Lumabas na si Sir Samonte pero hindi talaga siya sinasagot ni Dolce.
Wala ring sumubok sa amin na kausapin si Dolce, kahit na gusto namin ang iniaalok ni Sir, nakakatakot kasi baka bigla siyang magalit sa amin.
Tinignan ko ang oras at nakitang 05:47 na.
"Thursday cleaners, magsilinis na." sigaw ko at tinawag ang mga pangalan nilang nakapaskil sa white board."Virgil, cleaners ka 'di ba?" nagtaas baba ng kilay si Mira.
Hays.
"Wala nilipat na'ko sa tuesday." umiling ako.
"Weh talaga kailan pa?"
"Nung kahapon ng kahapon."
"Eh bakit ganyan pa rin yung list?" tinuro nito ang cleaners list.
"Hindi 'yan updated." seryoso kong sagot para hindi niya malamang nagsisinungaling ako, nagkibit balikat na lang ito at umalis.
Napatingin ako kay Dolce at nakitang nakaupo at nakapikit lang ito habang naka crossed arms.
"Virgil?" tawag pansin ni Kiana.
"Bakit?" nilingon ko ito at nakita itong nakatingin din kay Dolce, napatitig naman ako sa mukha niya.
Tumingin ito sa akin
"Sa tingin mo? Papayag si Dolce na tanggapin yung offer ni Sir? Sure akong hindi natin ma c-convince si Dolce kung ayaw niya talaga." tumingin ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin."Ewan, hindi ko alam- malay mo pumayag siya ng kusa at hindi natin kinukumbinsi."
"Sana pumayag siya, hindi lang dahil sa grades gusto ko kasi sumali sa club na hahawakan niya." tumawa ito ng mahina.
Napatitig na naman ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit kada araw na nakikita at nakakausap ko siya, nahuhulog akong lalo sa babaeng 'to.
"Talaga? Hindi ko alam na interested ka sa detective club, hindi ba't kasali ka na sa TCC?" pagtukoy ko sa Treasure Chess Club.
"Ano naman? Hindi naman ako magaling sa chess eh, noob pa lang ako at mas interesting ang detective club para sa akin." sagot nito.
"So mag q-quit ka diyan sa TCC kapag na-open ang first detective club?" tanong ko at tumango naman siya.
"Ikaw ba? Gusto mo ba talaga diyan sa Archery club mo?" tanong nito.
"Syempre naman."
"So hindi mo'ko sasamahan sa detective club kapag pumayag si Dolce?" nakasimangot na tanong nito.
"Syempre, sasamahan kita."
"So mag q-quit ka rin diyan? Alam mo naman sigurong isang club lang ang pwede natin salihan."
"Alam ko, kaya nga tinanong kita kanina kung willing ka mag quit sa TCC kung mabuksan ang detective club."
"Ah, so ano nga?"
"Syempre naman, pwede ba 'yun? Hayaan kita mag-isa sa club." tila naging double meaning ang sinabi ko at sinamaan ako ng tingin ni Kiana.
Kinuha ko na ang bag ko at isinuot ito, ganoon din siya, sumunod lamang si Kiana sa akin.
"Kai, kayo na bahala diyan ah? Uwi na kami!" sigaw ko.
"Sige lang tol! Ingat kayo!" sigaw rin nito pabalik at hinatak ko na palabas ng room si Kiana.
Nasa labas na kami ng Villaluna high at kasalukuyang kumakain ng binili naming fishball at kikiam, libre ko syempre.
"Sa tingin mo papayag siya?" tanong nito habang naglalakad kami.
"Pwedeng oo, pwedeng hindi."
"Pero gusto mong pumayag siya?" tanong nito ulit at nilingon ko siya.
"Syempre, gusto ko rin kasi ng mas mataas na grade-" hinampas nito ang braso ko habang tumatawa.
Saka ko napansin na nasa kaliwa siya ng daan at nasa kanan ako, baka mabangga siya paano na ako niyan?
Hinawakan ko ang braso nito at pinagpalit kami ng pwesto, siya na ngayon ang sa kanan at mas malapit na ako sa mga sasakyan.
