Chapter 7

1 0 0
                                    

Ang bilis ng araw parang nong kailan lang ay naroon pa ako sa Thailand ngayon na ang araw na hindi ko kayang mangyari dahil ililibing na si mama. Naglalakad na kami ngayon papuntang sementeryo para ihatid na roon si mama.

"M-mama" bulong ko.

Kaya sa sobrang paghihina ko.. napagdesisyonan nila na isakay ako sa kotse ni josh. Sosyal no?

Dahil parang nanghihina ang tuhod ko sa paglalakad at nakailang ulit na akong nadapa ay doon na sila nag desisyon. Ako at si josh ang Ang narito sa loob ng kotse dahil kahit anong aya ni ken Kay Elle na dapat raw ay makisabay na rito saakin sa loob ay matigas talaga ang ulo na kaya nya raw. Kaya walang nagawa si ken at hinayaan nalang ang buntis.

"Pasensya kana" sabi ko kay josh

"It's okay" sabi nya Hindi na ako nagsalita pa at tumitig nalang sa labas.

Mukhang pati ang kalangitan ay nagluluksa.

Hindi rin nag tagal ay nakarating rin kami sa sementeryo. Kahit ayaw kong bumaba, ayaw kong ihatid si mama at ang sakit.

Kahit anong pilit nila saakin ay ayaw ko talagang bumaba. Ayaw ko.

Napabuntong hininga ang katabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Kahit nakakahiya. Ayaw ko e. Pasensya kana josh.

"S-sorry" sabi ko tama lang at marinig nila.

"Shh, hindi para nahihimasok ako ha. Pero shenna kailangan mo talagang bumababa para maihatid ang mama mo. Gusto mo bang hindi sya maging malaya ng tuluyan? Kailangan mong pakawalan ang mama mo shenna para saiyo rin iyon." Sabi saakin ni josh bago sya bumaba ng tuluyan

*****

Tapos na. Napalaya ko na.

Mga ilang minuto bago ko na realize ang mga sinabi saakin ni josh bago ako tuluyang bumaba sa sasakyan at sumunod sa kanila sa taas. Sakto at ng maka-akyat ako ay nagpapaalam na ang mga kapatid ko at kamag-anak namin kay mama.

Naiwan ako rito sa taas at nauna nang umuwi sila. Gusto kong dito muna ako. Gusto kong makasama muna ang ina ko. Ang sakit e.

"Hi ma" nakangiti akong nakatingin sa puntod nito. "Lagi nyo po kaming bantayan ha. Huwag nyo po kaming hayaan mapahamak ng mga anak nyo. Huwag rin po kayong mag-aalala ma ako na po bahala sa d-dalawa. Promise po aalagaan ko sila gaya ng dati kong pangako sa inyo."

Nagulat ako dahil pagkababa ko sa sementeryo ay naroon ang sasakyan ni josh kaya dali dali akong dumeretsyo Doon bakit na rito pa iyon?

"Tapos kana? " tanong nya kaya tumango nalang ako.

"Tara?" Sabi nya kaya sumunod nalang rin ako.

"Bakit ikaw ang narito?" tanong ko

"Sabi ko ako nalang maghintay sayo dahil aasikasuhin pa raw ng kamag-anak mo ang mga nakipaglibing." Sabi nya

"Salamat" ngiting sabi ko

"Wala iyon" sabi nya.

May kalayuan rin ang sementeryo mula sa bahay namin pero kaya syang lakarin. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Kunti nakang ang tao siguro ay umuwi na. Nakita kong malungkot na mga mata nila kaya ngumiti nalang ako. Kailangan kong maging matatag ngayon dahil may mga bisita kami.

"Kamusta ka?" salubong saakin ni Elle. Naiiyak tuloy ako.

"Tanggap ko na" sabi ko at tumingin sa kalangitan.

"Masaya ako para sayo. Narito lang ako ha" sabi nya kaya tumango nalang ako at niyakap sya.

"Salamat" sabi ko.

Hindi rin nag tagal ang mga kamag-anak namin dahil malayo rin ang pinanggalingan nila. Kaya ang ending kami nalang ng mga kapatid ko, Elle, and kambal at ang sb19 ang naiwan rito sa bahay. Sabi ni Elle ay bukas pa raw sila babalik pero ang iba ay uuwi na rin ngayon dahil may work pa.

"Alis na kami" sabi ni Pablo.

"Salamat sa pag punta" sabi ko sa kanila.

Kasama ni Pablo si stell at Justin umuwi sa maynila. Naiwan si josh dahil gusto pa raw nito magpahinga kaya hinayaan nalang nila dahil naintindihan naman nila. Wala pa raw kasi itong tulog simula ng sunod sunod na solo event nya nang dumeretsyo sila rito.

"Pasensya kana, Hindi ka pa tuloy nakapag pahinga" sabi ko rito dahil naiwan sya rito sa isa sa mga Bahay Kubo namin dahil uuwi muna si elle sa bahay nila syempre kasama ang asawa nito.

"Wala iyon. Parang pahinga ko na rin Ang pag punta rito." Sabi nya kaya napangiti ako.

"Pati na rin sa tulong na binigay mo simula't nabubuhay pa si mama pati na rin noong nailibing sya."

"Hm. Masaya ako dahil nakakatulong ako" sabi nya.

"Bakit pala ang mama ko ang napili nyo noon?" Sabi ko dahil kahit ngayon ay nagtataka pa rin ako.

"Lahat naman ng lumapit sa charity tinutulungan namin. At syempre dahil hindi na rin iba saakin si Elle noong sinabi nya ang tungkol sa mama mo inilapit agad namin iyon sa charity para naman makatulong." Sabi nya

Ang bait talaga. Lalo na ni Elle. Hindi nya pa rin kami makakalimutan.

"Salamat ng marami sainyo ni Elle." Tumango nalang sya. Siguro ay naiirita na sya dahil kanina pa ako salamat ng salamat.

Syempre tumatanaw lang ako ng utang na loob kahit wala na si mama malaki pa rin ang naitulong nila dito noong nabubuhay ito..

"Ayos kana ba?" Tanong nya kaya nilingon ko sya.

Ayos na ba ako? Oo? Hindi? O medyo? Pero Kasi masakit pa rin e. At Hindi iyon mawawala.

"Masakit pa rin" sabi ko. Ewan ko pero pagdating sya kanya ang vocal ko.

"Kaya mo yan, may tiwala ako sayo" sabi nya kaya na pangiti ako. "Malalampasan mo rin ito."

Sana nga.

Sana makayanan ko iyon dahil may mga kapatid pa akong pag-aaralin. Kailangan kong maging matapang para hindi mawalan ng pag-asa ang mga kapatid kahit na wala na si mama.

Nakakalungkot man iyon pero kailangan naming tumuloy sa buhay. Kailangan naming sumunod sa agos ng buhay. Hindi dahil mawala na si mama dapat naka freeze na rin kami pero hindi pwede dahil alam kong malulungkot sya kapag naging ganon ang buhay namin magkakapatid.

"Sana nga" sabi ko

"Hindi man kita kilala ng lubos pero alam kong kaya mo yan" sabi nya. Salamat sa tiwala josh.

Napakalaking halaga para saakin na nagtitiwala ka saakin. Maraming salamat josh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My love fades away? Where stories live. Discover now