PROLOGUE

8 2 0
                                    

“Naririnig n’yo ba ‘yon?”

“Alin Avi?”

“Hindi n’yo ba iyon naririnig, Louissa?”

“Bukod sa kasiyahan sa aquiantance party na ito, wala na akong naririnig, binging bingi na nga”

“Bukod sa sigawan at tawanan, hindi n’yo ba yon naririnig?”

Nangunot ang noo ni Louissa at tumingin kay Kenshina

“Napapraning ka na ata Avi, ano ba yang sinasabi mo?”

“Kensh, hindi n’yo ba talaga naririnig?”

“Alin nga be?”

“Hindi n’yo ba naririnig yung babae?”

Nangunot ang noo nila

“Babae?”

“ Oo, yung babae”

“Ano namang meron sa babae, Avi?”

“Yung babaeng umiiyak.”

Nagkatinginan ulit silang dalawa

“Avi, wala naman babaeng umiiyak, nananakot ka lang e”

“Louissa, hindi ko kayo tinatakot---- ayun , tingnan n’yo yung babae na nakaupo sa bandang likuran n’yo”

“Ha?”

“Tara kensh at louissa, kausapin natin sya, lumalakas na kasi ang paghagulhol nya”

Nagkatinginan muna ang dalawa bago nagtatakang sumunod sa akin.

Paglapit namin sa babaeng nakayuko ay tila mas lumalakas pa ang iyak n’ya.


Kukulbitin ko na sana ‘yong babae ng bigla rin akong kulbitin ni Louissa na ngayon ay balisa na.


“Bakit Louissa?” mahinang tanong ko.


“Avi, b-bakit ba nandito tayo?” Pumiyok ito “ E w-wala naman ditong katao-tao e , I’m scared”

Anong wala e sino ‘to-----

Bigla na lang nanlamig ang mga kamay ko ng pagtingin ko sa harapan ko ay wala na ang babaeng umiiyak, wala na ito dahil…. dahil nasa tabi ko na ito na ngayon ay malawak ang ngiti sa akin.


“I’m doomed.”

_KIZEE_

DON'T RUN : Senior High Series #1 Where stories live. Discover now