Chapter 4

147 6 0
                                    



Takbo Lakad ang ginagawa ni Ria na dahil konting oras nalang ay malalate na siya sa unang araw ng internship niya. Nakalimutan nitong ngayon mag sisimula ang internship niya sa ACC JEWERLY , Napasarap kasi ang tulog niya kagabi dahil medyo nag tagal din itong kausap si Samantha sa telepono.

"Para!! Para!!" . Paulit ulit nitong sambit sa mga dumadaang jeep pero lahat ng yun ay punuan.

"Para!" . Sa pangatlong pagkakataon ay hindi na naman siya nakasakay. Hulas na ang make up nito pero wala pa din siyang masakyan. Habang nasa kalagitnaan ng pag hihintay ay may sasakyang pumarada sa harap nito. Bumukas ang bintana ng kotse at ganun nalang ang pagka gulat niya ng makita ang ate ni samantha, Si Kaila.

"Saan punta mo? bakit parang pauwi kana?" . May pang iinsulto ang pag bigkas nito sa kaniya.

"S-sa Acc po, internship ko po ngayon."

"I see, malalate kana?"



ELERIA POV

Tinanong niya ako kung malalate na ba daw ako, obvious naman diba?

"A-ah opo eh.."

"Then hop in, along the way lang ang punta ko..I'll drop you there" . She sounds cold pero bahala na, ang importante hindi ma late sa unang araw.

Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan at walang ni isa sa amin ang gustong mag salita hanggang sa marating ang ACC.

Bumaba ang driver nito at pinag buksan ako ng pinto. Infairness ah.. cute din siya. Sigaw ng malandi kong isip.

"S-salamat po mam" .Pasasalamat ko sa kaniya at tumango lang ito bilang sagot.

Tingala kong tinanaw ang kabuohan ng ACC Building, Sobrang laki neto! Siguro mayaman din sobra yung may ari nito.

Dali dali na akong pumasok ay inayos ang sarili ko. Pinapasok naman ako ng mga guards ng makita ang letter on internship ko galing sa ACC.

"Okay.. Listen, Today you'll meet the president of Acc Jewelry company. I must remind all of you of acc's house rules"

Nakatuon ang tenga at mata ko sa isang babaeng nag sasalita sa harapan namin. "First, Wag na wag kayong malalate, if mauna pa si madam president sa inyo.. that's the last time you'll step here. Second, No phone during working hours.. And third, No office romance.. kaya kung mag jojowa kayong lahat ay mas mabuti pang kayo na ang umiwas sa isa't isa.. Nag kaka intindihan ba?"

Lahat kami ay tumango at nag agree sa Company rules nila. Grabeng rules yan ah..

"Hi!" . Aniya ng babaeng medyo weird dahil sa makulay nitong pananamit. "H-hello po.." . Sagot namin dito.

"Im kim! Im the head designer sa editorial department, im gonna be your mentor din.. Sino dito si Daniel Cruz, Eleria Martinez at Cristine sanchez? Sumunod kayo sa akin..."

Dali dali naming sinundan yun, pag pasok namin sa editorial Department ay sobra akong namangha sa mga tao doon, Ang gagaling nilang mag drawing at mag design ng mga alahas.

"Dito ang working station niyo, You can help on designing too, pero mas prefer ng department dahil sa intern kayo ay mag tutulungan lang kayo ng pag pasa ng mga design sa head secretary.."

Matapos nito kaming itour sa bawat station ng editorial department ay masaya na naming sinimulan ang trabaho namin. Habang busy kami sa pag dedesign ay masaya naman kaming tinuturuan ng iilang tao nila, kung titignan para silang kawawa dahil sa mga itsura nitong parang ilang linggo ng walang tulog.

"Nice! ganda naman ng design mo, what's your name again?" . Aniya ni mam kim sa akin na ngayon ay nakatitig sa eme eme kong design.

"Im Eleria po, ria for short..Eme eme lang po yan mam hehe"

Sweet Temptation (GxG)Where stories live. Discover now