Nararamdaman

3.1K 34 11
                                    

Nung una palang kitang makita

Inaamin ko nagustuhan na kita

Ang lalaking sakin ay nagpahanga

Sabi ko "Ikaw na nga"

Naging malapit tayong dalawa

Naging magkaibigan ang turing sa isa't-isa

Panay ang kwentuhan at tawanan

Laging kasama sa mga kalokohan

Lihim akong humihiling sa my Kapal

Para sa taong aking minamahal

Lihim kitang pinahahalagahan

Kahit alam kong wala akong aasahan

Ngunit isang araw nagbago ang lahat

Puso ko'y biglang nagkaron ng pilat

Dahil unti unti kang lumayo

Ngayon ang mga luha ko'y karamay ang aking panyo

Akin na lamang nalaman

Sinabi sakin ng isa pang kaibigan

Na ang tunay na dahilan sa'yong paglisan

Iyo palang nalaman ang aking nararamdaman

Sana hindi mu nalang talaga nalaman

Para hindi na 'ko umiiyak at nasasaktan

Sana pwedeng bumalik sa ating nakaraan

Kung saan ayos pa ang ating samahan

Pero ngayun wala na talaga

Sayo'y wala na kong halaga

Isa ba talagang malaking kasalanan

Ang umibig sa isang matalik mong kaibigan

============================

hehehe sana magustuhan nyu po

kahit medyo hindi swabe.. hahaha :))

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon