Yves' POV:
"Hello! I'm Raven, this is Jordan!" Magalak na pagpapakilaka ng magkaibigan sa aking harapan.
"We're your biggest fan! Pwede ka ba naming maka-grupo?" Sabi ni Raven
"Huy, masyado kang demanding" bulong ng katabi niyang lalaki
"Uy, hello. Okay lang ba kayo na maka-grupo ako?" Tanong ko sa dalawa
"OO!" Malakas nilang sagot at nagcelebrate sila na parang may nanalo sa lotto
"Kulang pa tayo ng isa" agad na napagtanto ni Jordan at bigla silang nag-alala
Tinuro ko ang lalaking nag-iisa sa tabi, si Nico. Baka ito na yung chance na matanong ko siya. Tsaka, di ba siya masyadong left out? Wala lang nag-aalala lang ako, bakit ba? Hindi naman kami close, ang sakit kaya ma-left out.
Sumigaw si Jordan at inaya si Nico para makasali sa group namin. Nag-aalala ako na baka hindi siya sumama dahil parang iniiwasan niya ata ako. Buti nalang at tinanggap niya ang offer ni Jordan nang walang pag-aalinlangan.
———————
AfterclassNarito kaming apat ngayon sa isang cafeteria. Katabi ko si Nico, nasa tapat ko ang isang matangkad na medyo maskulado, at may pagka-singkit na mga mata, si Jordan katabi ng isang babaeng maputi na may pagkabilog na mga mata't mahahabang pilik, siya naman si Raven.
Heto ang sitwasyon namin ngayon: nabunot namin na type ng short film ay Music Video, sariling instruments at boses dapat ang gagamitin.
"Ako na bahala sa camera na'tin" Jordan volunteered
"Pwede naman akong gumawa ng storyboard, hanap nalang tayo ng kanta. May suggestions ba kayo?" Saad ni Raven
Apparently, si Jordan ay isang photographer at si Raven ay isang scriptwriter.
Nananatiling tahimik si Nico pero mukhang nakikinig naman siya, gusto ko siyang tanungin kung tanda niya pa ako pero now's not the time Yves, we need to strategize to make a good film.
Jordan volunteered as the Director and the Cameraman, Raven is our scriptwriter and editor.
"Ayaw ko ng screentime" sagot ni Nico as he raised his hand. "Pwede naman akong maging assistant ni Jordan o propsman nalang."
"Pre, 'di pwede yan. Kailangan natin magkaroon ng patas na part sa bawat members." tugon ni Jordan sabay hampas sa lamesa nang malakas na napatingin ang mga ibang tao sa paligid.
"Jordan, kalma, nagsasabi lang naman siya ng kaya niyang gawin e. Pwede ka namang tumugtog baka may instrum—" sabi ni Raven
"Mawalang galang lang, pero nakakabastos." Putol agad ni Nico
"Hindi ako talentadong tao o kasing yaman niyong tatlo, kung magsisilbing sagabal lang ang kaya kong maitulong sa inyo, magsosolo nalang ako. So, if you'll excuse me" kinuha ni Nico ang kanyang gamit at umalis
Is there any reason why he responded like that? Are we too insensitive? All of us felt guilty as Nico left. I wanted to apologize so badly.
We can't shoot a music video with me alone, Nico said that he don't want to be part of the group anymore.
Natapos ang meeting namin at ang problema nalang ay kung sino ang pwede kong makasama sa film.
———————
5 days 'til deadline
Busy pa lahat at ayaw magparamdam ni Nico, 'di siya nagparamdam sa groupings namin.
"Nasaan na kaya siya?" Buntong hininga kong tanong sa aking sarili.
Naglakad ako sa hallway at nakita ko ang laging kasama ni Nico, si Cloud. Tulala siya sa bulletin board nang siya'y tinanong ko.
