Nico's POV:
2 days agoMasyado ba akong masama para mag walk out? Anyways, what's done is done. Akala ko pa naman makakabuti na magkakaroon na ako ng ka-grupo, turns out demanding lang pala silang lahat.
"Yo, angry bird" sabi ng isang kulot na unggoy, si Cloud
"HA?!" Naiiritang sagot ko sa kanya
"Bakit ka naman galit? Tara arcade?" Mapanuksong pag-aaya ni Cloud
Nagpunta kami ni Cloud sa arcade para makapaglibang at makapagpalamig. Parehas lang kaming naglalaban sa Street Fighter. Wala namang klase bukas e.
"Natahimik ka bigla pre, ano ba kasing iniisip mo?" sabi sa akin ni Cloud.
"Wala, may pinoproblema lang" sagot ko sa kanya
"Wag mo na munang isipin yan. Di naman kita inaya rito para magdrama" saad ni Cloud
He's right. Di ko naman kailangang problemahin yan. Di ka naman ganyan e.
"Wag mong problemahin ang problema, hayaan mong problema ang mamroblema sa'yo" banggit ni Cloud
"Ganyan ang mindset ni 'Nizharie Conan' ng Ramirez Family?" Tuloy pa niya.
Wala akong sinabi o ipinakitang expression at nagfocus lang ako sa laro. "K.O. You Win!" Display sa screen ko nang matalo ko ang madaldal na unggoy.
"Isa pa? Uwi na ako boring mo kalaban e" Inasar ko ang kalaro kong pikon.
"Bakit? Takot ka bang matatalo kita?" Sagot niya
Papaalis na sana ako kaso niyabangan ako ng unggoy at nagpapalit pa ako ng tokens
"Pre, si Yves parang pamilyar" tanong ko kay Cloud habang nakatingin sa screen
"Di mo pa rin alam?" Sagot niya
"Ang alin?" Nakangiting tanong ko habang nag-eenjoy kami sa laban
"Tanda mo si Lucky?" Tanong pabalik ni Cloud habang siya'y hirap maglaro
"Bakit naman?" Sabi ko
"Wag mo sabihing?—" napatingin ako kay Cloud dahil sa di kapani-paniwalang rebelasyon na nangyari
All the dots are connected and without a doubt, si Yves nga ang childhood friend namin. That crybaby?
"E bakit tinanong mo pa ako sa motor kung paano kami naging magkakilala?" I wondered
"Actually, kelan ko lang naman nalaman. Nagcommercial kasi ang Jollibee sa TV" tugon niya
"Tapos?" Dahil sa aking pagkagulat, di na ako nakatingin sa screen at nagtanong nalang kay Cloud
"Nakita ni mama, namukhaan si Lucky HAHAHA" sagot niya
"Anlaki rin kasi ng pinagbago e, akala ko pamilyar na mukha lang. Si Lucky pala talaga yun" tuloy na sabi ni Cloud habang nakangiti sa screen
Bakit pa tinanong ni Yves name ko? Wait lang, ang gulo. Kaya ba siya dismayado sa library?
"Nung concert last last year, alam mo na siya si Lucky?" Tanong ko ulit
"Di nga e, tagal na rin kasi pre. Ten years, imagine that. Mamumukhaan mo pa ba yon? Umalis din naman agad tayo sa probinsya" paliwanag niya
"Sabagay" sagot ko habang nagpipipindot ng mga button nang hindi nakatingin sa screen
"Sabagay ka jan? Bakit mo naman kinalimutan naging fir—" putol na pananalita ni Cloud at biglang napatingin sa'kin
Tinitigan ko ng masama si Cloud at nanahimik siya