[YARA'S POINT OF VIEW]
* * *
“Kaya mo ba diyan, Yara? Baka kailangan mo ng tulong,” tanong ni Lucas.
Umiling ako at pilit na nginitian siya. Hindi na ko nagsalita at pinagpatuloy na yung ginagawa ko.
Abala ako sa paggawa ng cake―isang simpleng cake―para sa kapatid ko. Birthday niya kasi ngayon at napag-usapan naming maghanda kami kahit simple lang. Ako ang nakatoka para sa paggawa ng cake habang nasa kusina naman sila Mama at Lucas na abala sa pagluluto ng mga handa.
Kasalukuyan ko nang pinapahiran ng icing yung cake at nilalagyan ng design. Kahit napaka-simple lang nung cake, kailangan ko pa ring gandahan para sa kapatid ko.
“Ahh―” napatigil ako sa paglalagay ng icing nang muling sumagi sa isipan ko yung tungkol kila Mama at Lucas. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak dahil sa naaalala ko.
Agad kong binitawan ang plastic ng icing at pinunasan ang mga luhang nagbabagsakan sa magkabilang pisngi ko. Napahawak pa ko sa magkabilang gilid ng ulo lo habang umiiling. Hindi na ko nakapag-focus sa ginagawa ko dahil sa sumagi sa isipan ko.
Napakagat ako ng mariin sa mga labi ko at agad na pinunasan ang mga luha ko. Kinuha ko ulit yung plastic ng icing at pinagpatuloy yung ginagawa ko. “HAAAA! Yara! Yara! Yara! Wag kang umiyak! Wag kang umiyak! Birthday ng kapatid mo ngayon! Kumalma ka lang!” pagpapakalma ko sa sarili ko.
Kahit panay sa pagtulo yung mga luha ko, pinagpatuloy ko pa rin yung ginagawa ko. Pilit kong tinapos yung cake na ginagawa ko para sa kapatid ko kahit pa nasasaktan ako.
* * *
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you! Happy birthday, Lheanne!” sabay-sabay na kanta at bati namin kay Lheanne.
Mariin munang pumikit ang kapatid ko na parang humihiling bago hipan ang kandila sa cake. Sabay-sabay kaming nagpalakpakang tatlo nila Mama at Lucas habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ng kapatid ko.
“Anong hiniling mo?” nakangiti kong tanong sa kanya.
Napalingon sa'kin si Lheanne at mas lalo akong nginitian. “Ate, hiniling ko po na sana magkaroon na ko ng papa!”
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. Nakaramdam agad ako ng kirot at sakit sa puso ko matapos niyang sabihin yun.
“May gift si Mama sayo. Pero, wag kang mag e-expect ha? Yan lang ang nakayanan ko,” nakangiting ani Mama bago ilabas yung regalo niya sa kapatid ko.
Nakita ko ang pagkagulat ni Lheanne sa regalong binigay ni Mama. Isa yung kwintas―yung kwintas na matagal nang gustong ipabili ng kapatid ko. Agad niyang niyakap ang regalo at syempre pati si Mama. “Thank you, Mama!”
“May regalo rin ang Kuya Lucas mo sayo,” napalingon ako kay Lucas nang may ilabas siyang isang regalo. “Gift ko para sayo.”
Agad na kinuha ni Lheanne ang regalong binigay ni Lucas. “Wow! Matagal ko na rin pong gustong bilhin 'to! Thank you po, Kuya Lucas!” matapos magsalita ng kapatid ko, napayakap siya kay Lucas.
Napayakap rin sa kanya si Lucas nang may ngiti sa mga labi. “You're welcome, Lheanne...”
Napakunot-noo ako nang biglang lumingon sa'kin sila Mama at Lucas. Nagtaka pa ko kung ano yung gusto nilang sabihin pero sinenyasan ako ni Lucas kaya naintindihan ko rin.
“Ahh... may gift rin si Ate sayo,” dahan-dahan kong nilabas sa bulsa ng damit ko yung maliit na regalo. Iniabot ko yun sa kapatid ko nang may ngiti sa mga labi. “Sorry kung yan lang yung gift ni Ate sayo. Yan lang rin kasi yung nakayanan ko.”
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Daddy (PART 1)
RomanceWARNING ⚠︎ ✞︎ ✞︎ ✞︎ My bestfriend's daddy is so hot! I guess, age doesn't matter right?