Kabanata 3

1 0 0
                                    

Kabanata 3

Aurora Gabriela Dela Vega POV.

Nagising ako dahil sa humahaplos na kamay sa pagmumukha ko. Alam ko na iyon kung sino iyon kahit hindi man ako dumilat ngayun. Napangiti ako at dinig ko naman ang pagtawa ng taong iyon.

" Stop pretending , Gabriela. I know you're awake. " He whispered that made me chuckle at dumilat ako kaagad.

I hug him so tight. Nakauwi na si Itay. Nakita ko namang may mga paper bags at supot siyang dala dala.

" I have something for you. " He said na mas ikinahigpit ng yakap ko sa kanya.

" I miss you po Papa. " I whispered that made him laugh again.

" I know. Sige na , hindi na ako makahinga sa higpit eh. " pagbibiro niya pa kaya lumayo ako sa kanya at hinampas siya ng mahina sa dibdib.

" Bumangon ka na diyan at kanina pa naghihintay ang Mama sa baba. " he said na ikina tango ko at dumeretso na ako kaagad sa labas ng kwarto ko para maligo . Dinig na dinig ko naman ang paglalambingan nila sa baba kaya mas napangiti ako.

Bumalik ako sa kwarto ko at doon nag bihis ng damit ko. At lumabas ng kwarto ko para bumaba. Nakita ko namang sumasayaw ng sweet dance si mama at papa gamit ang luma naming radyo. Napapangiting lumapit ako sa kanila at yumakap at sumayaw din.

" Napakasarap dito. Gusto kong mas manatili dito. " dinig ko pang sabi ni papa samin ni mama na ikina ngiti naman ni mama sa kanya ng malungkot. May mga tingin si mama kay papa na sila lang ang nagkaka intindihan kaya lumayo na ako sa kanila at pagmasdan nalang silang sumasayaw dalawa.

" Nagugutom na po ako. Mamaya na po kayo mag lambingan sa harap ko. " pagbibiro ko pa sa kanila at tinungo ang radyo para patayin iyon. Narinig ko na namang nagtawanan sila dahil sa reaksyon ko.

" Kumain na tayo at nagrereklamo na ang anak natin Mahal. " dinig ko pang bulong ni papa kay mama.

" Naririnig ko po kayu. " sabi ko at tumatawang naglakad papuntang hapag namin at nakangiting umupo doon.

Nakita ko namang madaming masasarap na ulam ang nasa harap ko. Parang may mag bibirthday dahil sa dami ng handa. Mukhang makakarami na naman ako ng kain neto.

Kumain lang kami ng kumain ng masaya at nagkwentuhan lang din ng may mga ngiti sa labi. Madaming kinekwento si daddy at todo kinig lang kami ni mommy. Tatawa kung may mga biro siyang sinasabi at hahagikhik din kami.

Hanggang sa pag huhugas ay nandoon lang kaming tatlo sa kusina. Nagtutulungan sa gawain. At masayang ginagawa iyon. Gusto ko palaging ganito. Walang problemang iniisip . Walang kahit ano.

" Magbihis ka na Nak. E hahatid ka ni papa sa school mo . " sabi ni papa kaya tumatango tango ako at dumeretso sa kwarto ko para mag bihis. Hindi ko gustong pumasok pero wala akong magagawa. Kailangan kong gawin to. Kailangan kong indahin lahat lahat ng ito .

Nakangiti kong ikinaway kaway ang kamay ko nung naihatid na ako ni papa gamit ang luma niyang sasakyan na palaging nasa garahe lang namin. Namamaneho lang iyon kapag umuuwi siya galing Manila. At kapag nandito siya walang palya niya akong hinahatid at sinusundo lage . Kaya iiwasan kong madumihan ang damit ko sa mga pangbubully ng mga estudyante sakin. Minsan ay magdadala ako ng extrang damit . Kapag umuuwi ako at makita nilang hindi na uniform ang suot ko ay sinasabi ko lang na nag PE kami at napawisan ang uniform ko kaya ganon.

Madami pang mga palusot ang sinasabi ko at malakung pasasalamat ko naman dahil hindi na nagtatanong si papa doon. Walang ideyang may nangyayaring hindi masama sa anak niya sa eskwela. Nalungkot naman ako doon. At napatingin sa likod ko kung saan ang gate ng eskwelahan namin.

The Omission Of Tomorrow.Where stories live. Discover now