Piso

1.2K 8 1
                                    

nagmula ako sa pamilyang mahirap

sa pamilyang pera ang hinahanap

dito kung saan isang kahid isang tuka

at kung magiging tamad ay mababatukan ka

wala kang karapatang magsalita

kung wala kang perang maipapakita

wala kang karapatang magbigay opinyon

kung wala kang narating sa nakalipas na panahon

ang mundo ay umiikot nalamang sa iisang bagay

ito ay ang pera, kung saan marami ang nagawang makapatay

dahil dito maraming lumuha at nangulila

marami rin ang iniwan at namuhay nang mag-isa

pero sa kabila ng lahat ng negatibong bagay

masasabi kong dahil din dito marami ang nabuhay

sa bawat pisong iyong ibinigay na donasyon

isang puso ang napuno ng masayang emosyon

marahil sa mata ng iba ang pera ay ugat ng kasamaan

pero sa isip ng iilan ito naman ang susi sa kabutihan

nasa atin ang desisyon sa bawat bagay na ating gagawin

kaya sa'tin din nakasalalay ang destinasyon ng bawat pisong iipunin.

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon