Balisa akong bumangon sa aking kama ng bigla na naman akong nanaginip...o sabihin na nating bangungot.
Akala ko nahuhulog ako, walang tumutulong sa akin ng bigla na lang akong magising.
Madalas ko itong nararanasanan, simula ng pagtungtong ko sa eskwelahang hindi ko na papangalanan.
Ako si Avigale Yves Buenaforte, labing anim na taong gulang, grade 11 student.
"Avi, apo halika na sa baba at kumain ka na, baka malate ka pa sa school mo"
"Sige po Lola, bababa na po"
Tiniklop ko muna ang aking kumot bago ako nagtungo sa kusina.
Nakita ko si lola na kumakain ng sinangag at tocino.
"Lola, gusto n'yo po ng kape?" alok ko sa kanya
"Hindi na apo, baka mag-alburuto pa ang aking t'yan"
Napatawa na lang ako sa sinabi n'ya , lagi kasi syang ganan. Kapag umiinom s'ya ng kape ay bigla na lang syang nakakaramdam ng tawag ng kalikasan.
"Apo, mauuna na ako sayo ha, andami ko pang kailangang tapusin sa eskwelahan"
"Sige po, La... ingat po kayo"
S'ya si Lola Ursula, isa s'yang guro sa pampublikong paaralan. Sa ibang school siya nagtuturo at hindi sa may eskwelahan namin.
Si Lola na lang ang natitira kong kamag-anak, sabi niya ay maaga raw akong naulila, kapag tinatanong ko ang dahilan kung anong kinamatay nila ay di naman s'ya sumasagot bagkus iniiba niya ang usapan. Naiintindihan ko naman s'ya , siguro masakit ang pagkawala ng magulang ko kaya hindi niya masabi ang mga nangyari sa kanila.
Habang naglalakad ako patungo sa room namin ay biglang may dalawang magagandang nilalang ang umakbay sa akin.
Sila sina Louissa Maraiah Galvez at si Kenshina Suarez (Kensh). Sila ang mga kaibigan kong tinuturing ko ng kapatid.
"Avi, goodmorning."
"Goodmorning Louissa"
"Good ba talaga ang morning mo Avi?"
"Oo naman Kensh"
"May sagot ka na ba sa math?"
Nangunot ang noo ko kay Kensh, biglang iba ng usapan ah
"Meron na, bakit gagaya ka?"
Ngumiti ito sa akin. "Hindi, pero pwede patingin? Promise titingnan ko lang"
Tumawa ako sa kanya, sino bang niloloko ng isang 'to
"Mamaya sa classroom, doon mo na kopyahin"
"Yown, thanks Avi"
Pagkadating namin sa classroom ay tila sobra naman nilang tahimik.
Nagkatinginan kaming tatlo, dahil nakita naming nakatayo don si maam Zabel.
Kinabahan kami dahil akala namin late na kami pero tiningnan ko ang relo ko, 6:30 palang naman , 7 am pa ang klase.
Dahan dahan kaming pumunta sa aming upuan, wala nga lang akong katabi dahil yung katabi ko ay may sakit pa din kaya di pa napasok.
Napatingin kaming lahat ng bigla na lang pumasok ang isang lalaki, lalaking kilala ng lahat.
Anong ginagawa n'ya dito?
"Good day class!" bati sa amin ni maam Zabel.
"Nais ko lang ipakilala sa inyo ang bagong transferee na magiging kaklase n'yo simula sa araw na ito."
Transferee?
"Marahil kilala na ng iba sa inyo ang gwapong lalaki na katabi ko" kinikilig na sabi ni maam "Pero nais ko pa rin na bigyang pagkatataon si iho na ipakilala niya ang sarili nya sa inyo"
"Iho maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili" wika ulit ni Maam
Ramdam ko ang mga tilian ng mga babae dito sa classroom. Lahat ata sila ay kinikilig, except sa akin.
"Hi, I'm Jayron Ace Sandoval, 17 years old. Nice meeting you all."
Pagkasabi n'ya non ay bigla na lang nagsigawan ang mga kaklase ko. Ang mga lalaki naman ay napapalakpak na lang.
"Mr. Sandoval, pwede ka ng maupo sa vacant seat"
Tumingin sa akin si Maam Zabel, at parang alam ko na ang kasunod nito.
"You can sit beside Ms. Buenaforte."
Tumango lang si Jayron.
Pagkapunta nya sa tabi ng upuan ko ay agad naman s'yang umupo.Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakasunod ang tingin sa lalaking katabi ko.
Sino ba naman ang hindi ay katabi ko ang pinakafamous na student sa lahat.
S'ya si Jayron Ace Sandoval, galing sa isa sa pinakatanyag na school dito sa Pilipinas na kasing tanyag rin ng school namin. Lagi s'yang nangunguna sa klase, a smart student indeed. He's also a captain of basketball sa dati n'yang school lagi silang panalo kapag school na namin ang nakakalaban. Kaya kahit ang mga kaklase kong lalaki ay masaya na naging kaklase namin s'ya, dahil may pambato na kami sa basketball. Mayaman din sila at ang malala dito ay... He's one of my childhood friend.
Sa lahat ng makakatabi, bakit s'ya pa. E hindi na nga ako nito pinapansin.
_KIZEE_
YOU ARE READING
DON'T RUN : Senior High Series #1
Horror'Wag kang tatakbo, dahil kapag tumakbo ka... talo ka.