CHAPTER 16

94 34 5
                                    

Marchal’s p.o.v

Nagsi-uwian na rin yung iba naming mga classmates dahil mag a-alas otso na rin ng gabi.

Pero heto ako, naglalakad sa daan kasama si Ann, para ihatid siya sa bahay nila.

“Ann?” tawag ko rito.

Bakit?”

“Gusto mo ba ng ice cream?” tanong ko dahil napadaan kami sa 7/11

“Ah, hindi na.” awkward na sagot nito.

“Anong gusto mo?” tanong ko.

“W-wala.” nauutal na naman na sagot nito.

Inakbayan ko na lamang ito hanggang sa makarating kami sa Baltazar st.

tok tok tok.

Pagkatok ko ng tatlong beses sa pintuan ng bahay nila.

Bumukas ito at bumungad sa amin ang nakangiting si Nanay Rosa. Agad akong nagmano.

Hijo, Sebastian. Andito ka pala, nasaan si Ann?” nakangiting tanong nito.

Tinawag ko naman si Ann na nagbabalik ng susi ng gate sa garahe nila.

Nagmano ito sa kanyang nanay saka pumasok sa loob ng bahay nila.

Halika sa loob Sebastian, kumain ka muna rito.” pang-aaya ni Nanay Rosa.

“Hindi na po Nay, u—” naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsasalita ni Ann.

“Kumain ka muna rito.” seryosong sabi ni Ann.

Hindi naman ako nakahindi at nangingiting pumasok na lang.

Dumiretso kami sa dining area at nagsimulang magdasal pagkatapos maghain ni Nanay Rosa.

Sandali lang ha, tatawagin ko si Cassandra.” pagtukoy nito sa nakatatandang kapatid ni Ann at umakyat sa ikalawang palapag nila.

Ilang minuto ang lumipas at bumaba silang dalawa ni Nanay.

Masamang tingin ang ipinupukol nito kay Ann at ngumingiti kapag nababaling ang tingin sa akin.

Kasalukuyan kaming kumakain nang “Akala ko ba break na kayo? Nag cb ganon?” sarkastikong tanong ni Cassandra, ate ni Ann.

“Hindi naman sa ganon, Ate Sandy.” mahinang sagot ni Ann.

Malandi kang talaga ano?” natatawang sabi ni Cassandra kaya sinaway sila ni Nanay Rosa.

“Nasa harap ka ng grasya at ganyan ang bibig mo Cassandra.” seryosong pagsaway nito na ikinatahimik ni Cassandra.

Hanggang sa natapos kaming kumain ng walang umiimik.

“Ako na po maghuhugas d’yan, Nay.” nakangiting sabi ko.

“Ay naku, hindi na. Hindi ka pa ba uuwi? Ipapahatid kita kay kuya Fritz mo.”

Pauwi na rin naman po.” nakangiting sagot ko.

“Sige, tatawagin ko lang si fri—”

“Ay nay hindi na po, paniguradong may ginagawa po si Kuya Fritz, kaya ko naman pong umuwi mag-isa.” natatawang sabi ko kaya natawa rin si Nanay Rosa.

“Oh sige hijo, masaya akong nagpunta ka ulit dito. Bumalik ka ha? Sigurado akong matutuwa lalo si Ann.”

“Opo, Nay.”

Murder, MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon