi si Geometry mamaya." nangingiting dagdag ni Kai.
Ampotek gumagalaw na ang bata ko!
"Naks gumagalaw na 'tong manok ko ah." pagsingit ko at bahagya pa siyang tinapik tapik sa balikat.
"Eh ikaw kailan ka dadamoves kay Kiana?" mapang-asar na tanong ni Din.
"Hindi bro, ayoko masira friendship namin dahil lang sa gusto ko siya." iiling iling na sagot ko.
"Alam mo bro, hindi na uso pagiging torpe ngayon." singit ni Rich.
Wow ha?
"Bakit? Ikaw nga hindi mo maligawan si Dolce hindi pala torpe-" naputol ang sasabihin ko ng may kung anong tumama na matigas sa ulo ko at masakit ito.
"Puta pre? Bakit may ganito na naman?" Nagtatakang tanong ni Rich.
Tinignan ko ang hawak hawak nito at
Gago
May kahon na naman na katulad nung nakaraan na parang may tunog ng fire alarm.
"Hoy baka may fire alarm na naman 'yan." nag-aalangang sabi ni Kai.
Kinuha ko ang kahon sa kamay ni Rich at sa ilalim na parte nito ay may nahawakan akong parang papel.
Inangat ko ang kahon at nakitang may sticky notes sa ilalim na banda nito.
I killed someone, funny right? Wanna know who is it? :)
May bahid pa ng dugo ang sticky notes kaya nabitawan ko ito.
Kinuha nila Kai ang sticky notes na nalaglag at binasa rin.
"What the fuck bro? Totoong dugo ba 'yan?" nagtatakang ani Din.
"Bakit hindi niyo amuyin?" sagot ko.
inamoy nga ito ni Din at namumutla itong binitawan ang sticky notes.
"Ano?" tanong ko.
"T-totoong dugo, malansa sobra kahit tuyo na." nauubong sagot nito.
Putangina.
Dahil na rin sa curiosity ay binuksan ko ang kahon at sa pagkakataon na ito, may anim na itong hati at may mga takip sa ibabaw.
May mga numerong nakalagay sa bawat taas ng hati.
1 - 2 - 3
6 - 5 - 4Ganito ang bilang ng kahon.
Sinubukan kong tanggalin ang may numerong uno sa taas.
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces
Mister / ThrillerSolving Cases? A SENIOR HIGH Detective students? How could it be possible? VILLALUNA HIGH was once a peaceful home of Villa students. In an instant the killings suddenly waved. A group of smart people got involved in the murder cases that are sprea...