2

771 9 0
                                    

[YARA'S POINT OF VIEW]

* * *

Napaawang ang mga labi ko nang marinig ang husky na boses ng daddy niya. Napalunok muna ko ng sariling laway bago magsalita. "H-hi, tito..."

Napangiwi ang daddy ni Elvie at napalingon sa kanya. "Hindi mo naman sinabi na mahiyain pala yung kaibigan mo?"

"Ahh, daddy... baka na-speechless lang sa kagwapuhan mo si Yara," lumapit sa'kin si Elvie. Siniko niya muna ako bago bulungan. "Uy, Yara! Umayos ka naman sa harapan ni daddy."

Huminga ako ng malalim at pilit na nilabanan ang kaba ko. "Sorry..."

Napalingon ako sa daddy niya at nakita ko itong nakatitig pa rin sa'kin. "Yara?"

Unti-unti akong ngumiti sa daddy ni Elvie kahit pa kabadong-kabado ako ngayon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "I'm sorry, tito. N-namangha lang po ako sa bahay niyo. A-ang l-laki kasi..."

Napatango yung daddy niya sa sinabi ko. "Uhmm, well... maupo muna kayo," saad nito.

"Uhh," nahihiyang saad ko.

Tinaas ng daddy ni Elvie ang kanang kamay nito at tinuro yung isang sofa. Hindi ko naman napigilang mapatitig sa mahahaba niyang daliri.

"Sit in the couch, Yara," saad ng daddy niya.

"Maupo ka na, Yara. Bababa lang ako. Kukunin ko lang yung snacks natin," saad ni Elvie. "Entertain, Yara, daddy," dugtong pa niya sabay kindat sa daddy niya.

Mabilis na lumabas ng office ng daddy niya si Elvie. Balak ko pa sanang tumayo sa kinauupuan ko para sumunod kay Elvie pero agad na kong pinigilan ng daddy niya.

"Stay there, Yara," pigil nito.

Napaayos ako ng pagkakaupo ko habang hiyang-hiya sa harapan niya. Hindi ko alam kung anong mga sasabihin at gagawin ko dahil kinakabahan ako. Kapag sumusulyap ako sa kanya, nakikita kong pinagmamasdan niya ko.

"Are you ashame?" tanong nito sa'kin.

Sumulyap muna ako sa daddy ng kaibigan ko bago umiling. Mas lalong dumagdag ang kabang nararamdaman ko ngayon na sinasabayan pa ng husky voice niya.

Narinig kong tumawa ito. "Don't be ashame, Yara. I never me't someone in my whole life who's attractive than you," nagulat ako sa sinabi niya kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

"H-ha? A-ano po?"

Nakita kong ngumisi ito sa'kin. "I said, you're attractive and nice, Yara..."

"T-thank you po, tito..."

"Ohh, don't call me tito. My name is Lucas, so just call me Lucas."

"N-nakakahiya naman po kung tatawagin kita sa pangalan mo. P-parang wala akong galang nun," nauutal na saad ko.

Umiling ito. "No, no, no, it's fine. Wala namang masama kung tatawagin mo ko sa pangalan ko kapag tayo lang yung magkasama."

Hindi ko napigilang mapakapit ng mahigpit sa sofa na kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko, may kakaiba talaga sa kanya.

"Natigilan ka yata? I'm just kidding, Yara..."

Pilit ko siyang nginitian at pinakitang hindi ako kinakabahan. "Uhh, o-okey lang po, t-tito..."

Ngumisi ito at napailing. "Such a stùbborn," saad niya.

* * *

"Masarap ba yung pagkain, Yara?" nakangiting tanong sa'kin ni Elvie.

Tumango ako at nginitian ulit siya pabalik bago sumulyap sa daddy niyang nakatitig lang sa'kin. "Ahh, oo naman, masarap..."

"Yes! Akala ko talaga nag j-joke lang sa'kin si daddy, masarap pala talaga!" tuwang-tuwang saad ni Elvie.

Tanging pag-ngiti lang ang nagagawa ko ngayon dahil sa sobrang hiya sa daddy niya. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Hindi naman ako mahiyaing tao pero ewan ko ba, bigla akong nahiya sa daddy ng kaibigan ko.

Nakita kong binaba ng daddy ni Elvie ang kutsarang hawak nito at ngumiti sa'kin. "Paano kayo nagkakilala ni Elvie?" tanong niya.

"Uhh..."

"Daddy, naman! Nakwento ko na sayo yan," sabat ni Elvie.

Napakunot ng noo ang daddy ni Elvie. "Ohh, sorry, dear. I think I forgot it," natatawang saad nito. "By the way, your bestfriend is pretty and nice."

Tumango si Elvie. "You're right, daddy. Bukod sa maganda 'tong si Yara, napaka-bait rin niya!"

* * *

"Pa'no ba, Elvie? Mauna na ko," pagpapaalam ko sa kaibigan ko.

Tumango si Elvie. "Oo, sige sige. Salamat sa oras ahh," nakangiting saad niya.

"Syempre naman, basta sayo..."

Napalingon ako sa likuran ni Elvie nang makita ang daddy niya at napansin kong nakangisi ito sa'kin. "Hatid mo sa labas ng gate si Yara."

Tumango si Elvie sa utos ng daddy niya. "Yes, daddy," saad niya. "Tara na, Yara."

Nauna nang maglakad si Elvie papunta sa gate. Bago pa ko makalayo sa daddy niya, narinig ko itong nagsalita.

"Hope to see you again, Yara..." nakangising saad niya habang mariing nakakagat sa ibabang labi niya.

Ginagawa ba 'to ng daddy ni Elvie sa lahat?

My Bestfriend's Daddy (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon