I'm nothing without YOU

1.7K 18 8
                                    

Masiyahin ako noon

Sa mga problema ay madaling nakakaahon

Pero nag-iba na ko ngayon

Hindi na ko tulad nang kahapon

Simula nung nawala ka sa'kin

Hindi ko na kilala ang kaharap ko sa salamin

Nawala na ang lahat sa akin

Kulang nalang madamay pati ang hangin

Wala na kong matinong nagawa

Palagi nalang akong nagwawala

Nag-iba na daw ako sabi nila

Hindi na daw nila ko makilala

Hindi ko na kilala ang saya

Ni hindi ko na nga magawa pang tumawa

Lagi ko nalang kasama ay ang mga luha

At ang mga tanong bakit ka nawala

Hindi na ko magiging gaya pa ng dati

Dahil wala na ang dahilan ko para ngumiti

Wala nang dahilan pa para ako'y manatili

Tatapusin ko na ang lahat sa aking pagbibigti

======================================

PAUNAWA SA MGA READERS wag nyong gayahin ang ginawa sa tulang ito... please lang mahalin nyo buhay nyo.. :)) thanks.... kausapin nyo nalang ako, kesa gawin nyo ginawa ng nasa tulang ito... ok? :)) lovelots i will always be your friend :))

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon