Ang Huling Laban

1.6K 11 5
                                    

Sa isang magulong labanan

Pilit akong lumalaban

Ipinaglalaban ang pangarap na kapayapaan

At tigilan na sana ang malaking kahibangan

Sa bawat panaghoy ng kahirapan

Sa bawat hagulhol ng mga luhaan

Alam kong hindi ito ang magiging katapusan

Dahil mayroon pa ding magandang kinabukasan

Nakipaglaban sa mga dayuhan

Ibinuwis ang munting buhay para sa karamihan

Bumagsak man itong aking katawan

Naniniwala akong babangon din ang kapayapaan

Sa huling hininga ng aking katawan

Inihihingi ko nang tawad ang lahat ng makasalanan

At sana'y ang kanilang puso't isipan ay mabuksan

Na ang karahasan ay hindi ang s'yang kasagutan

Ang alaala ko ay hindi malilimutan

Dahil sa puso ng mga taong aking naiwan

Ang bagay na aking buong pusong ipinaglaban

Ay patuloy na mabubuhay magpakailan man

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon