Chapter 6:

1.4K 37 17
                                    




Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong mga panahon na hinayaan mo lang akong umiyak at humagulhol nang magdamagan habang nahihirapang huminga
hanggang sa mag umaga.

                                                        - Ginoongp


MALOI'S POV




"Loi this is not you anymore, you're not a monster" Saad ni stacey habang nakasunod sa akin habang naglalakad palabas ng korte. "Matagal ng patay si maloi kasama ng pagpatay nila sa anak ko." I said looking seriously at stacey.



"Sa tingin mo masaya si nami pag nakita niyang ganito ka? People are saying na you are monters in court. Alam kong binabayaran ka nila ng malaki para mambaliktad ng mga taong wala namang kasalanan." Napahinto ako sa paglalakad nang makalabas kami. "Stacey, yung pagkamatay ng anak ko naawa ba sila? Sinara nila ang kaso ng anak ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang lintik na yun!"




"Gumaganti ka sa ibang tao just because until now hindi pa rin nabibigyan ng husitisya ang pagkamatay ni nami? Gosh maloi."




"Kung yun ang makakawala ng sakit na nararamdaman ko staks—oo!" Kaagad kong pinunasan ang luhang tumulo. "Hanggang ngayon masakit pa rin, isipin mo yun they call me One of the greatest lawyer pero hindi ko mabigyan ng hustisya ang sarili kong anak." Patuloy ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at umalis na ako.







Napadaan ako sa isang dangwa, binababa ko ang bintana ng kotse ko at pinagmasdan ang mga bulaklak. Napatitig ako sa kulay dilaw na mirasol, hindi ko maiwasang maaalala ang mga araw na dinadalhan ako ni colet ng isang bouquet ng sunflower dahil alam niyang paborito ko ang kulay dilaw na bulaklak.







"May bisita kang galing sa medtech depart." Kinalabit ako ng katabi kong kaklase ko. Napalingun naman ako sa pintuan nakitang nakatayo doon si colet habang may dala-dalang bulaklak.



Ngumisi ako sakaniya at kumaway. Kaagad akong lumapit at niyakap siya.




"Napadalaw ka?" Tanong ko pa. "Flowers for you" Saad niya sabay abot sa bulaklak.



"Alam na alam mo talaga ang paborito kong kulay" I chuckled softly habang nakatitig sa bulaklak. "Syempre, I should know what's your like at hindi mo gusto"



"Tumakas ka naman siguro sa isa mong subject" I rolled my eyes."Hindi, this nagpaalam na ako hehe na mag c-cr" Pinigilan kong hindi matawa dahil sa ginawa niyang reason.




"Kahit kailan ka talaga" Kinurot-kurot ko yung bewang niya. "Sorry na, miss na kita eh" Tinaas baba niya ang kilay niya na parang nag aasar.



"Ewan ko sa'yo, bumalik kana doon baka hanapin ka ng prof mo" Saway ko. "Kiss muna" Nag pamewang ako, tumawa naman siya pero bago siya tumakbo ay hinalikan niya muna ako sa pisngi.



Stubborn.






Marahan kong sinira ang bintana at nagpatuloy sa pag d-drive. Alam kong hindi ko na kayang ibalik ang mga bagay na nasira na pero mananatili ako hanggang sa mabuo ko ulit.




BLIND IN LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon