Nang makalabas kami ni Jayron ay namalayan kong hawak hawak n’ya pa rin ang pulso ko hanggang sa makarating kami dito sa labas ng gate.
Diretso lang s’ya sa paglalakad at tila walang hinihila.
“Jayron”
Napatigil s’ya ng bigla kong tawagin ang pangalan nya
“Why?”
Tumingin ako sa kamay ko.
“P-Pwede mo na bang bitawan ang kamay ko?”
Tumingin muna s’ya saglit sa kamay ko saka ito binitawan. Nag-iwas din s’ya ng tingin sa akin.
“Uhmm… dun pala sa kanina.. p-paano mo---”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla s’yang magsalita.
“Where’s your friends?” pag-iiba niya ng usapan
Oo nga, nasan na yung dalawang yon?
“H-Hindi ko rin alam e” nauutal kong saad.
“Tss.” tanging sagot nya
Bigla na lang tumunog ang cellphone ko at nakita kong may ilang text pala sa akin si Louissa.
From LouissaGalvez:
Avi, una na kami ni Kensh, nagllbm s’ya e. Bigla na lang akong hinila kaya di na ako nakapagpaalam sayo. Ako lang din ang may load kaya ako lang ang nakapagtext
To LouissaGalvez:
Oki lngs, inum kmo ng loperamide :)
Tumunog ulit ang aking cellphone. Kaya tiningnan ko ito.
From LouissaGalvez:
Okie:)
Sinara ko na ang cp ko ng bigla kong makita si Jayron na bahagyang nag-iwas na naman ng tingin .
Nang maalala ko ang sasabihin ko ay hindi na ako nag-abalang hindi iyon itanong sa kanya.
Kami na lang ang naglalakad dito sa tabi ng kalsada at nakikita ko na rin ang pagsisimula ng paglubog ng araw.
“Jayron, pwede magtanong?”
“You’re already asking.” pamimilosopo nito
Napakamot na lang ako ng ulo. “ah… dun pala sa kanina, tinawag mo ba akong Avi?”
Napatigil s’ya saglit sa paglalakad ng mapakinig ang sinabi ko.
“Yes.” maiksi nyang sagot
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero bakit bigla akong naexcite.
“Bakit moko tinawag na Avi?”
Nag-iwas sya ng tingin “ I heard from your friends.” diretsong sagot nito.
“Hindi porke’t narinig mo sa kaibigan ko na Avi ang tinatawag nila sakin, ay basta basta mo na lang din akong tatawagin na ganon, hindi yon pede men”
Tumitig s’ya sa akin bago nagsalita.
“And why not?”Nilabanan ko ang titig n’ya na dapat pala hindi ko na ginawa.
YOU ARE READING
DON'T RUN : Senior High Series #1
Horror'Wag kang tatakbo, dahil kapag tumakbo ka... talo ka.