"Hindi ko naman ginusto"

494 2 0
                                    


wala namang may gustong masaktan.
dahil ang totoo, ginusto lang naman nating magmahal.
wala naman talagang masama sa umibig.
pero ang masama ay ang umibig sa taong hindi pala para sa atin.

hindi ko naman alam eh.
inakala ko totoo ang lahat.
hanggang sa kinutuban ako.
hayun, nalaman ko ang totoo.

nagpakatanga nanaman ako.
eh ano pa nga ba ang bago?
hindi ba't nagiging tanga talaga tayo?
kapag puso na ang nanalo?

walang mali, walang kulang.
puro saya at kilig.
na para bang wala na tayo sa mundong ating ginagalawan.
dahil nawala tayo sa katinuan mula ng payagan nating palitan ng puso ang isipan.

hindi ko naman ginustong masaktan.
nagmahal lang talaga ako.
pero di ko naman akalaing ganito.
minsan ka nalang magmahal sa mali pang tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon