Kabanata 5

0 0 0
                                    

Kabanata 5

FIRST MEET

Leonor Gabriela Dela Vega  POV

Nagising ako dahil may nagbubulungan sa loob ng kwarto ko.

" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa batang to , Amore. " dinig kong sabi ni daddy. I still pretend that I'm still sleeping . So Mommy is back ?

" Theodore. Wag mong sabihin yan. Wag natin sukuan ang bata . Kasalanan ko ang lahat ng to . Palagi akong wala sa tabi niya , kaya siguro nag rebelde siya satin. " dinig ko pang sabi ni mommy at dinig na dinig ko din ang mahihinang hikbi niya.

Gusto kong dumilat at paalisin silang dalawa ngayun sa kwarto ko dahil nakakaistorbo sila sa tulog ko... Pero hindi ko alam kung bakit iba ang ginagawa ng katawan ko.. May parte saking gustong marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila tungkol sakin.. May saya sa puso ko kahit papano.. At hindi ko gusto iyon.

" Siguro nga , oras na . Oras na para malaman niya ang mga bagay bagay. Maiintindihan tayo ng anak natin. " dinig ko pang bulong ni daddy at doon ko na idinilat ang mga mata ko at deretso silang tinignan.

Nakita ko pa ang paglawak ng mga tingin nila sakin at mas lumapit pa sila. Umupo naman si mommy sa gilid ko at hinaplos ang pisnge ko habang may mga luha sa mga mata niya.

Gusto kong pumikit at damhin ang haplos niya pero tinabig ko ang kamay niya palayu sakin . Nakita ko namang nasaktan siya sa ginawa ko at malungkot na tiningala si Daddy na nakita kung anong ginawa ko.. Malungkot lang silang nagtitigan at binalik sakin ang mga mata nila.

" Tanghali na anak. Kakain na tayo. " malambing na sabi ni mommy at hindi na ulit ako sinubukang hawakan.

" Gusto ko pang matulog. " sabi ko at tumalikod sa banda nila. May tampo padin sa puso at isip ko. At hindi ko alam kung hanggang kailan to matatapos.. Kasalanan nila kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.. Magdusa sila..

" Anak naman. Minsan lang umuwi si Mommy. Tapos ayaw mo pa akong kasabay. " malungkot na sabi niya pero pinikit ko lang ang mga mata ko at umaaktong matutulog ulit. Dinig na dinig ko naman ang pagbuntong hininga nilang dalawa .

Ilang minuto lang ay naramdaman ko ng tumayo si Mommy sa pagkaka upo sa higaan ko at lumabas na silang dalawa ni daddy. Doon ko naman idinilat ang mga mata ko at umayos ng pagkaka higa at tumihaya. Tumitig ako sa ceiling ko at sa pinto . Hindi man lang ako sinuyo ng matagal tagal. Tsk. Tapos magtataka sila kung bakit ako nagkaka ganito.

Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama ko at dumeretso ng Comfort room sa kwarto ko at naligo sabay nag bihis nadin. Bumaba ako sa hagdan at nakita ko namang kumakain sila Mommy , Daddy at si lola. At mga mukhang seryoso silang tatlo sa pinag-uusapan nila..

Nakita ako ni lola kaya ang kaninang seryosong mukha habang kausap si Mommy ay biglang lumambot at saka tumayo siya para salubungin ako..

" Good noon , Apo. Halika , kumain ka. Dumating ang Mommy at Daddy mo , finally. " sabi ni lola at iginiya ako sa pagkaka upo sa gilid ng inuupuan niya.

Nakita ko namang nakangiti ng bahagya si Mommy at Daddy sakin pero iniwas ko lang ang mga tingin ko sa kanila at itinutok iyon sa mga pagkain sa harap.

" Kanina ko pa pinagsasabihan itong Mommy mo at hindi ka man lang binibisita dito ng madalas.. At balak ka pa talagang dalhin doon sa probinsya nila. Ikaw nalang ang meron ako dito tapos kukunin ka pa sakin. Pagsabihan mo nga iyang Daddy at Mommy mo , Apo. " pagsusumbong ni lola sakin , nagugulat ko namang tinignan si Mommy at Daddy.

Talaga? E sasama nila ako sa Probinsiya nila? Totoo? Kailan? May konteng saya sa puso ko pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanila.

" Ayoko po. Dito lang ako. " seryosong sabi ko habang kumukuha ng ulam. Narinig ko namang bumuntong hininga si Daddy at nakita ko namang nalungkot si Mommy.

The Omission Of Tomorrow.Where stories live. Discover now