Chapter 2 : Martinez

188 6 0
                                    

ELERIA MARTINEZ, 24 years old at magtatapos sa kursong Arts. Nag iisang anak ito at ang tanging bumubuhay lang dito ay ang single mother niya. She was helping her mother financially kaya ganun nalang ang pag susumikap nito sa pag tatrabaho bilang painter/ sketcher, bihira lang ang kinikita niya kung may mga tao lang na nagpapa pinta o nag papa drawing sa kaniya. Pangarap nito maging isang sikat na podcaster sa isang radyo o sa isang podcast channel pero dahil sa hirap ay hindi nalang niya pinag patuloy ang pangarap na yun.

Kasalukyan niyang binabaybay ang kahabaan ng kalsada ng makita niya ang isang babae na tila hinaharass.

"HOY!" . Patakbo niya iyong pinuntahan at ganun nalang ang gulat niya ng makitang nakikipag agawan ang babae sa dala dala nitong bag. "Tulong snatcher!!" . Sigaw ng isang magandang babae.

Bahala na! kikitain pa naman to! .Sambit ng isipan niya at walang pagdadalawang isip niyang hinampas sa lalaking snatcher ang hawak niyang easel, isa iyong patungan ng canvass. Kahoy yun at mahaba yun ang ginawa niyang pamalo sa mga snatcher at sumigaw sigaw ito ng tulong. Tumakbo ng mabilis ang mga snatcher at naiwan ang bag na kanina pa nito pilit kinukuha.

"Mam? okay ka lang? sayo po ba ito?" . She handed the bag to the young beautiful lady infront of her.

"Salamat ! i owe you a big debt! Here take this" . May kinuha ito sa wallet at inabot sa kaniya ang iilang libo doon.

"Nako mam, wag na. Mag iingat ka naalng sa susunod ha? madaming gago sa lugar na to kaya wag ka lalabas sa kotse mo" . Paalala niya dito.

"Salamat ah, i need to report this at the police station, may dash cam naman ako for sure makikita ang mukha ng lalaki g yun, By the way im Samantha accardi.."

Magalang nitong tinanggap ang kamay at nakipag shake hands. "Eleria Martinez po. Ria nalang"

"Salamat ria ah, kung di ka dumating baka in dead na..Also my baby.." . Aniya ni samantha sa kaniya at hinawak hawakan ang chanel bag nito.

"Walang anu man po, tutuloy na po ako.. mag iingat ka po sa susunod ah"

"Wait, how can i repay you ba? you saved my life girl.. i should pay you pero ayaw mo.. i want to make bawi sayo.."

ngumiti lang ito sa dalaga . "Sapat na po yung pasasalamat mo..siya nga pala if mag rereport ka po.. two blocks from here may police station po.."

The young woman hugged her and gave her something. "This is my calling card, if you need anything you can call me.. Money or work..Ibibigay ko sayo bilang kapalit ng pag tulong mo.."

"Salamat po..Makakaasa ka po.." .

Sumakay ang babae sa kotse niya at siya naman ay naiwan sa highway at nag aabang ng jeep papasok sa trabaho.

infairness maganda yung babae ah.. Sigaw ng malandi niyang isipan. Tinago nito ang calling card na binigay sa kaniya. Kapag kailangan lang..

"Oh? ria? anong nangyari sa easel mo? bakit hiwa hiwalay na yan?" . Tanong ng kasamahan niyang si tyler.

"Wala, hinampas ko lang sa snatcher kanina.."

"Ano!? bakit!? kamusta ka? okay ka lang ba?" . Aniya ng kaibigan at tinignan siya kung may natamo siyang galos.

"Ang OA, may niligtas lang ako...By the way madami naba customer?"

"Nako dzai, kanina pa ako dito pero nga nga pa din.. oo nga pala may letter na dumating kanina dito..nasa taas ng mesa mo"

Binuksan niya ang letter na yun at ganun nalang ang saya niya ng makitang isa siya sa mga napiling maging intern ng isang kilalang jewerly company.

"Yes!!"

Habang nag aayos ng gamit ay inaalala niya yung babaeng kanina ay tinulungan niya, hindi pa din siya mapanatag dahil baka balikan ito ng mga snatcher kanina.

ELERIA POV

Kinuha ko ang calling card na binigay ng babae kanina, triny kong nag message at kamustahin siya. Kamustahin ah.. kalandian ria.. .Sigaw ng isip ko , pero sa totoo lang ang cute niya din talaga although may pagka maarte pero sakto lang din kasi bagay naman, naaayon sa itsura ang kaartehan. hihi

Ano nga ulit name niya...?

ahhhh Samantha..

To: Miss S.
Hello this is ria po, nakauwi kana po ba? nakapag report kana po ba sa police?

Ilang minuto ay nag ring ang phone ko. Tinignan ko yun at si Mam Samantha ang tumatawag .. Kilig yern?

"Hello Ria!" . To the max ang energy nitong babaeng to yun bang tipong akala mo close na kami. Napangiti ako ng marinig ang masayang boses niya sa kabilang linya.

"Hello miss samantha.. Kamusta po?"

"Im already home, my sister picked me up..Salamat talaga kanina ah, are you free tomorrow?"

Luh wag ka ganyan mam..baka ma fall ako! eme..

"P-po? "

"Gusto kitang ipakilala kay ate, she was asking about you..She want to say thank you for what you did earlier, pero gusto ka daw niya mapa salamatan sa personal"

Natuwa naman ako sa sinabi niya knowing na makikilala ko pa yung ate niya, She was a kind of a person na mayaman pero hindi tumitingin sa estado ng taong nakaka salamuha niya or nakkasama niya. Hindi na ako mag tataka kaya na hold up to kanina e. Sobrang friendly..

"Nako nakakahiya naman po, pero sige po mam..Saan po ba?"

"I'll text you the address by lunch daw sana kung pwede ka?"

Masaya akong pumayag dito. Crush ko na siya hehe..

"Sige po mam.."

Binaba nito ang telepono at sinend sa akin ang lokasyon ng meet up place namin bukas.








Sa dinami daming tao sa mundo ay talagang dito niya masasabi ang salitang Love at first sight Aminado siyang sa unang pagkikita nila ng dalaga ay para bang may kung anong kilig siyang naramdaman dito. Samantha accardi..

Kasalukuyan itong nasa harap ng hapag kainan at nakaharap sa laptop niya, Pinag mamasdan niya ang larawan ng dalaga. Sa sobrang curiosity niya ay sinearch niya ang pangalan nito sa internet at ganun nalang ang gulat niya ng makitang isang modelo at architect ito.

"Infairness ah.." . Aniya nito sa sarili habang kumakain. Sa edad na twenty eight ay naging isang kilala na tao si Samatha Accardi sa larangan ng Fashion at modeling. Nakapag tapos din ito sa harvard bilang isang architect. Ganun nalang ang pagka mangha niya sa dalaga.

"Anak? bakit parang kinikilig ka diyan?" . Aniya ng ina nito na kararating lang galing trabaho. "Wala ma.." . Sagot nito at sinalubong ng pagmamano ang nanay.

"Kain kana ma, may binili po akong tocino tsaka tuyo" . Tinabihan siya ng nanay nito at pinagsaluhan ang pagkaing naka lahad sa mesa.


Sa sobrang excited na makita ulit ang dalaga ay halos abutin siya ng madaling araw bago matulog. See you tomorrow crush...aniya niya sa sarili.

Sweet Temptation (GxG)Where stories live. Discover now