Year 2024(Present Time)
Nico's POV:
(Gising na, Kuya.....)
(Kuya Nicooooo)"Bawat araw mas sumasaya~" *Alarm Clock Sounds*
"Mamaya na, 5 minutes pa"
"MALE-LATE KA NAAAAA" Sigaw ng isang demonyitang tumalon sa tiyan ko
"AAAARRAAAAYYYY" Sigaw ko nang tumama ang tuhod ng aking demonyong kapatid na may pagtangkang patayin ang kanyang gwapong kuya.
"Yung admission mo, ngayon na last day n'on diba? Anong oras na kuya, kakain ka pa" sabi ng aking kapatid
"SHET WALA PA NGA PALA AKONG SCHOOL" sigaw ko sa aking sarili habang hawak ang aking mukha sa pag-aalala
Agad-agad na akong bumangon at hinablot ang aking towel at bumaba para dumeretso sa paliligo. Sa pagpasok ko sa aming banyo, may nakita akong mestizong mala-puso ang hugis ng mukha, matangos ang ilong, almond eyes, na may kissable lips, messy hair pero sobrang gwapo.
"Maligo ka na, ano pang ginagawa mo jan" boses ng isang dalagitang may mala-artistahing kapatid
"Kelan ba tayo nagkaroon ng poster ni Daniel Padilla rito sa banyo?" Tanong ko sa babaeng natulala sa aking kagwapuhan
"Tulog ka pa rin ba? Gusto mo bang gisingin ulit kita?" Sagot ng demonyitang kunot ang noo at nakangiting handang manuntok
"Oo na, liligo na" Agad kong sinabi at sinara ang pintuan.
"Bagsak yan si Daniel, di lang ako sikat 'no" Banggit ko sa harap ng salamin na may halong ngisi sa aking mukha
"Kaya ka pala pinagpalit ng ex mo~" rebut ng demonyita
Sabi ko nga maliligo na ako :D
Dali-dali akong nagbihis at umalis sa aming bahay."Pakisabi kay mama na di na ako mag-uumagahan, salamat, labyu, babay" sabi ko sa aking kapatid na may pag-aalala sa kanyang mukha.
"Yung suklay kooooo" sigaw niya habang ako'y papalayo
"Balik ko nalang mamaya", saad ko
Habang tumatakbo ay tinitingnan ko ang mga requirements sa bag ko.
"Form 1, check"
"Form 2, check"
"Good Moral, check"
"Grades, check"——————
"Wag mag-alala, buhay ay di karera~" kanta sa earphones ko habang tinatalo ko ang record ni Usain Bolt papuntang sakayan. May isang jeep na malapit ng umalis, buti nalang nakatalon at nakasabit pa ako-_-.
"Buti nalang mabilis yung jeep" bulong ko sa aking sarili bago magkaroon ng traffic:)).
Agad-agad akong bumaba sa jeep na may layong sandaang metro sa University. Habang ako'y tumatakbo nang mabilis, pinagmasdan ko ang mga bulaklak ng puno ng mangga at nabagsakan ako ng maliit na bunga nito. Kung mamalasin ka ba naman. (Okay lang yan, buti nga hindi ipot yung bumagsak e, gaslight lang yan).
Napalingon ako sa kaliwa nang makakita ako ng isang nagmamadaling magandang babaeng naka-bayonetta glasses at nakaponytail na may ribbon na ipit at may kayumangging mga mata ang nakatingin sa akin, sa kanyang bag ay may isang pamilyar na keychain na hinding hindi ko malilimutan— ang panda keychain ko."Yves?" Bigkas ng aking bibig sa magandang yakap ang kanyang mga documents habang tumatakbo.
Dahil sa aking paglingon, 'di ko namalayang may poste na pala sa harapan ko at ako'y nauntog. Sa aking kahihiyan, tumakbo ako nang mas mabilis, 'di na ako tumingin pa at dumeretso nalang sa Admissions Office nang binilisan pa ni ate ang kanyang pagtakbo. Parang nakikipagpaunahan ang babae sa pilahan nang makita ko ang pinto sa Admissions Office.
