16

443 5 0
                                    

[YARA'S POINT OF VIEW]

* * *

“Yara,” sabay kaming napalingon ni Elvie sa likuran namin nang marinig ang boses ni Thomas.

Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit na naman?”

Kumagat sa ibabang labi niya si Thomas. Nakita ko ang paglabas ng ngisi sa mga labi niya kaya mas lalo akong napakunot ng noo.

“Hmm...”

“'Di ba boyfriend ka na ni Yara?” nagulat kami nang biglang sumabat sa tabi ko si Elvie.

Nakita kong napakunot ng noo niya si Thomas at halatang naguguluhan dahil sa sinabi ni Elvie.

Agad kong siniko si Elvie at binigyan ng seryosong tingin. “Elvie naman.”

“What did you say?” tanong ni Thomas.

Lumingon si Elvie kay Thomas at malapad itong nginitian. “Yara and you are in a relationship, right?”

Nakita kong mas lalong naguluhan si Thomas sa mga pinagsasabi ni Elvie. Hindi alam ni Thomas kung anong magiging reaksiyon at sasabihin niya.

“Uhmm... huh?” lumingon sa'kin si Thomas. “What?”

Sabay kaming napalingon kay Elvie nang bigla itong tumawa. Pinaghahampas pa niya yung balikat ko na parang kinikilig.

“Mag-on na pala kayo hindi niyo man lang sinasabi sa'kin,” natatawang saad ni Elvie.

“Sinong nagsabi sayo niyan?” pag-uusisa pa ni Thomas.

“Sino pa ba? Edi si Yara!” natatawa pa rin niyang sagot. “Kayo ha! Balak niyo pang i-secret sa'kin 'tong relationship niyo!”

Napalingon ulit sa'kin si Thomas kaya napalingon rin ako sa kanya. Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksiyon pero nakita kong lumabas ang ngisi sa mga labi niya.

Umupo sa harapan namin si Thomas at nakipagtitigan sa'kin. “Well, we're in a relationship... now.”

Mas lalo akong pinaghahampas ni Elvie sa balikat ko dahil sa sobrang kilig niya sa nakikita niya ngayon.

“Ayieee! Si Yara, may boyfriend na!”

Habang kilig na kilig si Elvie sa tabi ko at malapad ang ngisi sa'kin ni Thomas, nananatili lang blangko at seryoso ang mukha ko.

“Why you didn't tell me that we're on?” nakangising tanong ni Thomas.

Hindi ako sumagot sa tanong niya at inirapan lang siya. Mabilis na kong nag-iwas ng tingin sa kanya at ibinaling yung atensyon ko sa ibang tao.

“Akala ko ba ayaw mong magpaligaw sa'kin? Bakit ngayon sinasabi mo nang may tayo?” tanong pa ni Thomas.

“Yun nga rin yung sinasabi ko kay Yara. Nagpapakipot pa siya pero sasagutin ka rin pala!” sabat ni Elvie.

“Kung hindi lang naman dahil sayo, hindi ko papatusin yan,” bulong ko pa.

Kasi daddy mo yung gusto at mahal ko, hindi siya...

Siniko ako ni Elvie at nilapit yung mukha niya sa'kin. “Anong sabi mo?”

Nakipagtitigan ako sa kanya bago itaas yung kanang kamay ko at mahina siyang hampasin sa noo niya.

“Aww! Masakit yun, Yara!” daing niya.

“Ang sabi ko tumigil ka na!” seryosong saad ko.

“Hey, Elvie!”

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan namin ang mga kaklase namin. Malalapad ang ngiti nila sa'min kaya hindi ko naiwasang magtaka.

My Bestfriend's Daddy (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon