CHAPTER 2

86 6 10
                                    

Ang babaeng nakasandal ay tila papalapit nang papalapit sa akin. Hindi naman sa nag-a-assume ako. Baka may nalimutan ata siya sa loob(gaslight lang).

"—nong pangalan mo?" Tanong ng babae sa akin habang siya'y papalapit sa akin.

Kumunot ang aking noo sa pagtataka.
"Nico?" Sagot ko sa kaniya.

"Nico? May question mark?" Dagdag na tanong niya.

"Nico lang haha" dagliang sagot ko sa kanya habang ako'y napakamot sa likod ng aking ulo.

"Ikaw? Anong panga—" putol na tanong ko nang biglaang may tumawag sa aking cellphone
*The coconut nut is a giant nut~

"Uhmm, may natawag ata" sabi ng dalaga.

"Ay, sorry" banggit ko.

"Nandyan na pala Uber ko, byee. Thank you, Nico!" Nakangiting tumatakbo't kumaway ang isang magandang babae papalayo sa akin.

Sinagot ko ang di matigil-tigil na ringtone sa aking cellphone

Cloud: Out of slots na raw sa Electrical Engineering, nakapasok ka?

"Oo—sa Fine Arts" sagot ko

Cloud: Lintik ka, akala ko nakapasok ka. Ano na balak mo? Magsi-shift ka?

"Oo kaya yan, tiwala lang. Para ka namang nanay jan" sarkastikong sagot ko

*End call

               ———————————

"Gising naaa!!!" Sigaw ng demonyita.

"Oo na babangon na" sagot kong may halong paghikab at sa pagbangon ko'y salubong ko ang hampas ng kawali galing sa demonyitang dalaga

Habang kami'y nasa hapagkainan, want to sawa akong sinermunan ng aking ina sa kadahilanang di ako nakakuha ng slot sa course ko.

"Bibili ako ng mga school supplies mamaya, may ipapasabay ba kayo?" Tanong ko sa aking ina at sa demonyita.(Hindi matapos-tapos ang sermon kaya pinutol ko na)

"Avocado, dalawang kilo" tugon ng reyna sa bahay.

"Isang box ng glazed donuts" sagot ng matakaw.

                    ————————
Naglalakad na ako papuntang bookstore habang ako'y nagpapatugtog sa earphones ko
*One step forward, two steps back, bawat apak na kay bigat~

"Kung di mo kayang sumeryoso~" huni ko habang naghahanap ng libro para makapag-advance study

Nahanap ko ang librong ni-recommend sa akin ni Cloud para sa course ko, nang ito'y kunin ko, may kumukuha rin nito sa kabilang dulo.

"Hm?" Tanong ko sa aking sarili.

Napakunot ang noo ko dahil sa pwersa ng umaagaw sa librong ito. Biglaang dumoble ang pwersa ng hila sa kabila at nabitawan ko na ang libro nang makita ko ulit ang babaeng naka-bayonetta glasses na may ribbon sa gilid na pinaggigitnaan ng mga libro.

"Nico?" Tanong ng babae na nagbigay ng isang natural na ngiti

"Yung ano mo.. Okay ka lang ba?" Agad na nakatingin sa noo ko na may halong pag-aalala ang babae

Agad kong kinapa ang noo ko at di ko napansing may bukol na pala ako natamo ko sa pagpalo ng aking kapatid...

"Kahapon pa ba yan?" Tuloy na tanong niya(akala ko di niya ako nakitang nauntog sa poste-_-)

"Ah hahaha, wala 'to, gawa lang to ng kapatid ko" sagot ko na may awkward smile, di ko alam name ni ate kunwari, di ko pa siya natatanong.

Nahihiya si ate at pilitang ibinibigay ang libro sa akin ngunit mas persistent akong tumanggi.

Keychain Ko Ata 'yan?Where stories live. Discover now