Prologue

0 0 0
                                    

Prologue

PRINSIPYO

Isang apat na sulok ng kwartong kinasasadlakan ng isang babaeng umiinda sa sakit dahil sa kanyang panganganak... Ay isang pag-asang namumutawi sa bawat puso ng mga taong nakangiti habang pinagmamasdan ang paglabas ng ulo ng isang sanggol palabas sa kanyang Ina.

Umugong ang malakas na ungol at pag iyak ng isang sanggol sa loob ng kwarto. Hindi mapigilan ng mga nakasaksi ang pag ngiti dahil sa tuwa at galak na kanilang nararamdaman dahil sa kanilang nasasaksihan.

" It's a beautiful baby girl. " Isang mahinang sambit ng doktorang nagpapaanak sa babae.

" Wait. There's another one. " nagugulat na sabi ng doktora at marahan na nilapag ang sanggol na unang lumabas sa sinapupunan ng kanyang Ina.

" Push!! " Pasigaw na sabi ng Doktora na tinugunan naman ng isang malakas na pag ungol at pag-iri ng babae.

" Parang hindi ko na kaya! " Sigaw ng babae habang mahigpit na nakahawak sa kanyang hinihigaan at marahang umiiling dahil sa pagod at sakit dahil sa panganganak.

" Huwag mong sabihin yan. Kaya mo yan , Ma'am... Iri lang po kayo. Matatapos din po ito.. " pagpapalakas ng loob ng isang nurse sa babae pero hindi siya nito tinignan man lang dahil sa sakit na nararamdaman.

" Ayoko na! " Muling pag sigaw nito habang umiiri ng malakas .

Pagkalabas na pagkalabas ng huling sanggol ay hinimatay ang ina dahil sa pagod at sakit na nararamdaman. Na hindi natingnan ang mga anak na lumabas galing mismo sa kanya.

" What a beautiful angels we have here. Isang biyaya ng langit at ng Panginoon. " sabi ng isang nurse habang nililinisan ang dalawang sanggol.

Sa labas ng silid ay nandoon ang asawa ng nanganganak. Isang magandang lalaki na kahit may kaedaran na ay hindi naman matatangging may itsura ito.

Nag-aalala habang pabalik balik ang lakad sa hallway dahil sa pag-aalala. Lumabas ang doktorang nagpa anak sa asawa niya na may mga ngiti sa labi kaya dinaluhan niya kaagad ito.

" It's a success. You have 2 Beautiful Angels . Congratulations. " nakangiting anunsyo ng ginang na nagdulot ng dahan dahang pagka wala ng ngiti sa labi ng lalaki.

" A-Ano pong sabi niyo? " nahihiyang tanong niya pa sa doktora na mas nagpa ngiti sa ginang.

" Oh? You didn't know that? You have a 2 Beautiful baby girls. Congratulations again. I'll go a head . " sabi ng doktora that made the man stand so still . Parang nakalimutan niyang huminga dahil sa impormasyong natanggap niya.

Habang nakatayu doon at hindi padin ma proseso ng utak niya ang lahat ng mga nalaman ay doon dahan dahang bumukas ang pintuan na pinaglabasan ng Doktora at ilang mga Nurses kanina.

Dahan dahan siyang tumingin doon at nakita niya doon ang dalawang anak na tulak tulak ng isang Nurse na babae. Nakangiti lamang sa kanya ang babae .

" E ta transfer lang po namin si Mommy sa isang room at mas lilinisan pa ang twins . Doon nalang po namin e dederetso sa room po ninyo mamaya. Congratulations sir. " Sabi ng babae habang naglalakas palampas sa kanya.

Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya habang nakatingin sa dalawang inosenteng sanggol na magka mukhang magkamukha .

Hindi naman kataka takang may tuwa sa kanyang puso dahil mga anak niya iyon.. Pero dahil sa naiisip niya at maiisip ng pamilya nila kapag malamang ang anak na hinihintay nilang lahat ay dalawa pala.

Isang pamilyang sagrado. Isang pamilyang may prinsipyo. Isang prinsipyong hindi ikatutuwa ang balitang may anak siyang kambal. Isang pamilyang may mga tradisyon at mga pinanghahawakang turo ng mga ninuno ng pamilya.

The Omission Of Tomorrow.Where stories live. Discover now