“Avi, anong feeling ng katabi ni Jayron?”
“Okay lang naman Louissa, hindi naman s’ya naimik kaya oks lang”
“Ay why naman hindi s’ya naimik, siguro dahil naninibago pa sya”
“Maybe, Kensh”
Walang tigil ang dalawang ito sa pagtatanong habang naglalakad kami sa may canteen.
“Isa nga pong sandwich at tubig.”
Sabi ko kay ate Fei, ang kaclose kong tindera sa canteen.
“Avi, eto na ang binili mo, mukhang gumanda ka ngayon ah”
“Si ate Fei naman, binobola pa ako e”
“Ate Fei , araw araw naman po si Avi na maganda” sabat ni Louissa
“Oo, maganda sya pero parang mas blooming sya ngayon” nakangiting saad ni ate Fei
“Blooming po talaga kapag may katabing pogi” natatawang saad ni Kensh
“Ate magkano po pala?”
“35 pesos lang Avi”
Binigyan ko si Ate Fei ng 50 pesos, ibabalik na sana nya ang sukli nang tanggihan ko ito.
“Ate Fei sayo na po ang sukli, aalis na po kami” nakangiting saad ko
“Salamat Avi!” nakangiting sigaw sakin ni Ate Fei.
Nang makabalik kami ng classroom ay agad akong pumunta sa upuan ko.
Nakita kong nagbabasa si Jayron.
Nung umupo ako don ay bigla na lang niyang sinara ang librong binabasa. At tinagtag n’ya rin ang salamin na nakasuot sa kanya.
Dito na ako naglakas ng loob na kausapin sya.
“Uhmm… J-Jayron , nakikilala mo ba ako?” nauutal na saad ko.
Tumingin s’ya sakin at tinaas ang isang kilay. Akala ko hindi na nya ako sasagutin ng bigla syang nagsalita.
“I do.”
Kinabahan ako bigla ng magsalita sya.
“Wehh?” hindi ako naniniwala e
Tumingin ulit sya sakin, At tsaka ako inirapan.
Antaray pala neto e
“Kung kilala mo ako, sino ako?”
Hindi sya tumingin pero nagsalita s’ya
“You’re Ms. Buenaforte, my seatmate.”
Napakunot ang noo ko, so hindi nya pala ako nakikilala, Hello I’m your kababata kaya. Pero buti na lang hindi n’ya naaalala.
“Avigale na lang, ‘wag ng Ms, Buenaforte”
Hindi na sya umimik nung sinabi ko yon.
Maya-maya lang ay dumating na ang next teacher namin.
Tahimik lang kaming nakikinig kay maam Shiela ng biglang may isang matanda na pumasok sa room.. sa may pinto lang pala.
Mahaba at maputi na ang buhok n’ya, nangungulubot na rin ang balat, medyo wala rin siyang ngipin at medyo pandak ito.
Tumayo si Jayron at nagsalita ito.
“Maam, may I excuse.”
“Sure, you may go”
YOU ARE READING
DON'T RUN : Senior High Series #1
Horror'Wag kang tatakbo, dahil kapag tumakbo ka... talo ka.