[YARA'S POINT OF VIEW]
* * *
Maghapon na nagkakasiyahan sila Elvie at yung mga nakilala niya habang kami nila Lucas, Thomas, yung boyfriend niya at ako ay mga tahimik lang sa isang tabi. Hinahayaan na naming maging masaya si Elvie dahil araw naman niya na 'to.
Lahat kami ay sinundan ng tingin si Elvie habang papalapit sa pwesto namin. Napakunot pa ko ng noo ko nang bigla niya kong hawakan sa kanang kamay ko at akmang hihilahin patayo.
“Bakit, Elvie?” tanong ko.
Tumango si Elvie habang malapad ang ngiti. “Hindi ka ba makiki-jamming sa'min? Ikaw lang yung mag-isang babae diyan, oh!”
Umiling ako at nginitian siya. Inalis ko yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Magsaya ka na dun! Wag ka nang mag-alala sa'kin.”
Nakita ko sa mukha ni Elvie na parang nag-aalala siya. Hinawakan niya yung kaliwang braso ko habang nakakunot ang noo. “Ayos lang ba talaga sayo na nandiyan ka? Baka nabo-bored ka na.”
Umiling ulit ako. “Hindi naman ako nabo-bored rito. Nandito naman yung daddy mo―” saglit akong napatigil sa pagsasalita ko. Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko nang ma-realize na may nasabi akong kung ano. “Sila Thomas at yung boyfriend mo, nandito naman sila.”
Napatango si Elvie. “Ganun ba?” tanong niya. “Sige, Yara, babalik na ko sa kanila. Basta kapag nabo-bored ka na rito, lapitan mo lang kami.”
Tumango ako at nginitian siya. Mahigpit ko siyang niyakap at magaang hinalikan sa ulo niya. “Sige na, Elvie, balik ka na dun. Happy birthday!”
Mabilis na tumakbo si Elvie pabalik sa kung nasaan sila ng mga kasama niya kaya naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. Una akong napalingon kay Lucas na nakita kong nakangiti sa'kin, sunod kay Thomas na nakangiti rin sa'kin at pang-huli sa boyfriend ni Elvie na nasa ibang direksyon yung paningin.
Napailing na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanila. Kinuha ko yung sunblock na nakalagay sa isang tabi at naglagay ng kakaunti sa kamay ko. Nagsimula akong mag-apply ng sunblock sa magkabilang hita at braso ko. Saglit pa kong napatigil sa paglalagay ng sunblock nang sumagi sa isipan ko kung paano ko malalagyan yung likod ko.
“Do you need some help?” mabilis akong napalingon sa tabi ko nang marinig ang boses ni Lucas.
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya at nanatili lang na nakatitig sa mga mata niya. Pakiramdam ko, nanigas na ko sa kinauupuan ko dahil sa kanya.
Nabigla ako nang kunin niya yung sunblock sa kamay ko at maglagay sa kamay niya. Mabilis siyang nagpunta sa likuran ko. Naramdaman kong hinawi niya yung buhok ko at nilagay sa balikat ko. Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko nang maramdaman ang paghaplos niya sa likod ko.
“Hmm...”
Humahaplos ang dalawa niyang kamay mula sa itaas ng likod ko pababa sa bewang ko. Paulit-ulit niyang ginagawa yun at minsan ay nagtatagal pa sa bewang ko ang mga kamay niya.
“It feels good?” tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango. “Oo.”
Nagpatuloy sa paglalagay ng sunblock sa'kin si Lucas. Dinamay na rin niya pati ang magkabilang braso ko kahit nalagyan ko na yun. Alam kong nakikita nila Thomas at nung boyfriend ni Elvie ang ginagawa ni Lucas, pero sana hindi nila yun bigyan ng meaning.
Nagulat ako nang biglang halikan ni Lucas ang kanang kamay ko. Bigla akong kinabahan dahil sa ginawa niya dahil alam kong nakikita kami nung dalawa.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Daddy (PART 1)
RomanceWARNING ⚠︎ ✞︎ ✞︎ ✞︎ My bestfriend's daddy is so hot! I guess, age doesn't matter right?