"Good morning class!", naagaw ni ma'am ang pansin namin kaya naman ay umayos ako ng upo at bahagyang napalinga ang mga mata. Bakit wala pa si Sasha?Ititext ko sana itong nandito na si ma'am habang nagchecheck ito ng attendance pero nakita kong may text na pala siya sakin kanina pang 1 hour ago. Hindi ko napansin.
Sasha♥️:
Good morning my Hansel♥️ Hindi muna ako papasok ngayon dahil ihahatid ko muna sila mommy at daddy sa airport, wala kasing maghahatid sa kanila dahil nagkasakit si Mang Tonyo. Hindi na rin ako papasok dahil may pinapaasikaso si mommy na pupuntahan ko daw mamaya at hindi pwedeng ipagpabukas. Mag-iingat ka sa pagpasok! Mwahh😘To Sasha:
Kakabasa ko lang, basta mag-iingat ka kung saan ka man magsususuot.Tanging naireply ko sa kanya dahil tapos na si ma'am na magchecheck ng attendance. Sstrikto kasi ito pagdating sa paggamit ng cellphone sa loob ng klase niya.
"Nakapagdesisyon akong gumawa ng seatplan pero ibinase ko lang ito sa mga apelyido ninyo para walang magreklamo at itong seatplan na ito ay para sa lahat ng subject ninyo maliban lang kung gustong palitan ng ibang subject teacher ninyo sa oras ng kaniyang klase.", aniya at umungot pa yung iba pero wala kaming magagawa. Hindi rin kasi namin inaasahan ito dahil nung huli naman ay walang seatplan na ginawa si ma'am. "Tumayo muna kayo sa likod at iisa-isahin kong tawag ang mga apelyido ninyo. Pero bago ang lahat, sino ang mga may problema sa mata o mga nearsighted dito? O yung mga gustong maupo sa harapan ay maaari kayong maupo dito sa harap bago ko umpisahan ang pag-aassign ng oermanenteng upuan ninyo sa loob ng academic year na'to.", aniya kaya naman pumunta sa harap yung ibang estudyante na alam kong may problema sa mata at ganon din ang mga tahimik na kaklase namin. Mahigit 40 kami dito sa section namin pero kahit gaano pa katahimik yung iba ay hindi namin pinaparamdam na iba sila. Kakaiba ang section namin dahil mapagmahal silang lahat pero ramdam kong doble ang pinaparamdam nila sa akin.
Gaya nga ng sabi ni ma'am ay alphabetical order kaya naman magkalayo kami ng upuan ni Sasha. Hindi ako sanay pero wala akong choice.
"Salvacion, dito.", ani ma'am at tinuro ang katabi ng bintana na ikinangiti ko ngunit kusang nawala ang ngiti ko dahil sa kasunod na nangyari. "Mr. Salvador, next to Ms. Salvacion."
"Hi seatmate!", pang-aasar niya pero tinalikuran ko nalang at naupo sa upuan ko at ramdam ko naman ang pag-upo nito sa tabi ko. May espasyo naman sa pagitan namin dahil pang-isahan ang inuupuan namin pero yung katotohanang makakatabi ko siya sa loob my halos isang taon? Gosh! Maingay pa naman 'to! At ayoko ng maingay kapag oras ng klase. Nasa likod pa naman kami kaya panigurado ay dadaldal ito o puro pang-aasar na naman.
Ito rin ang isa sa hinahangaan ko sa section namin. Kapag oras ng klase ay oras ng klase, hindi lahat ay matalino pero lahat ay masisipag mag-aral. Gaya na lamang nitong pagdating ng banda ng alien na'to, tumitili sila, oo pero nakalugar dahil kapag nasa loob na kami ng paaralan ay nakakapagpigil sila ng kilig o hiyaw o kung ano man na ingay. Halos yung nagsisigawan na lamang ay yung ibang section at ibang strand at karamihan ay nasa juniors pa. At isa pa kailangang magfocus din kasi kami ngayon dahil graduating na kami at hindi biro ang hirap na makakasalamuha namin ngayong taon.
"Okay, that will be your permanent seatplan. And before this day ends, I want you to elect new class officers for this academic year.", aniya kaya nagbulungan na naman ang mga kaklase namin na tila nag-uusap kung sino ang iboboto nila.
"President, Vice President, Secretary, Assistant Secretary, Treasurer, Auditor, P.I.O., Business Manager, at Sergeant-at-arms. At idagdag pa natin ang Muse and Escort.", aniya at napatango naman kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/371357656-288-k43fe42.jpg)