27

211 5 0
                                    

[YARA'S POINT OF VIEW]

* * *

“Elvie...”

Balak ko na sanang pumasok sa loob ng sasakyan at umupo sa passenger seat pero mabilis akong binangga sa balikat ni Elvie at pinagtulakan palabas. Hinila niya si Synthia at yung boyfriend niya papasok sa loob at agad na sinara ang pinto ng sasakyan.

Napalingon ako sa harapan ko nang makitang bitbit ni Thomas ang mga gamit niya. Nagtaka pa ko dahil hindi siya pumasok sa loob ng sasakyan.

“T-Thomas, hindi k-ka ba sasabay sa'min?” nauutal at nahihiyang tanong ko sa kanya.

Umiling siya at bahagya akong nginiwian. “Tsk! Ano pa bang silbi ng pagsabay ko sa inyo?” tiningnan niya ko mula ulo hanggang sa paa ko. “Ito ang huling beses na makikita kita. Nagkamali ako ng babaeng minahal. Mabuti pa nga na hangga't maaga pa, nalaman ko na yung totoo.”

“T-Thomas... s-sorry...”

Napailing pa ulit siya sa'kin bago maglakad palayo sa'min. Balak ko pa sana siyang sundan pero mabilis na nahawakan ni Lucas ang kaliwang kamay ko. Agad akong napaharap sa kanya at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

“L-Lucas... si Thomas...”

Umiling siya at pilit na ngumiti sa'kin. “Hayaan na natin si Thomas, Yara. Tara na sa loob.”

Inalalayan ako ni Lucas na makapasok sa loob ng sasakyan at pinaupo niya ko sa driver's seat kung saan katabi niya. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan, namayani kaagad ang katahimikan sa'ming lima. Walang nagbalak na magsalita at kumibo.

Nagsimula nang paandarin ni Lucas ang sinasakyan namin nang walang nagkikibuan sa'min. Habang nasa biyahe kami, hindi ko sila magawang lingunin sa likuran ko dahil sa sobrang hiya. Nakikita ko sa rear-view mirror ang seryoso at naiiritang mukha ni Elvie. Nang magtama pa ang paningin naming dalawa sa salamin, nakita kong inirapan niya ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Hindi ko napigilang mapayuko dahil sa nangyari. Hiyang-hiya ako sa kahihiyan na ginawa namin at hiyang-hiya ako sa kaibigan ko.

Napalingon ako kay Lucas nang mahigpit niyang hawakan yung kaliwang kamay ko at pisil-pisilin. Napalingon rin sa'kin si Lucas at tinanguan ako. “It's okay, Yara,” mahinang bulong niya.

Tinanguan ko rin siya at pilit na nginitian. “Hay... okey lang...”

* * *

“Come on, Alfred! Bilisan mo!” medyo naiiritang utos ni Elvie sa boyfriend niya nang makababa sila ng sasakyan.

Agad namang sumunod sa kanya yung boyfriend niya habang bitbit nito yung mga gamit nilang dalawa. Sunod na bumaba ng sasakyan si Synthia na bitbit naman yung mga gamit niya.

Napalingon ako sa passenger seat at nakita ko yung cellphone ni Elvie na naiwan niya. Agad ko yung kinuha at akmang lalabas ng sasakyan pero natanawan kong si Elvie na papalapit.

Agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at napakunot pa siya ng noo nang makitang hawak ko yung cellphone niya. “Elvie...”

Mabilis niyang kinuha sa kamay ko yung cellphone niya at pabagsak na sinara ang pinto ng kotse. Hindi ko napigilang panginigan ng buo kong katawan dahil sa ginawa niya. Nakita ni Lucas yung ginawa ng anak niya at napailing na lang siya.

Walang gana akong bumaba ng sasakyan na siya namang sinundan ni Lucas. Inalalayan niya pa kong maglakad kahit kaya ko pa naman.

