May babae.....
Mahaba ang buhok....
Ngunit walang mukha....
Ngunit may bunganga.....
Malaki ang bibig at may matutulis na ngipin......
At nakangit s'ya... Nakangiti habang tumatakbo...
Tumatakbo... Papunta sa ... Papunta sa direksyon ko..
"Andyan na ako" masayang sambit ng babae habang patuloy sa pagtakbo.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo ng tumakbo ng tumakbo
"S-sino ka!!" sigaw ko sa kanya ngunit pagtawa lang ang sinagot nya.
Hinagilap ko ang daan, ngunit miski isang liwanag wala akong makita...
Madilim... Napakadilim...
Ang babaeng tumatawa ay ngayon napalitan na ng pag-iyak.
Malalakas na hagulhol ang pinakawalan nya.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo... Ngunit sa isang iglap nasa likuran ko na agad sya.
Lumawak ang ngiti nito sa labi... may luha pero wala namang mata, may mahabang buhok na tila basa basa.
"Wag mo akong hahawakan!! Sino ka!!! Tulong!!!" patuloy ako sa pagsigaw.
Ngumiti ulit ito ng malawak.
"Wala ng tutulong sayo Avi... Halika sumama ka sa akin..."
"Ayoko!!!" sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo
"Don't run Avi, halika sumama ka sa akin...anak"
Napatigil ako sa pagtakbo ng tawagin nya ako sa bagay na magpapatigil sa akin.
Anak?
Hinarap ko sya kahit sobrang takot na takot na ako.
"Hindi mo ako anak!! Wala akong magulang na demonyo!!" pagkasabi ko non ay muli akong tumakbo
Lumakas naman ang pagtawa nya tila ba nababaliw na...
Muli akong kinabahan ng bumilis pa ang takbo nya. Habang may malawak na ngiti sa labi at tila may mahabang dila na inilalabas. At ang ngipin nya na kasingtulis ng pako.
Agad akong nangatok ng mahawakan nya ang balikat ko.
Naluluha na ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
Lumapit sya sa akin tsaka may binulong.
"Run!"
Pagkasabi n'ya non ay mabilis na mabilis akong tumakbo hanggang sa mahulog ako sa isang patibong.
YOU ARE READING
DON'T RUN : Senior High Series #1
Horror'Wag kang tatakbo, dahil kapag tumakbo ka... talo ka.