Chapter 6

3 0 0
                                    


"Hi classmates! Maybe some of you still knows us and as we come back again, we are going to have a party this Saturday at Walters', 7 pm onwards and we are inviting everyone to come and join us. Bar yun pero huwag kayong mag-alala dahil hindi naman required uminom since marami ring foods doon at tutugtog din kami. Para rin siyang acquaintance party since most of our visitors are also from grade 12 students pero sana makita ko lahat ng mga mukha niyo doon. Pwede rin kayong magsama ng ibang friends ninyo doon. Everyone is welcome and hope to see you all there, kung hindi magtatampo talaga ako." , pag-alala ko sa mahabang linya ni Cyrus nung Friday sa klase namin.

"Umayos ka nga Hansel! This is just a party, hindi naman tayo iinom—"

"Oh cut your lines! Pumunta ka na doon at hayaan mo na ako dito dahil ayoko talaga.", putol ko dito.

"Pero Hansel tayo-tayo rin naman ang nandun.", pagpupumilit pa niya.

"Ayun nga kaya tinatamad din ako tsaka hindi rin naman ako hahanapin dun dahil panigurado akong mag-eenjoy kayo doon."


"Pero Hansel—"

"Sige na Sasha, enjoy-in mo na'to lalo na at nandun yung Raijan mo. Ang hot mo pa naman dyan sa suot mong yan!", nakangiti kong sabi dito. Hapit na hapit ba naman kasi sa kanya ang damit niyang napakaikli.


"Fine! Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo at bigla mong tinanggihan. Bar? For real tinanggihan mo?", nagtataka pa kunwaring aniya.


"Hindi ba pwedeng bagong-buhay lang?"



"Neknek mo! Oh siya sige na aalis na'ko at baka magsisimula na yun. Kapag nagbago isip mo, isang text mo lang susunduin kita dito.", aniya pa at natatawa akong tumango. Impossible! Ikaw pa na once na nakainom, wala ng paki alam sa paligid.




"Mag-iingat ka! Itetext ko mga kaklase natin na bantayan ka!"



Binilin ko pa ito bago siya tuluyang umalis. Pinilit pa ulit ako pero kilala niya akong hindi nagpapapilit dahil madali lang akong kausap. Kapag gusto ko, gusto ko at kapag ayoko, ayoko talaga. Pero wala siya masiyadong alam sa nakaraan ko lalo na at hindi siya mahilig magtanong sa nakaraan ng isang tao unless magkukusa kang magkwento sa kanya.


Napatitig nalang ako sa kisame dito sa sala ko nang marinig ko ang pag-alis ng kotse niya. Walters' , bakit kasi doon pa? Bukod sa wala ako sa mood mag-enjoy ay maraming ala-ala sa akin ang bar na yun na hindi alam ni Sasha.


Pero anong gagawin ko dito?


Ayoko mang maiwan mag-isa dito pero ayoko ring may bumalik na mga ala-alang masasakit. Ngayon pa nga lang, naaalala ko na ang mukha niya, nila. Hayst.


"BEEP! BEEP!", nagising nalang ako bigla sa dalawang magkasunod na busina.



Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa at kinusot muna ang mga mata bago tuluyang lumapit sa pintuan at buksan ito.


"Anong ginagawa mong alien dito?"


"Ikaw, anong ginagawa mo dito?", balik tanong nito.

"Bahay ko'to kaya pwede ka ng umalis.", sabi ko at pumasok sa loob at akmang isasara ang pinto nang harangan niya ito ng kamay niya.


"Ano bang kailangan mo? Akala ko ba ay nagpaparty na kayo doon?", sunod kong tanong at dumeretso sa sofa at naupo ramdam ko naman ang pagsunod niya at tumayo siya sa harapan ko.


Safe PlaceWhere stories live. Discover now