"Why are you hugging my kuya?"
Napakalas na lang ako ng pagkakayakap kay Jayron ng bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwal doon si Jayvon na ngayon ay may mapanghusgang tingin sa akin.
Akala mo naman kakainin ko ang kuya n'ya
"Do you need anything Jayvon?" malamig na tonong tanong ni Jayron.
Umayos ng tayo sa may pintuan si Jayvon at kinagat ang apple na hawak nito.
"Yes, I need you kuya." Pagkasabi n'ya non ay tiningnan n'ya agad ako at tinaasan ng kilay.
'Di ko naman aagawin ang kuya n'ya e.
"For what?" tinaasan na din ito ng kilay ni Jayron.
Ay may pinagmanahan nga.
Umayos ulit ng tayo si Jayvon. Mukhang natakot sa kuya n'ya.
"W-Well" pumiyok ito. "Can you go with me in the guestroom, I just want to sleep now... But---" tumigil ito.
"But?" nagtatakang tanong ng kuya n'ya.
Nag-iwas ng tingin si Jayvon lalo na sa akin, para syang nahihiya.
Tumikhim muna ito bago nagsalita. "I-I'm just scared..."
"Pfftt" hindi ko napigilan ang sarili ko na dapat pala pinigilan ko.
Parehas na tuloy silang nakatingin sa akin habang parehas silang nakataas ang kilay.
"What's funny, Avi?" tanong ni Jayron
"Wala, s-sininok lang ako" pagkukunwari ko.
Lagot ako kay Lola at nagsinungaling ako.
Mukhang hindi naman nya yon pinaniwalaan pero binalewala nya rin naman.
Maya-maya pa ay akmang aalis na si Jayron ng bumalik ulit ito sa akin. Tiningnan n'ya muna ako. Parang may sinusuri sya dahil nakakunot na Ang noo nito.
Ang kanyang mga mata ay nakikipaglaban ng titigan sa akin. At dito ko mapapatunayan na, may itsura nga pala ang isang 'to. Napalunok na lang ako sa mga iniisip ko.
Maya maya pa ay may kinuha ito sa kanyang bulsa at inilagay sa kamay ko.
Bago sya umalis sa kwarto ko ay may sinabi sya sa akin.
"Lock the door." Bago sya muling naglakad para pumunta Kay Jayvon na nasa may pintuan pa rin pala.
Pero ang pinagtataka ko ay bakit binigyan nya ako ng panyo?
Hindi kaya gusto nya ako? O kaya naman may nakaburda dito na name ko tapos sasabihin nya na ako ang first love nya? Yung katulad sa mga kdrama tapos itong panyo na binigay nya sa akin ang magpapalambot sa puso ko? Bakit nya ako binigyan ng panyo, gusto nya ba ako? Hindi naman ako maganda...sobrang ganda nga lang pero bakit nga nya ako binigyan ng panyo tapos medyo kulay pula pa ito? Hindi kaya sign ito ng pag-ibig nya sa akin? Yung magkukunwaring sa una hindi nya ako kilala pero pinapantasya nya na pala ako? Iba din e, tapos ang mangyayari maiinlove ako sa kanya tapos magkakagustuhan din kami tapos may makikita syang mas better tapos iiwan nya ako tapos ang ending ako yung maghahabol.
Dahil sa mga iniisip ko ay bigla ko na lang binato ang panyo na ibibigay nya sa akin.
Bigla namang napatingin doon si Jayron.
YOU ARE READING
DON'T RUN : Senior High Series #1
Horror'Wag kang tatakbo, dahil kapag tumakbo ka... talo ka.