Nang buksan ko ang pinto, narinig ko ang mala-anghel na boses ni Lucky. Silang tatlo ay nakatayo sa gitna ng rooftop at mayroon silang kontrahan at walang balak sumang-ayon sa isa't isa
"Si Nico na bahala sa music natin" masayang nagdesisyon si Yves sa dalawa
"Ha?!" Sabay kaming nagsigawan nina Jordan at Raven at ang dalawa'y saglit na napatingin sa akin.
"Seryoso ka ba? E ayaw na nga niyan makigrupo sa atin" kumontra si Jordan at mukhang may galit pa sa ginawa ko nung unang meeting
Well, wala naman akong magagawa kung magagalit sila. Wala rin naman akong pake, kung di nila kaya i-consider yung ambag ko, that's it. Pero bakit ka naman ganyan sa'kin Lucky? Gumaganti ka na ba? Tanda mo pa ba kami ni Cloud?
"Let's hear her out" Raven remained neutral pero mukhang may pagdududa pa rin siya
"Okay" kalmadong sumang-ayon si Jordan
Pagkatapos kumalma ng tatlo, inaya ko silang maupo sa may kabilang panig kung saan walang makakakita sa amin at sinara ni Yves ang pinto
"May naisip na akong kanta, siya lang ang makakagawa nito" tinuro ako ni Yves at patuloy na nagpaliwanag sa dalawa.
"Para walang away, lahat tayo may part sa screen. Walang aangal" habol pa nito habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso kasama ang kanyang mapagmayabang na ngiti
"Bukod sa ayaw kong maka-grupo yan" tumingin nang masama si Jordan sa akin
"Papayag ba yan sa ganyang kondisyon? Sure, pwede siyang kumanta o ano tapos pwede namang tumulong si Raven sa recording. Yung storyline pa natin?" Dumagsa ang mga tanong ni Jordan kay Yves
"Kaya na yan! Diba nga Nico?" sagot ni Yves at biglang kumindat sa akin
Wait lang naman ambilis masyado! Wala pa nga akong alam sa nangyayari.
Napakamot ako sa ulo ko at sumang-ayon nalang kay Lucky para wala ng away ang maganap
"Kita niyo? Hehe" magalak na nagmayabang si Yves sa dalawa
"So, eto na yung plano natin—"
"Yung ano rito—"
"Kailan tayo mamimili ng mga props?—"
"Mas maganda kung may ganito—"
Umabot ng mahigit dalawang oras ang pag-uusap namin kaso di pa rin kami nagkakaayos ni Jordan.
"Maganda naman yung story at yung kanta. Ang tanong, kaya ba?" Tinanong ni Raven si Yves at tinitigan ako ng mga mata ni Yves na may halong salamangka sa pagpapaakit
"As if wala akong no choice" napakamot nalang ako sa ulo dahil di talaga ako makatanggi sa mukhang yan
"Wait, seryoso kayong magsisimula na ngayon?" Napatanong agad si Jordan
"Why not?" Sagot ni Lucky
"Set-up mo na yung camera dali! Ang ganda ng mga bituin o" na-e-excite si Raven sa thrill ngayon dahil sisimulan na namin yung 1st scene
Habang nagse-set-up si Jordan, nagrerecord ako kasama si Raven. Nakakakaba dahil on-the-spot recording ang peg. Hindi ko maiwasang mapatingin ng saglit kina Jordan at Lucky sa ginagawa nilang dalawa. Mukhang nagsasaya naman si Lucky e, focus nalang ako rito.
1st Scene
Apparently, ako ang napiling main focus ng film namin gawa ni Lucky.
Naalala ko si Cloud sa film na ginagawa namin dahil sa kanta at sa story nito.Montage lang ng paggigitara ko ang ginawa namin sa introduction. Kinakabahan ako sa tatlong nakatingin sa akin, baka sumablay ako. Masyado silang focused sa akin, help me Cloud.
Nakaupo lang ako sa isang bench sa rooftop at nagbabasa ng isang diary.
Mukhang magaling naman si Jordan sa pagiging director. Dahil sa kanya, smooth na natapos ang 1st scene namin within 1 hour———————
"Wah! Natapos din" wika ni Lucky habang nag-istretch
Inabot na kami ng gabi sa pagfilm at medyo pagod na ang lahat. Mabuti nalang at may na-accomplish kami at hindi nasayang ang araw sa wala.
Sa napag-obserbahan ko, wala atang naaalala si Lucky about sa amin ni Cloud. I think that bringing that topic will worsen the mood so I avoided it as much as possible.
Sa tingin ko, maayos naming matatapos 'tong filming na 'to. Approachable naman si Raven at kahit alam ko na may galit pa sa akin si Jordan ay okay naman kami sa shooting except lang sa di pagpansin sa akin after.
"Hindi ko inexpect na ang husay mong umawit at tumugtog ng gitara" biglang lumitaw si Raven habang ako ay nagliligpit ng gamit ko.
"Anlakas mo naman mambola, thanks" sagot ko sa kanya at patuloy akong nagliligpit
"Pasensya na kay Jordan, mainitin lang ulo niya pero mabait naman siya. Di naman siya galit sa'yo, may pride lang talaga siya"
"Hindi galit? Haha, ang sama nga ng tingin sa akin e" tuloy pa rin ako sa pagliligpit at hindi lumilingon kay Raven
"Manghang-mangha nga siya sa paggigitara mo kanina e, nahihiya lang yan sa'yo" patuloy na nambola si Raven
"Anyway, bakit mo nga pala tinatago yang talent mo? Sa ganyang boses at skills sisikat ka kung ieexpose ka lang" tuloy pa niya
"Wala naman akong talent. Mahal ko lang ang music" sagot ko sa kanya
"Paano ka natuto? May private classes ka ba dati sa music nung bata ka pa? At tsaka, ano pa ang mga instruments na tinutugtog mo?" Dumagsa ang sangkatutak na tanong ni Raven
"Hmmm. Mahabang kwento e. At hindi naman kami mayaman sa private classes" sagot ko sa kanya
"Ano nga ba mga alam ko? Violin, piano, ukelele, at flute?" Tuloy ko sa kanya
"HAHAHAHA yan ba yung walang talent?" Sarkastikong tanong ni Raven
"Malapit na ata silang matapos sa pagliligpit, tara na" wika ko sa kanya
———————
"Thank you sa inyong lahat!" Masayang masaya si Yves na nagpasalamat sa amin
"Wala yun HAHAHA" sagot ni Jordan sabay kindat habang nakataas ang kanyang hinlalaki
"Sana mas maayos pa bukas" wika naman ni Raven habang nag-aayos ng gamit
"Maraming salamat, Nico" nakipagkamay sa akin si Lucky
"Thank you rin" tugon ko sa kanya
Nanatili akong tahimik at mukhang di pa rin maayos ang pakikitungo sa akin ni Jordan.
Lahat ng mga kalat at gamit namin ay naligpit na namin at handa na kaming bumaba nang hindi namin mabuksan ang pintuan palabas. We're locked-
Sa rooftop