Mga Pangakong Napako

3.4K 27 23
                                    

Ito ang bagay na hindi ko talaga gusto

Yung mga taong wagas kung mang-uto

Paaasahin ka sa mabulaklak nilang pangako

Tapos yun pala lahat mawawala at mapapako

Yung iba paniniwalain ka pa

Sasabihin ikaw lang ang mahal nila

Tapos magugulat ka nalang sa iyong makikita

Hayun at nakikipaglandian na pala sa iba

Yung iba sasabihin babalikan ka DAW nila

Ikaw naman itong si tanga namuti na ang mga mata

Naghintay ka ng ilang taon sakanya

Malalaman mo nalang kasal na pala s'ya

Mga wagas magpaasa

Mga wagas kung magsalita

Hanep sa mga pangakong binibitawan nila

At sa huli iiwan ka lang nilang nakanganga

Pero sabi nila hayaan mu nalang sila

On the way na daw si karma

Hinahanap na sila isa-isa

At sabi s'ya na daw ang bahalang humusga

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon