At masaya rin kayong nagtatawanan kahit alas dose na ng gabi.
Iniwan ako dito ni Jayron ng nakatulala.
Paulit ulit kong naririnig ang huli nyang sinabi sa akin. Ibig bang sabihin non ay naririnig nya rin yung mga tumatawa kagabi?
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at pilit na kinakalimutan ang sinabi nya.
Nang makarating na ako sa classroom namin ay masaya akong sinalubong ni Louissa at Kensh.
Hinagilap din ng mata ko si Jayron na ngayon ay nasa kanya ng upuan at nagbabasa na naman.
"Avi, bakit pawisan ka?" nagtatakang tanong ni Kensh habang hawak ang basa Kong buhok.
Nabasa pala ni Jayron ang buhok ko nung pinapainom nya ako ng tubig. Tsk.
Pero hindi ko iyon pwedeng sabihin kina Kensh dahil baka magtaka sila kung bakit magkasama kami ni Jayron.
"Ah eto ba...hindi yan pawis. May masamang nilalang lang na nakabasa ng tubig sakin kaya pati buhok ko nabasa!"
Nilaksan ko talaga para marinig nung isa dyan
Tiningnan ko sya pero parang wala lang naman sa kanya dahil patuloy pa rin s'ya sa pagbabasa ng libro.
"Bakit ka ba nasigaw Avi? Sakit sa tenga" reklamo ni Louissa habang nakahawak sa tenga nya.
Napalakas ba ang sigaw ko? Haha siguro nga
"Girl may chika ako sayo, nasabi ko na rin ito kay Kensh hihi..."
Hinila ako ni Louissa at kasunod ko naman si Kensh para pumunta sa tabihan ng room sa may bakanteng upuan.
"Ano ba yon Louissa?"
Kinikilig si Louissa na ewan bago nagsalita.
"Kasi kanina, yung crush ko sa kabilang strand, yung HUMSS 102 ... Yung famous don si Marky Lopez... ano nakabangga ko kanina tapos nagsorry sya hihi"
"Girl, yun lang pala kilig na kilig ka naman... E pang ilan mo na bang crush si Marky? Nilahat mo na ata yung pogi dito e. Lahat na lang crush mo" napapailing na wika ni Kensh.
Natawa na lang ako.
Si Louissa kasi yung tipo na kapag may nakitang pogi ay crush nya na agad pero kapag alam nyang may ibang nilalandi or gusto yung crush nya, nagseset na sya ng boundaries. Tapos hahanap na lang ulit sya ng bago nyang magugustuhan.
"Pero balita ko..." lumungkot ang tono nya " Balita ko may pinopormahan na yon or I think popormahan pa lang, di ko nga lang kilala pero ang sabi sabi ay nasa section daw natin yung babae.. haystt mabobroken na naman ata ako" nakatungo sya habang sinasabi ito
Tinapik ko ang likuran nya. "Okay lang yan..." wika ko.
Ngumisi sya sa amin bago nagsalita ulit. "Pero okay lang, madami pa naman akong crush may 99+ pa" sabay tawa nya.
Matindi.
"Pero ang pogi nga ni Marky Lopez tapos mahilig sa sport... hindi ko nga lang alam kung matalino" sabi ni Kensh.
Dalawang section ang HUMSS, may HUMSS 101 at HUMSS 102... ang nasa 101 ang mahuhusay or sabihin na nating hindi babagsakin ang grade. Samantalang sa 102 naman ay sapat lang or minsan ay tinatawag na section B at kami naman ay section A.
HUMSS 101 kami samantalang yung si Marky Lopez ay HUMSS 102.
Kilala na sya sa school namin simula grade 7 hanggang ngayong senior high na kami.
Si Marky din ang panlaban sa basketball ng school namin na dating kalaban ng school nina Jayron. Pero ngayon baka maging magkakampi na sila pero kapag nagka intrams, siguro magkakalaban pa sila HUMSS laban sa HUMSS. Hanggang sa may makuhang ipanlaban sa ibang school.
"Pero Avi, mas malakas pa rin ang appeal ni Jayron..." wika ni Louissa na parang tinutukso ako.
"Bagay kayo" nakangiting wika ni Kensh bago nya tiningnan si Louissa
Tumatawa ang dalawa bago bumalik sa kanilang upuan. Tumayo na rin ako bago pumunta sa aking upuan.
Pagkaupo ko ay nagbabasa pa rin si Jayron.
"Psst.. anong binabasa mo?" hindi ko na napigilang magtanong dahil parang lagi nya iyong binabasa.
Tumingin lang sya sa akin at pinakita ang nakasulat sa unahan ng libro.
'PARANORMAL BOOK' mahinang basa ko sa isip ko.
Nagbabasa pala s'ya ng ganon. Akala ko naman libro katulad ng story sa wattpad.
Nang dumating na ang una naming teacher ay agad na kaming tumahik.
Lumipas ang maghapon na puro discussion lang naman ang ginagawa.
Nang mag-uwian na ay mag-isa na naman ako. Si Louissa ay kasabay si Kensh. Magkaiba naman kami ng direksyon kaya talagang hanggang gate ko lang sila nakakasabay. Tsaka malapit lang din ang bahay namin sa school.
Nang naglalakad na ako ay napansin kong nakasunod sa akin si Jayron.
Tiningnan ko sya at agad nya naman kinuha ang cellphone nya.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay nakita ko pang nakasunod pa rin s'ya sa akin kaya naman hindi ko na mapigilang Hindi magtanong.
"Oy Jayron... bakit moko sinusundan?"
Tinaasan nya lang ako ng kilay
"Huwag mong sabihing stalker kita?" tanong ko ulit
Sa pagkakataong ito, inirapan nya na ako
Lumapit ako sa kanya para makipagtitigan. Sinamaan ko rin sya ng tingin. Bakit ba nya ako sinusundan.
"Anong kailangan mo?"
Hindi s'ya sumagot
"Ang alam ko hindi naman ito ang direksyon papunta sa inyo ah"
Nalaman ko yon dahil nasabi ni tita Jayjay na medyo malayo ang bahay nila at salungat sa daan patungo sa bahay namin.
Hindi naman sya nagtanong kung papaano ko nalaman ang direksyon papunta sa kanila.
"So bakit nga?"
Naiinis na ako dahil tinaasan nya na naman ako ng isang kilay.
Ayaw mo magsalita ha, wala na talaga akong maisip kaya susundin ko yung sinasabi ng utak ko.
Tiningnan ko muna sya sa mata bago bitawan ang salita na nais sabihin ng utak ko.
"Do you like me?" matapang kong tanong sa kanya
Pero isang nakakabinging tibok ng nasa bandang dibdib ko ang naramdaman ko. Nang bigla na lang niya nilapit ang mukha nya sa akin. Napakalapit na talaga.
"A-Anong gagawin m-mo?" nauutal kong tanong.
Ngumiti sya bago nagsalita.
"Mom's still there..." turo nya sa kotse na nasa tapat ng bahay namin na ngayon ko lang napansin. "....Sasabay ako sa kanya." pagpapatuloy nito.
Pagkasabi n'ya non ay iniwan nya na naman akong nakatulala at hiyang hiya.
Pahamak talaga ang baliw kong utak.
Nang makaalis na sina tita Jayjay sa amin ay agad akong tumakbo sa kwarto ko at humiga sa kama.
Sa lahat ng kahihiyan, bakit ako lagi ang natatamaan.
_KIZEE_
YOU ARE READING
DON'T RUN : Senior High Series #1
Horror'Wag kang tatakbo, dahil kapag tumakbo ka... talo ka.