"Good morning Hansel!", ani ni Sasha nang makalapit ako sa kanya.
"Morning Sasha! Ba't hindi ka pa pumasok?"
"Of course I'm waiting for you!", maarteng saad nito at kumapit pa sa braso ko at inakay ako papuntang classroom namin.
Ang daming student na nagkalat sa paligid at may kanya-kanyang mundo. Magkahalo kasi ang junior at seniors dahil magkatapat lang naman ang building namin at ng mga junior. Simple lang kasi ang high school campus namin pero sobrang lawak. Tapat ng kalsada ang napakalaking gate kaya pagpasok pa lang ay gate na agad ang bungad. Kapag may sasakyan ka o motor man o bike ay sa underground ang parking na makikita mo rin ang daan sa right side mo pagpasok ng gate. Mahigpit ang security at bantay doon kaya safe naman lahat doon. Quadrangle din agad ang bungad pagpasok, sa left side naman ay napakalawak na gymnasium at social hall. Pagkalampas naman ng quadrangle ay ang oval na pinagigitnaan ng building ng juniors at seniors kaya medyo magkalayo ng konti at sa dulo ng oval naman ay ang clinic na katabi ng library na may garden pa pero hindi mo makikita dahil nasa likod na ito. Ang canteen naman ay nasa first floor ng bawat building.
Ang totoo ay may elementary at college campus din ang Lavin University. Ang elementary ay medyo may kalayuan dito habang ang college campus naman ay sa tabi lang ng campus namin. Mas malawak ang sakop ng campus ng college nila dahil maraming kurso ang inooffer nila dito at hindi rin kasi masyadong mahal ang tuition fee dito kaya maraming estudyante ang nag-aaral dito.
"HANSEL!", napatakip nalang ako ng tainga sa lakas ng boses niya.
"Bakit?"
"Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot. Ano bang iniisip mo?", naiinis ngunit kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya iniiwas ko naman ang tingin ko.
"Wala nagmonologue lang."
"Geh ituloy-tuloy mo yan.", pang-aasar naman niya na ikinatawa ko. Natatawa ako sa mukha niya. "Heh! Bilisan mo dyan dahil malelate na tayo."
Binilisan nga namin ang paglalakad at laking pasalamat namin dahil wala pa ang adviser namin.
"Tabi tayo Sasha!", sabi ko dito nang makapasok.
"Hanselllll!!!", gulat akong napatingin sa sumigaw ng pangalan ko at napangiti nalang dahil sa sabay-sabay nilang paglapit at pagyakap sakin. Hindi man lahat pero nanatili namang nakangiti sa akin ang iba pa.
"Grabe namiss ka namin!", ani ng isa na sinang-ayunan naman ng iba.
"Kahapon wala namang yumakap sakin ah?", natatawang tanong ni Sasha na tinawanan naman ng iba.
Nagchikahan pa kami saglit nang biglang umingay ang paligid pati na rin si Sasha sa tabi ko na tinatawanan ko lang. Alam kong parating na yung Serenity Band kaya napalingon din ako sa pintuan at nakita ko ang limang nagguwapuhang lalaki at kahit sino siguro ay mahuhulog ang panty kapag tinitigan ka ng isa sa kanila.
Nakangiti naman ang lahat ngunit kitang-kita ko kung gaano kapilit ang ngiti ng isa sa kanila, yung nasa likod na pakiramdam ko ay ito ang pinakamatanda sa kanila at ang isa namang lalaki sa tabi nito ay nasobrahan sa ngiti na akala mo ay kumakandidato at minsan pa ay kumakaway, ang dalawa naman sa unahan nito ay parehong nakangiti bagaman nakakunot ang noo ng isa sa kanila at ang nasa harapan naman ay kung kani-kanino nakikipag flying kiss, flirt!
Iniiwas ko ang tingin ko at binalewala ang bulungan sa paligid ko tsaka binalingan si Sasha na biglang nanahimik at parang nagmumukmok pa na may kung ano-anong binubulong.
![](https://img.wattpad.com/cover/371357656-288-k43fe42.jpg)