-----Year 2021----
"Two Chopper, Two Hundred Shots.. Bang-"
Ang musikang tumugtog sa arcade habang tinititigan ko ang singkwenta pesos ko.
---2 hrs earlier---
"HAHAHAHAHAHA, paano mo naubos yang 500 mo sa claw machine!?" Hagakhak na tawa ng aking bestfriend na si Cloud.
"Nag-iisang panda keychain yun e" wika ko habang may pagka-proud na ngiti sa aking mga mukha.
"Anong oras na ba? Hindi ba malapit na mag-start ng screening ang Sing 2?" Tanong ko sa kanya.
"Shet, oo nga, tara na" wika ni Cloud.
-----
"Muntikan na 'kong umiyak d'on pre, masyadong relatable yung movie" Sabi ni Cloud habang humihikab at lumiliyad sa kanyang pagtayo.
"Halos 'di mo na nga matapos yung movie sa kakatulog mo jan. Kung 'di pa kita gisingin nasayang lang pera mo" wika ko.
E hindi naman nakakaiyak yung movie, puro kantahan pa nga yun tapos aantukin ka? Sabi ko sa aking isipan
Maganda naman yung movie diba? Lalo na yung part ni Johnny, ang ganda pa naman nung kanta. Sino ba namang may ayaw sa Coldplay?
"Perd, nagchat na si Kaela. May date pa kami maya-maya e, bye pre labyu mwa" Aniya nang nagkandaripas ng takbo sa pagmamadali.
"Ge, perd, salamat. Ingat" bigkas ko nang napagtanto kong ubos na naman ang pera ko.
"Kailan kaya maglalabas ng results ang DOST? I'm broke na o. 'Di bale na, may panda keychain naman ako e." Sabi ko sa aking sarili habang nakatingala nang marinig ko ang isang babaeng nagpapa-raffle sa kanto malapit sa exit.
"Kuya, try niyo na po. 20 pesos lang, may chance kayong manalo ng brand new phone" sabi ni ateng nakangiti sa'kin.
Wala namang masama kung di ako magta-try diba? Tsaka 20 pesos lang naman, may 30 pa akong pampamasahe. Ang wais ko talaga 'no?
Ding~~
"Kuya, nanalo po kayoooo" sabi ni ate habang nakangiti pa rin sa'kin
"TOTOO BA?!?!!!" Magalak kong sigaw
"BINI Concert Tix po, kuya!" Sabi ni ate.
"Woww" Kunwari nalang kilala ko sila:)))).
"Maya-maya po magsstart na sila" sabi ni ate.
Mukhang binigay lang sa'kin ni ate 'tong ticket na 'to, wala naman kasi neto sa prizelist e. Sabi niya galing daw sa kapatid niya yun kaso di na makakapunta sa show nila kasi nilagnat bigla. Sayang, naman front seat pa yung ticket.
--------
Wala na bang ibang darating? O ako lang nandito? Mukhang hindi pa lalagpas sa 40 katao nandito a. Na-scam ba 'ko? Akala ko worth it yung front seater kong ticket......
----10 mins later----
Magsisimula na ata sila. Pero wala na atang darating pa.
Habang pinapaikot-ikot ko ang keychain sa daliri ko, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tumawag si Cloud, di ko sinagot. Tumawag ulit, sinagot ko na.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ANONG GINAGAWA MO JAN NICO?" Malakas na tawa ng demonyo nang magkatitigan kami sa may gilid kasama ng kanyang nililigawan.
"May hinihingi si ate o" tuloy pa niya.
Nang pagharap ko sa stage habang pinapaikot-ikot ko ang aking keychain, Ang kaniyang makinis at maputing balat ay kumikinang sa pagtama ng liwanag sa kaniya. Ang kaniyang mga mala-manikang mata'y kulay kayumanggi, may kaliitan ang ilong at ang mga labi'y makapal at mapula, ang kulot niyang buhok ay umaabot ang haba hanggang leeg- ay nakaupo sa harap ko. Nakatingin ata siya sa keychain ko haha, may ganito bang idol? Mukhang kanina pa siya nakatingin, di ko napansin, masyado akong blank-spaced sa nangyayari. Ang cute ni ate, ano nga ulit pangalan niya? Yves ata yon? Nakaturo ang kanyang daliri sa keychain ko habang naka asian squat siya na may pagpikit-pikit pa ng mata na parang nagpapacute para hingin yung keychain ko. Wait lang, ibibigay ko ba 'to? Etong 500 pesos na keychain ko? Bakit ko naman ibibigay yung pinaghirapan ko sa taong hindi ko kilala? Pero masama naman kung itatago ko diba? Kalma, Nico, kalma. May karapatan ka para tumanggi, di mo kailangang maging people pleaser---
Ayon binigay ko na kay ate....-_-
-------
(Gising na, kuya...)
(Kuya Nicooo)Papalapit nang papalapit ang boses ng isang demonyita
"Bawat araw mas sumasaya-" tunog ng alarm clock ko nang ito'y aking patayin
(5 minutes pa, mamaya na.)
"MALE-LATE KA NA!" Sigaw ng aking kapatid habang ako'y i-double knee drop sa tiyan.
"AAAAAARRRAAAYYYYYY" Sigaw ko nang masikmuraan ako ng demonyong nakasimangot sa harapan ko.
"Yung admission mo, ngayon na last day n'on diba? Anong oras na kuya, kakain ka pa" sabi ng aking kapatid
"SHET WALA PA NGA PALA AKONG SCHOOL" sigaw ko sa aking sarili hawak ang aking mukha sa pag-aalala
Ayan puro ka DOST wala ka pa palang school, paano ka yayaman niyan kung wala kang diploma, kulang ka na nga sa diskarte, mawawalan ka pa ng pangarap. Paano ka na niyan engineer?
"Pakisabi kay mama na di na ako mag-uumagahan, salamat labyu babay" Wika ko sa aking kapatid sa paglabas ko habang ako'y nagmamadali makaalis
Sa sobra kong pagmamadali ko, dinala ko na suklay namin sa bahay, kasi why not? May isang punong jeep akong nakita, sumabit na ako, kasi why not? Buti nalang marunong lumipad tong jeep, mas mabilis pa 'to sa araw na nagkaroon ng bago ex ko e.
Sa sobrang gandang araw, take your time, be patient, Nico. BAKIT MAY TRAFFIC!!!? Kaunting takbo nalang yan o, nevermind, bababa na ako.
"Bayad mo totoy" sabi ng driver
Shet, nakakahiya, nalimutan ko pala magbayad. Dali, Nico, ang oras ay tumatakbo. Pagkabayad ko sa driver, mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Tatalunin ko si Usain Bolt, kaunting takbo nalang 'to o.
Sa aking pagtakbo, nakapasok na ako sa kabilang entrance(buti nalang dalawa yung entrance dito, TyL!). May isang babaeng maputi, maliit ang kanyang ilong, ang kanyang mala-alon na buhok ay umaabot na hanggang bewang, at mala-manikang kulay kayumangging mga mata ang nakatingin sa akin.
"Yves??" Buka ng aking bibig nang makita ko ang babaeng kumuha ng aking keychain.