"Pero malay mo baka maging kaibigan na natin si Dolce kapag nabuksan nga 'yun." tinusok ko ang dalawang kikiam at kinain 'yun.
"Ayoko na."
"Ha?" napatingin na naman ako rito at nakitang nakababa lamang ang tingin nito.
"Ayoko ng umasa."
"Huwag ka mag-isip na naman na baka itulak ka na naman niya palayo." hinulaan ko ang inisip nito.
"Totoo naman eh-" pinutol ko ang sasabihin nito.
"Naalala mo yung first incident natin sa box?"
"Oo naman." kumunot ang noo nito pero tumango.
"Sa tingin mo ba tutulungan tayo ni Dolce na matigil sa pagtunog ang box na 'yun kung ayaw niya sa atin?" napa-isip naman ito.
"Hindi ka sigurado paano kung-"
"Paano kung yung pangalawang incident naman sa box ang pag-uusapan?" putol ko sa sasabihin nito kahit na alam kong iba ang sasabihin niya.
"Paano kung gusto niya lang iligtas ang sarili niya kaya niya ginawa 'yun?" halata sa boses niya na kahit siya ay ayaw sa sinasabi niya.
"Kilala natin si Dolce, tahimik man siya at hindi tayo pinapansin pero hindi siya makasarili, hindi ba?" paalala ko rito.
"Alalahanin mo yung sa pangalawang box, sa tingin mo ba papayag siyang tulungan tayo kung makasarili siya? Kasi kung oo, ay dapat umuwi na siya at hindi tayo pinansin." naubos ko na ang kinakain ko at itinapon ito sa nadaanan naming sako na may lamang mga basura.
Sinadya kong huwag bumili ng drinks para sa amin dahil gusto kong mag stay kami sa mini stop na madaraanan namin.
Hindi pa rin ubos ang kinakain niya pero hinatak ko siya para tumawid at pinagbuksan ng glass door.
"Ito na naman si biglang nanghahatak tsk tsk." natatawang sabi nito.
"Ano ba gusto mo?" tanong ko habang iniiikot ang paningin sa mga drinks.
"Libre mo ba?"
"Dadalhin ba kita rito kung libre mo?" sarcastic kong tanong, tumawa na naman ito at kumuha ng dalawang magnum at kumuha pa ng mga junk foods. Kumuha naman ako ng coke in can.
Nagbayad ako at dinala sa table for two ang mga binili namin.
"Hay sarap ng buhay talaga kapag kasama ka." natatawang sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin.
Double meaning pre.
Hindi ko pa rin talaga maisip na nagustuhan ko siya, magkaibigan lang naman talaga kami hanggang sa bigla ko na lang napagtanto na gusto ko na pala siya.
"Virgil, punta ako sa bahay niyo bukas ah? Papaalam naman ako kina mama at papa." Sabi nito habang kumakain, namula naman ako.
Kung dati sana na walang malisya sa akin kapag magkasama kami, pero iba na ngayon. Gusto ko na nga kasi siya.
"Sure, bakit pala?" tanong ko.
"May assignment kaya tayo Gen math at activity rin, alam mo na..." ngumisi ito, ngumisi rin ako.
"May assignment din pala tayo sa physics." ngumisi ako lalo, magaling sa physics si Kiana.
"Heh, kaya mo naman gawin mag-isa." inikot nito ang mga mata.
"Gusto mo ba hindi kita pagbuksan ng pinto sa bahay?"
"Luh? Eh kung sapakin kita ngayon." itinaas ko ang mga kamay ko para sabihing suko na ako at tumawa na lang.
"Kiana may sasabihin ako sa'yo." Sabi ko at kitang-kita ko kung paano siyang natigilan.
BINABASA MO ANG
Shattered Pieces
Mystery / ThrillerSolving Cases? A SENIOR HIGH Detective students? How could it be possible? VILLALUNA HIGH was once a peaceful home of Villa students. In an instant the killings suddenly waved. A group of smart people got involved in the murder cases that are sprea...