"Bakit kailangang isa lang? E pwede naman isama lahat?" Tanong ng lalaki sa kanyang sarili habang nakapatong ang kanyang baba sa kanyang kamay
"Excuse me, ikaw si Cloud 'di ba?" Tanong ko sa lalaking tulala
"Uhhh" matamlay na sagot niya at lumingon sa akin.
"Alam mo ba kung nasaan si Nico ngayon?"
"WAA!" Gulat niya nang nawala ang kanyang pagka-lutang
"Uy ikaw pala yan, bakit mo nga pala ako nilapitan? Baka ma-issue tayo, nasa hallway pa naman tayo andaming tao" sabi ng lalaki
"Ikaw pala yan?" Bakit parang kilala niya ako pero si Nico hindi? Nakakapagtaka kasi lagi silang magkasama tapos kaklase ko pa siya. Confusing thoughts come to my mind.
"Ikaw ba si Cloud?" Tanong ko ulit sa lalaki
"Oo, ako nga 'yon. At bakit?" Sagot niya sabay taas ng kaliwang kilay
"Nakita ko kasi kayong magkasama ni Nico palagi. Hindi kasi siya nagpakita sa groupings kanina e, alam mo ba kung nasaan si Nico?" Nahihiyang pagtanong ko kay Cloud.
"Shemay, kalamay" wirdong ekspresiyon ng lalaki habang nakalagay ang kanyang palad sa kanyang mukha
"Kasama ko 'yun kanina tumambay sa court, sabi niya uuna raw siya kasi may groupings daw siya. Tumakas pala ang hayop" sabi ni Cloud
"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Tanong ko ulit
"Ewan ko lang, baka tumatambay sa rooftop yon. Dun kami nagpapalipas ng oras e" sagot niya
May tumawag kay Cloud sa kanyang cellphone at nag-excuse siya paalis para masagot ang tawag.
"Thank you!" Sigaw ko sa kanya habang papaakyat na ako sa rooftop
Habang ako'y papalapit nang papalapit sa rooftop, papalakas nang papalakas ang tunog ng malambing na gitara. Nang buksan ko ang pinto, sumalubong sa akin ang mala-kahel na alapaap at ang hanging dala ng mga puno. Hindi ko maikumpara ang paligid sa nakita't narinig ko, ang malambing na gitara't malamig na boses ng isang mestizong lalaking nakatalikod na may mala-along buhok na may malawak na balikat, may kaunting pagkapayat pero maskuladong tingnan ang nakaupo at mag-isang umaawit sa kawalan. Hinayaan kong matapos ang kanta bago ko siya gambalain.
"Milkyway by The Ridleys, right?" Bukambibig ko at napatigil sa pagtugtog ang lalaki
"Sabi mo wala kang talent?" Sunod kong tanong sa lalaking nagulat.
"Wala kang nakita" nagligpit nang mabilis si Nico at sinubukang umalis
"Pwede namang isama lahat?". Cloud's words flashed back to my thoughts at bigla akong nagbigay ng isang malaking mapanuksong ngiti nang isara ko ang pinto.
"Hehe may idea na ako" Ngisi ko kay Nico.
Nakita ko sina Jordan at Raven sa baba, papalabas, at dali-dali kong hinablot ang kamay ni Nico at hinila siya para puntahan ang dalawa. Mamaya na ang apology, sayang 'to o.
"Wait lang, Yves, saan mo ako dadalhin?" Tanong ni Nico na may halong kaba habang siya ay aking hinihila
"Wag kang matakot" sagot ko.
I've never thought that he had this side of him. Does he want to hide it? Why?
"Pwede bang dahan-dahanin lang natin? Hindi na ako tatakas" saad niya
Nakababa kami at hindi pa naman nakakalayo sina Raven at Jordan. Hingal na kaming dalawa at mukhang hindi naman tatakas si Nico. I gathered all the air and shouted out loud para marinig nila Raven at Jordan
"JORDAN, RAVEN, URGENT MEETING!—" sumigaw ako nang malakas at napalingon ang dalawa at ilang mga estudyante.