Bagong Kaibigan

4.2K 36 6
                                    

Ako ngayo'y nagiisa

Walang karamay at kasama

Ang mga dati kong kaibigan

Bigla nalamang akong nilisan

Nais kong makahanap

Nang taong sa akin ay tatanggap

Kung sino man ako

At  kung anu ang tunay kong pagkatao

Sana mahanap ko sila

Gagamitin ko itong aking tula

Sana'y kanila itong mabasa

Dahil ito nalang ang aking natitirang pag-asa

Hindi ako marangya

Pero marunong akong magparaya

Hindi ako sikat

At hindi rin naman ako nanga-ngagat

Gusto ko lang ng kaibigan

Dahil s'ya ang aking magiging yaman

Isang bagong kaibigan

Yan ang pangarap nino man

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon