Chapater 10 : Secret Lover

166 7 0
                                    





TATLONG araw na ang nakakalipas simula ng makabalik sila ng manila, Tapos na din ang internship ni ria bilang designer sa ACC, Pero nag stay ito dito dahil dito na siya ngayon nag tatrabaho, Balik na din ang pagka busy ni Kai sa mga gawain niya bilang presidente ng ACC.

They both still hiding their relationship dahil sa company rules na sinet niya sa kumpaniya.

Kinuha niya ang cellphone at sinimulang i message si ria na ngayon ay busy sa editorial Department.

To ria baby..:
Come to my office.. i miss you..

From ria baby:
I can't may tinatapos pa po ako..

Kunot noo niyang tinitigan ang reply ni ria sa kaniya at tumayo sa swevel chair niya. Tinungo niya ang department nito.

"Miss martinez, report to my office" . Puno ng awtoridad ang boses nito at lumabas ng nakangiti sa department.

Pag pasok ni ria ay pinagka titigan lang siya nito.

"Really? in the middle of my work? Kai.. alam mo namang may hinahabol akong design e.." . Pag mamaktol nito sa kaniya.

She can't resist ria's cuteness at nilapitan niya ito at niyakap. "I miss you babe.."

Sa tatlong araw na lumipas ay hindi na kasi siya pinatagal manligaw ni ria at sinagot siya nito. Kaya ganun nalang din ito ka obsessed sa girlfriend niya.

"babe..Tigil mo nga yan mamaya may maka kita sa atin e" . Pilit na tinatanggal ni ria ang kamay niya sa pagkakayakp dito.

She start kissing ria at inihiga ito sa sofa.

"Can we do it here babe?" . Malanding tanong niya sa kasintahan.

"Babe..mamaya-"

She gently give ria a kiss on the neck. At lumakbay ang labi nito pababa sa tyan ng dalaga, Nasa ganito silang posisyon ng may kumatok sa pinto.

"Nakalimutan ko i lock yung pinto...!" . Aniya ni ria at dali dali silang bumalik sa pag kakaayos at inayos ang parehong damit.

"Mam? may ipapa-" . Bumukas ang pinto at si denver ang pumasok doon.

"Denver!" . Pareho nilang sambit. Tanging si Denver lang kasi ang nakaka alam sa relasyon nilang dalawa.

"Sorry love birds, did i interrupt you guys?" . Pang asar nito. Nilapag lang ng sekretarya niya ang papeles na ipapasa sa kaniya at nilisan ang opina nito.

"Next time mag lock kasi kayo" . Pahabol nito at ito na din ang nag kusang mag lock ng pinto. Parehas lang silang natawa sa nangyari.

"Come to my condo later babe.." . Sambit niya sa dalaga.

"I can't babe..Did you forgot? ngayon ang birthday ng papa ni lux, imbitado ka doon diba?"

Tinignan nito ang kalendaryo at napa tango. "yeah.. But you can come with me babe.. please?.."

"Babe.. Sasamahan ko nalang si jilian sa bahay.. Alam mo naman reason diba?.. tsaka ma bobored lang din ako doon, puro kayo business minded doon e" . Pabiro nito sa kaniya. Isang mahigpit na yakap at halik ang binigay sa kaniya ng dalaga.

"Next time okay?" .

"okay po.." . Pa baby niyang sagot kay ria.




ABALA ang lahat dahil sa bagong desenyong ilalabas ng ACC para sa international Jewerly expo. Kahit ang Editorial Department kung nasaan si ria ay abala din, mas abala ang mga ito kumpara sa ibang departamento ng kumpaniya.




RIA's POV

"Sige yan, pwede na yan.. Lagyan mo lang ng details ha?" . Aniya ni mam kim sa akin. Abala kaming lahat dahil ilalabas na ang desenyong nagawa namin sa nalalapit na International Jewerly Expo. Napili kasi ang Acc bilang may pinaka magandang desenyo pag dating sa alahas.

"Guys.. Pinadala ni sir denver oh, galing daw kay madam president.." . Aniya ni sir patrick na may dala dalang malaking pizza at fries na may softdrinks.

"Kain muna tayo guys.. One hour break muna.." . Aniya ni mam kim na nauna ng sumunggab sa pagkaing dala ni sir patrick.

Abala ako sa pag liligpit ng drawing ko ng may text akong nataggap galing kay Kai.

"Eat first..Para sa inyo yan babe..Kumain ka ng marami ah? im gonna leave for a meeting..i love you"

She never failed to update and take care of me, sobrang green flag nitong jowa ko na to eh. Masaya kong tinungo ang lamesa kung saan ay kumakain na sila.

"Infairness kay madam president ah, ngayon lang yan ganyan.. Pang dalawang araw na niya tong ginagawa.." . Aniy ni mam kim habang kumakain.

Hindi ako umimik at mas nakinig lang ako sa usapan nila. , totoo kasing nag papadala na ito ng pagkain this past few days eh. Nag aalala nga ako baka maka halata silang lahat sa amin.

"Maiba tayo.. diba dapat magalit si madam sa inyong dalawa?" . Turo ni ate sonya kay Sir Patrick at mam kim.

"H-huh?" . Utal utal na sagot ni sir patrick.

"Umamin na kayo, tayo tayo lang naman nandito e, ikaw kim? wala bang sinasabi si mam sa inyo? diba nahuli niya kayong dalawa sa stock room?" .

Ate sonya tell every scenarios na nalaman niya galing sa dalawa, Nakita kasi ni kai itong dalawa na magkasama sa stock room at nag lalandian daw, pero himala at walang meeting na naganap tungkol dito.

"Ate sonya naman e.." .

"Baka kaya nagpapadala ng pagkain kasi baka last day niyo na ngayon?"

Mangiyak ngiyak si mam kim sa sinabi ni ate sonya.

"Naalala niyo si Kath? tsaka si Lloyd? diba terminated na agad? patay kayong dalawa" . Mas natakot sila dito.

"Hindi naman ata". Singit ko sa usapan nila.

"Nako ria, di mo lang alam kung gaano ka strict si mam kaila, Number one rule yan, no office romance.."

Eh bakit ako? so pwede na ako ma terminate?

"Diba ria close naman kayo ni madam? sabihin mo naman.. Kausapin mo naman.. ayaw ko pa mawalan ng trabaho..." . Pg mamakaawa nito sa akin.

Kahit ako ay di ko alam ang isasagot ko sa kanila. Pero i'll do my best para hindi ma terminated si mam kim at sir patrick.

"S-sige po.. kakausapin ko.."


Panindigan mo yan ria..

Paniguradong kakalat sa buong department yun.. Kaya dapat mas maaga ng maagapn. Naging malapit na din sa akin si mam kim at sir patrick. Ayaw ko ding ma terminate sila.

Sweet Temptation (GxG)Where stories live. Discover now