CHAPTER 35

189 5 4
                                    

BLAKE'S POV

Pagkadampi ng mga labi namin ay pinatagal ko muna ito ng ilang sigundo bago tanggalin,  sana kaso pumulupot  ang mga braso nya saaking batok at mas pinalapit pa sa kanya, unti-unti nyang idinilat ang kanyang mga mata at halata rito ang kalasingan pero...

Unti unti nyang ginalaw ang kanyang mga labi na para bang iniimbita ako na saluhan sya, kahit ayaw kong i take advantage ang pagkakataong ito ay nadadala ako sa bawat halik nya saakin,  kaya mas lumalim pa ito at nahantok sa di inaasahang pangyayari...

(naku alam nyo na yun kayo talaga)

KINABUKASAN

FIONA'S POV

nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, at maynaramdaman akong parang naka dagan sakin,  di ko alam kung  bato bato o tao kasi naman basta di ko alam di ko maalala your honor,  ows sorry my false.

Ang naalala ko lang ay yung binuhat ako ni blake na parang sako at sinakay sa kotse na tapos nun wala na.

Nilingon ko naman kung sinong hinayupak ang nakadagan sakin.

SHIT! SHIT!  NAISUKO ANG BATAAN! TANGINAAAAAAA!

Pano na to! 

Dali dali akong humanap ng damit na pwedeng maisuot yung katamtaman lang saakin, saka kinuha ang mga gamit ko palabas ng condo nya.

Ang malas malas ko nga naman, nasa looban pa yung building na kinatatayuan ng condo nya. Pano ako mag hahanap ng masasakyan nito e ang hirap mag lakad, masakit pa yung pagitan ng hita ko. 

Hayst bahala na ang mahalaga ay makaalis na ako sa lugar nato. Pano nangyare yun, bat naisuko ko.

MANSION

Nang makapasok na akk sa mansion namin ay agad akong sinalubong mga mga babaita.

Agad na nag salubong ang mga kilay ko saka masama silang tiningnan.

"Bakit nyo ko iniwan kagabi kay ano!  Kay Blake!" nagtatampong saad ko sa kanila.

"sorry lasing din kami saka, ano ahmm ano kasi sinundo din kami nila ethan, ace tapos ni dwight" namumula nyang sabi.

"tss, tabi nga dadaan ako, nakakatampo padin kayo." naman nila ako ng pagkaliliit liit na daan sa gitna nila saka pinilit ang sarili ko na makalusot mga langyang kaibigan to kaibigan ko ba talaga sila.

"Sorry na kasi e huhuhuhu" iyak naman ni althea 

"Tss" saad ko bago pumasok sa loob ng kwarto at ginawa ang dapat na gawin.

'what if panaginip lang yun?'
'what if mabuntis ako? pano ko sya haharapin?'
'what if hindi nya panagutan ang bata?' (advance)
'pano kung tumakas nalang ako?'

wow talaga ang dami nang pumapasok sa utak ko gosh. kawalang gana 

FAST FORWARD

Lunes ngayon kaya pasukan nanaman kainis, hopefully di ko na sya makita...

Pagkatapos kong magbihis ay agad na rin akong bumaba ng hagdanan para mag umagahan at nadatnan ko si Daddy na nasa sala nag babasa ng dyaryo.

"Good morning Dad" saad ko sa kanya at nag beso

"Good morning too, ang blooming mo ngayon anak" nakangiting saad ni daddy

"Sus ke aga aga nambobola nanaman po kayo daddy" 

"Ayaw pang maniwala, totoo nga anak" natatawang saad ni daddy saakin saka ginulo ang buhok ko.

"ih daddy naman e" nakabusangot yung mukha ko dahil sa pag gulo nya ng buhok ko.

"osya kumain kana dun, para makapasok kana." masaya naman akong tumango tango sa sinabi nya.

Nang makarating na ako sa Skwelahan ay agad akong nag tungo sa room ko, alam ko naman na maaga pa wala pa yung mga kaklase ko sa room at yung ibang mga estudyante. 

pero natigilan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa loob ng Classroom namin. kaya sinilip ko, chismosa ako e.

natigilan ako dahil sa pamilyar na pigura at ng isang babae na nag...hahalikan. alam kong hindi ko dapat gawin to pero parang may parte saakin na gustong alamin kung sino ang mga taong yon kaya di ako umalis sa kina tatayuan ko at pinapanoon lamang sila. 

di nag tagal ay natukoy ko na kun g sino ang mga taong yun si Blake at si Herra ang mga taong dahilan ng pagka lumo ko nitong mga nakaraang araw, mga taong nanakit sakin nanakit sa damdamin ko.

sa halip na patigilin sila ay pumwesto ako sa harapan sa may teacher's table. I compose my self, conceal my emotions, and control my self not to break down.

"well." saad ko habang prenteng naka upo sa lamesa, di naman ako nabigo, napalingon silang pareho sakin.

"dito pa kayo nag make out sa loob ng classroom, wala ba kayong pambayad sa hotel?" sarcastic kong saad.

"F-Fiona..." tiningnan ko sya ng blangko.

"I don't need your explanation" malamig kong sabi sa kanya.

"baka di pa kayo tapos, ako na mag babayad ng room nyo sa hotel." suhistyon ko sa kanilang dalawa. binalingan ko ng tingin si Herra

"What do you think Herra?" pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Fiona, I can--" lumapit ito sakin saka ako akmang hahawakan, kaya sinampal ko sya ng pagkalakas lakas.

" Shut Up Blake don't touch me, kita ko lahat don't you dare deny it!" sigaw ko sa mukha nya.

"Blake sabi mo ako lang, pero bakit?!" sagaw ko sa pag mumukha nya

"Demonise hear me out-" sinampal ko sya ng dalawang beses, sa katunayan nga e kulang pa yun.

"Klarong klaro saakin ang ginawa mo, ginawa nyo, binigay ko saiyo ang lahat saakin pero bakit namn ganito ang balik mo?! di ba ako enough sayo? may kulang ba sakin?, alam mo Blake? let's end this walang kasal na magaganap." pinal na sabi ko bago ko sya iwanan sa classroom namin

"You'll gonna regret it" 

Mr.  Bad boy was stalking Ms.  Nerdy girl (reposted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon