Nico's POV:(Approximately 2 minutes ago*)
"HAA?!" Sabi ko sa aking sarili dahil sa aking gulat
Nakakapagtaka't di pa kami naghihiwalay ng dinadaanan. Agad akong nagmadali papuntang room namin at sa di inaasahang pangyayari'y magkaklase pala kami.
Yves' POV:
"Shux, late na ako. Wait si Nico ba 'yun?" bulong ko sa aking sarili habang ako ay nagmamadali papuntang room
Sa pagmamadali ko ay di ko inasahang makakasabay ko ulit si Nico. Sinabayan ko siya sa kanyang pagtakbo at biglang litaw ng aking alaala
————
10 years ago
"Akin na 'yann" sigaw ko habang hinahabol ko ang batang lalaki na hawak ang dala dalang stuff toy ko.
"Kunin mo muna~" sabi ng lalaking mapang-asar habang nakalabas ang kanyang dila
"Ambilis mo naman e" habol ko sa kanya.
"Edi 'di makukuha ni Lucky 'to HAHAHAHA" asar pa niya.
Nadapa ako at sa aking hiya, ako'y papaiyak na tumakbo pauwi sa amin at nagsumbong kay mama.
"Oh, bakit ka naman naiyak jan? Nakikipaglaro ka lang naman ah" sabi ng aking inang nagluluto
"Alam mo anak, normal lang naman yan. Nakikipaglaro lang naman siya sa'yo e" sunod pa ng aking ina
Ako'y tahimik na umiyak sa upuan at may kumayok sa aming pinto.
"Lucky? Nandyan ka ba?" Mahinahong sabi ng isang matandang babae.
"Oh, pagbuksan ng pinto. May naghahanap sa'yo" wika ng aking ina mama
Nang buksan ko ang pinto, ang lalaking mapang-asar ay nasa harapan ko kasama ng kanyang ina.
"Oh andyan na si Lucky, mag-sorry ka na" bulong ng ina sa mapang-asar na lalaki
"Sorry" mahinang bigkas ng lalaki at dagliang ibinalik ang aking stuff toy.
"Lucky, pagpasensyahan mo muna si—"
Hindi ko napakinggan nang maayos ang sinasabi ng mama niya dahil ako'y naantig sa magandang ribbon na nakalagay sa may tainga ng aking stuff toy.
——————
Present Time
Nico's POV:
Buti nalang at wala pa ang professor at biglaang dinumog si Yves ng aming mga kaklase. Lumusot ako sa crowd at umupo sa may bandang dulo.
Sheesh, iba talaga pag famous haha. Eyyiable wala agad ako sa picture. Mukhang magkakakilala na ata mga tao rito.
Yves' POV:
May gusto lang sana akong tanungin kay Nico kaso napaligiran agad ako ng mga tao. Buti nalang at dumating na si Prof at umupo na sila sa kani-kanilang upuan. Dahil sa pagiging late, nakatabi ko pa si Nico.
"Let me introduce myself first—" pormal na pagpapakilala ng aming professor
I've never got the chance to ask Nico the question since I was crowded and the break time started.
——————
Napagmasdan kong papunta si Nico sa canteen at siya'y aking sinundan. Hindi ako nagpahalatang sinusundan ko si Nico.
"Nic—" tinawag ko si Nico kaso at nakita ko siyang may kasama, nahiya ako at hindi ko na itinuloy at lumabas nalang ako
Nico's POV:
"Natapos din ang kasawa-sawang introduce yourself na yan" sabi ko sa aking kaibigan habang papunta sa canteen
Kasama ko si Cloud sa canteen nang marinig ko ang tawag sa akin ni Yves at ako ay napalingon. Which is weird, umalis agad siya at lumabas.
"Nico, nakikinig ka ba?" Wika ng kaibigan ko habang kumaway sa aking mata
"Ay, sorry pre. Ano nga ulit 'yun?" Tugon ko sa kanya.
"Bakit parang lutang ka masyado ngayon?" Nag-aalalang tanong niya
"Basta pre, mag-tatanong pa ako kung anong proseso kung paano mag-shift ng course. Hit me up kung may gusto ka pang itanong sa'kin. Patapos na rin naman ang break time e, babalik na ako sa room namin" sabi ni Cloud habang siya ay naghahandang bumalik sa kanyang room.
"Wait lang pre, tanda mo pa ba si Lucky?" Tanong ko sa kanya
"Yung kalaro natin dati sa probinsya?" Sagot niya
"Nandito ata siya nga—" wika ko kay Cloud
"Anyways pre, I'm out of time na talaga, busy pa ako e. Talk to you later nalang, see you when I see you" nagmamadaling sagot ni Cloud
———————
I'm not really a fan of BINI pero hindi ko maitatanggi yung similarities ni Yves kay Lucky. May chance ba na iisa lang sila? Nakilala ko lang naman si Yves sa free concert ticket e. There's no way she recognize me, right? It has been 10 years since then or maybe I'm just imagining things tsaka hindi naman ganyan kumilos si Lucky baka iibang tao sila. Marami akong tanong sa aking sarili habang ako'y naglalakad pabalik sa room namin
Nakabalik na ako sa room at mukhang mas nabuo yung circle ng mga classmates ko at mag-isa akong umupo sa gilid since wala naman akong kilala sa kanila. There's no point to get close to them when you're gonna shift next year, right?
Bumalik ang lahat sa kani-kanilang upuan nang pumasok ang isang professor.
"For our first activity this semester, group yourselves into 4" wika ng professor
"Ma'am, what could be the activity?" Tanong ng isang estudyante.
"Group yourselves first" tugon ng guro
Kung mamalasin ka ba naman. Paano ako magkaka-grades? Almost everyone formed their group already tapos nandito lang ako sa tabi nahihiyang makipagsocialize. Lord, kung naririnig mo ako please lang bigyan mo ako ng ka-grupo.
"Pre, kulang kami ng isa. Gusto mo bang makigrupo sa amin?" Tanong ng isang boses sa distansya.
Napatingin ako at mukhang sa akin ata siya nakatingin. Tinuro ko ang aking sarili sa kasiguraduhang ako ang kanyang tinutukoy.
"Oo, ikaw" tugon ng maskuladong boses kasama ng dalawang babae, si Yves at si ateng di ko tanda ang pangalan
Di ko masyadong tanda ang kanilang pangalan. Ano nga ulit 'yun? Jordan? Reyjen? Ih, ayaw ko na mag-isip. As if may choice ka naman.
Dahil wala naman akong choice, nakigrupo ako sa kanila at si Yves ay nanatiling tahimik.
"Seems like all of you are grouped, I will now tell the activity. The activity you're about to make is a short film. You need to demonstrate and use all of your talents and skills within the film while telling a story. Next week ang deadline, 11:59PM. Goodbye"
At ayon na nga, umalis na si prof at mukhang sinwerte pa ako at naka-grupo si Yves. Pwede na akong magpabigat, kailangan lang naman nila mapunan yung kulang e. It's not like I have a talent or anything bukod sa pagiging gwapo.