"UNA AKOOO~"sigaw naming dal'wa.
"Please refrain on making unnecessary noises, also please note that only one person at a time can enter the office" malumanay na pagkakasabi ng isang professor.
"I forgot, please fall in line" follow up ng professor.
Yumuko ako sa kahihiyan na aking ginawa at agad na pumunta sa pila, pinauna ko ang magandang babae sa upuan nang tahimik. Habang ako ay nakatitig sa keychain ng kanyang shoulder bag, hindi ko maiwasang alalahanin ang keychain na aking nakuha sa claw machine.
3 years ago
"Picture muna tayo pre, update ko lang si Kaela" wika ng morenong kulot na nagngangalang Cloud.
"Wow pakwan" bukambibig ko sa aking kaibigan.
"Tara tambay muna tayo sa Timezone, palipas tayo ng oras" sabi ni Cloud.
"Ge tara, gusto kong mag punching machine" tugon ko sa kanya.
Habang kami ay naglalakad sa timezone, nakita ko ang nag-iisang panda keychain sa claw machine.
"Mukhang nagniningning ang mga mata ng isang sadB ah" .
"Kunin ko?" Sunod pa niya.
"Ako na, kaya ko 'to" sabi ko.
Hindi ko namalayan ang oras at napatingin nalang ako kay Cloud sa dami ng kanyang prizes at tickets.
"Sure ka? Ayaw mong magpatulong? Nakaka-500 ka na pre" saad ni Cloud na may halong pag-aalala.
"Kaya ko 'to!" Pagkasabi ko sabay hampas sa button habang nakatingin sa kanya na may halong inggit.
"Makukuha mo ba yan? E hindi ka nga natingi–" putol na pagkakasabi ni Cloud.
"Ha? Mukhang may daya naman 'to e, malabong makukuha ko–" malungkot kong sinabi nang marinig ko ang tunog ng isang prize na bumaba.
Hindi ko nakita ang nakuha ko dahil hindi ako nakatingin nang pinindot ko ang press button. Kinuha ko sa ilalim ang prize na aking nakuha at gulat naming dalawa nang mahawakan ko ang keychain na pinag-ubusan ko ng oras.
"HAHAHAHAHAHA, paano mo naubos yang 500 mo sa claw machine!?" Hagakhak na tawa ng aking bestfriend na si Cloud.
————————————
"NEXT!" Sigaw ng tao sa loob ng Admissions Office.
Ang babaeng may panda keychain ay pumasok na sa loob.
Baka parehas lang kami ng keychain 'no? Pero kamukha niya si Yves sa Bini. Wait, baka nangangarap lang ako. Manghingi na ba ako ng picture at autograph? What if kamukha niya lang yun? Wait lang, chat ko muna si Cloud—
"NEXT!" Sigaw ng facilitator.
Masayang lumabas si ate at nagmamadali ata siyang umuwi. Wait lang ulit, paano kung siya talaga yon? Sabagay, uuwi agad siya para di makakuha ng atensyon.
"NEEEXXXTT!" Mas malakas na sigaw ng admin.
Pumasok na agad ako sa loob at galit na ata yung prof.
"Mr. Ramirez, unfortunately out of slots na po tayo sa Engineering. These are the only courses that are available right now" kalmadong sinabi ng babaeng professor na nag-iinterview.
"Sige po, Bachelor of Fine Arts nalang" dismayado kong sinabi.
"Okay. Mr. Ramirez, Bachelor of Fine Arts—."
—————
Malungkot at nakayuko akong lumabas sa pintuan at nakita ko si Yves na nakasandal sa pader na parang may inaantay. Laking gulat ko nang makita kong papalapit sa akin ang magandang babae.