Mahigpit na hinawakan ni Lucas ang mga kamay ko habang naglalakad kami. “Are you okey, Yara?” nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako at pilit na nginitian siya. “Ewan ko, Lucas. Hindi ko alam kung okey pa ako o ano. Pakiramdam ko hindi na tayo mapapatawad ni Elvie sa ginawa natin sa kanya. Matindi yung galit niya sa'ting dalawa,” huminga ako ng malalim at humawak sa tiyan ko. “Nagawa nga niyang sabihin na hindi niya matatanggap yung magiging kapatid niya. Ang sakit lang isipin...”

Napabugtong-hininga si Lucas dahil sa sinabi ko. Naramdaman kong hinaplos niya yung balikat ko. “Lalambot rin si Elvie, believe me. Napatawad niya nga ko sa nagawa ko sa kanila ng mommy niya,” yumuko siya. “Sorry, Yara... narinig mo kay Elvie yung naging past ko noon. Yeah, aminado naman akong naging cheater ako noon, hindi na ko magmamalinis pa. I cheat to Elvie's mom and guess what, I regret it... I really really really regret it.”

Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. “Yan ba yung dahilan kaya hindi niyo masabi-sabi sa'kin kung anong nangyari sa mommy ni Elvie?” tanong ko.

Hindi agad nakasagot sa tanong ko si Lucas. Hinila niya ko papunta sa isang tabi at naupo kaming dalawa sa bench na walang umuukupa.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. “Elvie's mom... nagpakamatay siya. Nagpakamatay siya nung hindi na niya kinaya yung ginawa ko sa kanya. She unalive herself infront of me... and infront of Elvie. Elvie was traumatized after that incident na dumating sa puntong she needs to take theraphies and sessions just to make sure she feels better soon. She undergo for some theraphies and sessions for about ten-years. After ten-years, she recovered. Ganun kahaba yung panahon bago siya naka-recover sa nangyari sa mommy niya,” pilit siyang ngumiti sa'kin. “I thought Elvie was in better peace now, pero hindi pa rin pala. Dahil sa nangyari sa'tin, I think her trauma's back. Naalala niya ulit yung nangyari sa'min ng mommy niya and... and natatakot akong baka bumalik sa alaala niya yung nangyari sa mommy niya. After all, this was all my fault...”

Bigla akong nanlambot sa kinauupuan ko nang makita ang pagbagsak ng mga luha pababa sa magkabilang pisngi ni Lucas. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak at nasasaktan ako.

Kinuha ko yung kamay ni Lucas at mahigpit na hinawakan. Tinaas ko yung isa ko pang kamay at pinahid ang mga luha sa pisngi niya. “It's okey, Lucas. Alam kong napatawad ka na ni Keanna, ng mommy ni Elvie. Hindi mawawala sa alaala ni Elvie yung nangyari pero napatawad ka na niya 'di ba? Na-trigger lang siguro siya dahil sa nangyari sa'tin at sorry dahil dun. It's not your fault, Lucas. Biktima ka lang rin ng pagkakataon.”

Patuloy na bumabagsak ang mga luha niya pababa sa magkabilang pisngi niya kaya patuloy ko lang rin na pinapahid yun. Hindi na ko magtataka sa kung anong nangyari sa mommy ni Elvie dahil ngayon alam ko na.

“I will never do that again. I will never cheat to someone again. Hindi ko gagawin sayo ang ginawa ko noon sa mommy ni Elvie,” hinawakan niya yung dalawang kamay ko. “Please, don't leave me, Yara. I need you...”

“Hindi naman kita iiwan, Lucas. I promise to you, I will never leave you,” saad ko.

Mahigpit na yumakap sa'kin si Lucas at isiniksik yung sarili niya sa mga bisig ko. Napahawak ako sa ulo niya at niyakap rin siya pabalik.

“I love you, Yara...”

“I love you too, Lucas... after all, hindi mo kasalanan ang lahat...”

My Bestfriend's Daddy (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon