19

412 5 0
                                    

[YARA'S POINT OF VIEW]

* * *

“Ako na diyan sa dala mo, Yara,” mabilis na kinuha ni Thomas ang bag na bitbit ko at isinukbit sa balikat niya.

Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Nasa entrance kami ng school kaya nakita kong nagtinginan sa'min yung mga kapwa namin estudyante.

Hindi na ko umimik pa at nauna nang maglakad ke'sa sa kanya. Hindi ko rin napigilang mapairap sa kawalan dahil sa sobrang inis sa kanya.

“Kamusta ka kagabi? Kamusta yung tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos? Hindi ka kasi nag-reply sa message ko sayo,” sunod-sunod na tanong ni Thomas habang sinasabayan akong maglakad.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin bago irapan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko para lang hindi na niya ko kausapin ng kausapin.

“Anong problema mo, Yara? Galit ka ba sa'kin?” tanong pa ulit ni Thomas.

Hindi ko na siya pinansin at mabilis nang umupo sa upuan ko pagkapasok namin ng classroom. Nakita kong pinaalis niya muna sa inuupuan niya yung kaklase namin bago tumabi sa'kin.

“Yara,” panay sa pagkalabit sa'kin si Thomas habang alalang-alala sa kinikilos ko ngayon at inaasal sa kanya.

Hinawak-hawakan niya rin ako sa kamay ko pero mabilis ko na yung iniiwas sa kanya. Naging panay pa siya sa paghaplos sa buhok ko habang patuloy na tinatawag ang atensyon ko.

“Yara, pansinin mo na yang si Thomas! Hindi naman palakibo yan dati pero tingnan mo ngayon, nangungulit na sayo,” pangangatsaw ng isa naming kaklase.

“Nagpapakipot pa si Yara, oh! Papansinin rin naman niya yang si nerdie,” natatawa namang gatong ng isa.

“Pansinin mo na, Yara!” gatong rin ng isa pa.

Hinawakan ulit ni Thomas ang kamay ko habang patuloy na nagpapapansin sa'kin. “Yara...”

Huminga muna ako ng malalim bago siya lingunin at seryosong tingnan. “Pumunta ka na sa upuan mo.”

“May problema ba?” tanong niya.

Umiling ako at inirapan siya. “Wala.”

“Hindi ako naniniwalang wala, Yara. Sabihin mo sa'kin kung anong problema mo. Boyfriend mo ko, sabihin mo sa'kin, Yara,” pangungulit pa niya.

“Wala nga! Bakit ba ang kulit-kulit mo, ha? Wala pa tayong isang buwan pero kung maka-trato ka sa'kin 'kala mo mag-iisang taon na tayo,” seryosong saad ko.

“Bakit? Yun ba yung problema mo?” tanong niya.

“Oo! Itigil mo nga 'tong ginagawa mo kasi hindi ako natutuwa, okey? Kaya kung ayaw mong tumaas yung boses ko rito, umupo ka na sa upuan mo.”

Nakita kong lumungkot ang mukha ni Thomas dahil sa sinabi ko pero tingin ko deserve naman niyang malaman yun dahil hindi ko naman talaga siya mahal.

Nakita kong sumulyap pa sa'kin si Thomas at pilit na ngumiti sa'kin. Inirapan ko lang ulit siya at binaling na ang mga mata ko sa iba naming mga kaklase.

* * *

“Yara, ano pala yung narinig ko sa mga kaklase natin?” pag-uusisa ni Elvie.

Nangunot ako ng noo sa kanya. “Na? Anong narinig mo?”

Kumagat muna sa kinakain niyang turon si Elvie bago sumagot. “Sabi ng isa sa classmates natin sinungitan mo raw si Thomas.”

Mabilis akong napangiwi at napapikit ng mga mata ko. “Oh? Ano namang me'ron?”

My Bestfriend's Daddy (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon