Sam's p.o.v
“Damn you, Aladdin.” nanggigigil na sabi nitong katabi ko dahil kinagatan ni Din ang burger niya.
“Here, you can have mine.” inabot ko sa kanya ang isa ko pang burger.
Nagdadalawang isip pa siyang kunin ito pero nilagay ko na ito sa kamay niya saka siya nginitian.
“Thanks.” mahinang pagpapasalamat nito.
“Oh ’yan meron ka na, akin na ’tong sa’yo ha?” inagaw ni din ang burger na kinagatan niya na hawak ni Mariana.
“Oh sam? Gusto mo pa burger?” pagpansin ni Rich ng makitang nakatulala na lang ako.
Umiling ako at uminom na lamang sa aking drinks.
“Na b-boring ka ba?” rinig kong tanong ni Kai sakin.
“Hindi, feel ko lang tumulala.” pagsasabi ko ng totoo.
“Grabe talaga kanina ’no? Ang galing ni presi like, hindi nga sumagi sa isip ko na nasa loob pala ng box yung fire alarm.” pagdadaldal ni Mira kay Mayumi.
“Oo nga ’te, kahit nangbabara siya at sarcastic.” Sabi ni Mayumi habang tumatawa.
Nang may maalala ako.
“Eh ’di ba may umiyak pa nga diyan kasi puputulin daw dila niya.” pabirong sabi ko kaya nagtawanan sila.
“Bakit ba?! Eh sa nakakatakot siya!” pikon na sabi ni Caitlyn.
“Natatakot kayo sa bebe ni Rich?” pang-aalaska ni Din kay Rich.
“Lahat naman tayo eh.” ani Virgil kaya nagtawanan na naman kami.
“Agree ako dyan, Virgin.” tarantadong pagsingit ni Din.
“Gago ka talaga.” komenti ni Virgil na natatawa na lang sa pagiging otnis ni Din.
“Teka putcha ano pinagsasasabi niyo kanina?” nagtatakang tanong ni Seb habang pinupunasan ang kamay ni Vanilla gamit ang tissue.
Kainggit! Hope all may tagapunas.
“Kasi girl nagkagulo lahat sa school kanina dahil tumunog yung fire alarm. Tapos hindi pala fire alarm ’yun kasi yung tumutunog pala is yung box na hinagis kay Caitlyn. Tapos si Yumeko inalam niya yung password nung box na nakalock tapos unang try niya tama agad.” pagpapaliwanag ni Mira na walang hingahan.
“Baka naman sa kanya ’yun?” ani Seb.
“Paano naman nasabi na sa kanya ’yun?” pagtatanong ni Rich.
“Eh sabi nito ni Mira unang try pa lang tama na.”
“Bakit naman siya mag-aaksaya ng oras magpaliwanag sa atin kung sa kanya pala yung box?” ani Rich.
"Kung sa kanya ’yun, bakit niya sinira?" pagtatanong ni Virgil kaya natahimik lahat.
“Kitang kita namin lahat kung paano naging sarcastic at nag try na sagutan yung clue para makuha yung password.” pagsingit ni Kiana.
“Kaya impossibleng sa kanya ’yun. Medyo nakaka-offend kasi tumulong na nga siya napagbintangan pang gumawa siya ng gulo.” dugtong nito.
“Saka feeling ko sinadya na ihagis sa ulo ko.” komento ni Caitlyn.
“Bakit naman?” concern na tanong ko.
“Kasi bakit sa ulo ko pa talaga tumama ’di ba? Eh laging nakasara ang mga bintana natin tapos back and front door ang laging bukas. Naramdaman ko ring sa likod galing yung pagbato.”
“Oo nga ’no?”
Nagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa mga nangyari kanina hanggang sa napagdesisyunan na naming umuwi dahil late na rin.

BINABASA MO ANG
Murder, Murder
Mistério / SuspenseWelcome to Villaluna High, where brains meet bravery. Beneath the surface of innocence, a killers lurks, waiting to strike. At Villaluna High, the 12-HUMSS A students are known for their dynamic personalities and academic excellence. Led by Dolce Yu...